"Kailangan buo ang pangalan ko ha?! tama ba yon Oceana Fay?!!" pabiro ko siyang binato ko ng ballpen na hawak ko, buuin ba naman na isigaw ang pangalan ko.

"Ano ba! itigil mo na nga iyan kung gusto mong kamustahin si Elio go ka na doon sa college department at ako tatapusin ko na itong mga chinecheckan ko." akmang sasagot pa sana si Iris buti na lamang at tumunog na ang bell sa labas hudyat na lunch break na at anytime ay pwede ng dumagsa dito sa faculty room ang iba pang mga teachers.

"Oceana Fay niyo bitter pa din kay fafa Elio" mahinang bulong ni Iris pero sapat na para marinig ko iyon kaya tinapunan ko siya ng masamang tingin bilang pagbabanta na tumigil na siya. Kasi oo na! Si Elio kaya yon, kay Elio lang ako rurupok!

"Oh Maam Fay, Maam Iris lunch break na po, sabay napo kayo sa amin." pag-anyaya sa amin ng isa naming kasamahang guro. "Thank you Miss Eva pero hinihintay pa namin si Sir Santy." magalang na pag tanggi ni Iris.

Siniko ko si Iris nung makalabas na ng pinto sila Miss Eva "Ang plastik mo bakla ka!!" inirapan lang ako ni Iris

"Pikon talaga ako diyan sa teacher na yan, nakakainis siya—Mukha naman siyang tocino!!" tawang tawa ako kahit wala akong inis kay Miss Eva pero dahil sa sinabi ni Iris which is totoo naman mukha siyang tocino dahil pakak lagi ang reddish kuno face niya.

"Ano tawang tawa Oceana?! Asan na ba kasi to si Santy, gutom na ako!" And as if on cue biglang bumukas ang pinto ng faculty room at iniluwa si Santy.

"Finally Santiago! gutom na ako tara na sa cafeteria!!"

"Ang jinit ng julo mo teh! teka lang lalapag ko muna tong gamit sa table ko." Mabilis naman na nailapag ni Santy ang mga gamit niya kaya agad na din kaming pumunta sa cafeteria para kumain.

"Iris ikaw na humanap ng vacant seats ako na oorder ng fudangz mo." narinig kong sabi ni Santy kay Iris. And I bet sumunod si Iris.

Nung bahagyang nakalayo na si Iris sa amin ni Santy. "Oceana, bakit ba ang jinit ng julo ni Jeniffer kay ano" kita ko naman na ininguso siya ang direksyon kung nasaan si Maam Eva.

"Ewan ko ba diyan kay Iris, namumukod tanging kay Maam Eva mainit ang dugo."

"Hayaan na nga baka sadyang gutom lang si Jeniper!" tatawa tawang aniya ni Santy.

"Ay ayon si Jeniper oh!" turo ni Santy sa banda kung nasaan si Iris.

"Ang tagal niyo ha!" salubong sa amin ni Iris

"Ay demanda pa si bakla, siya na nga itong ipinag order."

"Oh edi thank you!"

"Nasa harap ng pagkain oh, mamaya na ulit kayo magbardagulan please." sabat ko dahil gutom na din ako. Tumahimik naman sila kaya nakapag umpisa na kaming kumain.

"Ay kanina pala nung nakapila kayo, nakita ko si Elio." biglang bulalas ni Iris kaya nasamid ako sa kinakain ko.

"tangina mo naman talaga Iris." mahina pero may gigil na sita ko kay Iris na tawa pa rin ng tawa

"bunganga!! marinig ka ng mga eschudyernts lagot ka nanaman niyan Oceana." saway ni Santy nung narinig niya akong magmura.

"affected pa rin si bakla partida pangalan pa lang binaggit ko paano pa kaya pag andito na siya—ELIO! dito!" akala ko ay nagbibiro lang si Iris kaya hindi ko na pinansin at nagpatuloy na lang ako sa pagkain ko.

YES SIR, NO MISS.Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ