Ganon nalang ang panlalaki ng mata ko ng masilayan ito. I-isang n-nilalang na merong malalaking pakpak na parang sa paniki, matatalim at mahahabang mga kuko, matutulis na mga ngipin, kulay itim rin ang mga mata nito na kasing dilim ng gabi, meron rin itong mahahabang sungay ng nakaturo sa itaas. Hindi rin biro ang laki at taas nito.

Ang kulay itim nitong mga mata ay matalim na nakatingin sa matanda. Natauhan lang ako ng biglang sumigaw ang matanda

" Takbo! Umalis na kayo! " Sigaw nito sa amin

Mabilis naman akong hinila ni Trisha papalayo doon.

" S-sandali! P-paano na y-yung matanda!? Iiwan nalang ba natin Siya? P-paano kung mapahamak siya? " Biglang sabi ko kay Trisha

" Art! K-kailangan na n-nating umalis! B-baka k-kapag n-nagtagal pa t-tayo ay m-mapahamak tayo! " Tumakbong sagot nito sa akin habang hinihila parin ako

P-pero bakit w-wala man lang akong takot na naramdaman kanina? Wala rin akong maramdaman na pagkabahala dito. Kung meron man ay yung pagkabahala sa kung ano ang gagawin ng nilalang nayon sa matanda. Sa halip na matakot ay parang magaan pa ang loob ko. Nababaliw na ba ako? Hindi ba dapat ay natatakot ako? Pero bakit parang kabaliktaran naman yata ang nararamdaman ko?

Nakaka-konsenya rin dahil basta-basta nalang namin ito iniwan doon. Habang tumatakbo ay bahagya lumingon si Trisha sa akin.

" A-art, h-huwag k-kang mag-alala dahil m-magiging m-maayos lang ang m-matandang yon---- Sana nga dahil sa mga sinabi niya sayo alam kong hindi siya sasantuhin nito " Sabi nito sa akin. Hindi ko na rin narinig ang huling sinabi nito dahil ibinulong niya lang

" P-paano ka naman nakakasiguro? Hindi ka ba nakokon-sensya? Iniwan nalang natin ng walang pag-aalinlangan ang matandang yon!P-paano nalang kung--- " hindi ko rin pa naituloy ang sinasabi ko dahil ayaw kong mag-isip ng negatibo tungkol dito.

Bahagya naman kaming huminto sa pagtakbo dahil sa hingal. Malayo narin kami sa lugar na iyon. Huminto lang talaga kami dahil kailangan rin naming makalanghap ng kakaunting hangin.

" Art, kayang kaya na ng matandang yon ang sarili niya, ano pa't naging albularyo siya Diba? " Sabi nito sa akin

Napa-isip naman ako sa sinabi niya, A-albularyo? Albularyo ang matandang yon? Kaya pala parang pamilyar siya sa akin habang tinititigan ko siya kanina. Naalala ko na, siya yung madalas namin puntahan nila nanay noon kapag nagkakasakit kami na hindi kayang pagalingin ng mga doktor.

Isa siyang magaling ng Albularyo, dahil halos kilala Siya sa buong Poblacion. Pero bakit ngayon ko lang naalala yon?

Muli naman kaming tumakbo. Sa totoo lang at sumasakit na ang mga binti ko parang anuman oras ay bibigay na ito. Sa wakas ay natatanaw na namin ang mga kabahayan.
Huminto kami sa isang two storey bungalow house.

Ito na ang bahay nila Trisha. Labin limang minuto pa kasi ang lalakarin mo papunta sa bahay namin at 5 minuto naman kapag tatakbuhin mo, tsaka depende rin sa bilis ng takbo mo.

Nauna sa akin si Trisha dahil nasa likod niya lang ako. Nagmamadali rin nitong binuksan ang gate nila. Tinignan ko ang relong nakasabit sa bisig ko at nakitang ala-sais na pala ng gabi. Kaya pala dumidilim na ang kalangitan.

" Art halika na " yaya nito sa akin papasok

" Hindi na uuwi nalang ako, malapit lang naman e " ngiting sagot ko rito

" Art! Ano ka ba! Mag-gagabi na oh! Tsaka delikado kapag magpupumilit ka pa " sermon nito sa akin

" Baka kasi hanapin ako nila nanay, alam mo namang ayaw ko silang pag-aalahanin kasi matanda na sila, isa pa malapit narin naman ang bahay namin " mahinanong sabi ko

" P-pero A-art--" pinutol ko ang sasabihin niya at nagsalita

" Magiging okay lang ako " nakangiting sabi ko dito bago maglakad papalayo.

" Mag-iingat ka Art! " sigaw nito sa akin

~~~~~

" Hahaha! Natatakot ka ba na baka malaman niya muli ang sekretong pinakatinatago mo ay layuan ka niya muli? Itong pakatandaan mo, walang sekreto ang hindi nabubunyag at hindi ko na muli pang hahayaan mangyari ang trahedyang naganap 5 taon na ang nakalilipas " nang-iinsultong sabi ng matanda sa kaharap nito nilalang.

" Eres estúpido! ¿Crees que te dejaré hacer lo que quieres? Jaja Piensa bien porque el momento en que lo hagas será el final de tu vida de G * dd * nm " ' Are you stupid! Do you f*cking think I'll let you do, what you f*cking want? Haha Think hard because the time you do it will be the end of your G*dd*nm life ' mahinahong sabi nito pero nangingilabot ka parin dahil boses nitong nakakatakot na parang nanggaling sa pinaka-ilaliman ng lupa at ang mga mata nito ay matalim paring nakatingin sa matanda.

" H-huwag mo akong tinatakot at pinagbabantaan dahil gagawin at gagawin ko talaga yan! Malalaman at malalaman ni Artemis ang sekreto mo! " Galit na galit na sigaw ng matanda dito

Para namang hindi nito nagustuhan ang sinabi ng matanda dahil bigla nalang nagbago ang itsura nito, ang kaninang matatalim na tingin nito dito ay mas lalo pang tumalim, mas humaba narin ang mga kuko na anumang oras kaya kang punitin sa dalawa.

Yumuko ito ng bahagya at nagsimula ng umiba narin ang ihip ng hangin, ang kaninang malamig ay bigla nalang naging mainit, sumisingaw ang lupa at nagsisimula ng yumanig ang buong paligid.

Nagsisimula naring matakot ang matanda, nanginginig na ito dahil alam niyang nasundot niya na ang dulo ng pasensya nito. Umatras siya ng bahagya ng makitang nag-angat ito ng tingin sa kanya, inangat nito ang isang kamay at walang hirap na binalibag ang matanda sa isang malaking puno ng mangga.

Halos bumaon narin ang katawan nito sa puno dahil sa lakas ng pagkakahagis sa kanya. Sumuka ito ng dugo at pinipilit ang sarili na tumayo. Nanginginig itong napasandal sa puno. Itinaas nito ang hintuturo at nagsalita.

" H-h-hinding h-hindi m-mo a-ako m-mapipigilan " nagkakanda utal-utal na sabi nito.

Nanggagalaiting sumugod naman sa kanya ang nilalang nayon. Sa isang kisap mata lang ay nasa harapan na niya ito hawak hawak ng leeg nito.

" Prueba y muere " ' Try and die ' hinigpitan pa nito ang pagkakahawak sa leeg ng matanda. Lumalabas narin ang mga ugat nito sa leeg at hindi na siya nakahinga. Kumakawag kawag narin ang kawawang matanda sa pagkakahawak niya. Ngunit hindi manlang ito natinag .

Anumang oras ay mawawalan na siya ng hangin dahil sa higpit ng pagkakasakal nito. Walang kahit na anumang awa ang makikita mo sa mata ng nilalang nayon, handa na niya sanang baliin ang leeg nito nang may kamay na humawak sa balikat nito.

" Stop it " pigil nito sa kanya

Nilingon niya lang ito ng bahagya pero hindi parin niya binibitawan ang kawawang matanda. Nanghihingalo na rin ito dahil sa sobrang pagkakasakal. Pero kalaunan ay binitawan niya rin ito ng mapansin na seryoso

" Tss! " Singhal ng nilalang bago tuluyang binitawan ang kawawang matanda at bumagsak ito sa lupa.

Ibinuka naman ng nilalang nayon ang malalaki niyang pakpak at lumipad papalayo. Naiwan naman ang lalaking may kulay pulang mata napumigil sa nilalang na iyon kanina.

Natatawang umupo naman sa lupa ang lalaking iyon at nagsalita.

" Tsk! Tsk! Tsk! Bakit mo kasi ginalit " umiiling iling na sabi nito sa kawawang matanda. Dahil sa sobrang panghihina ng matanda ay hindi na ito nakapagsalita.

Kahit kasi isa siyang magaling na albularyo ay alam niyang wala parin siyang laban sa nilalang na nakasagupa niya kanina.

Sa isang iglap lang nawala narin sa harapan ng matanda nayon ang lalaking may kulay pulang mata. Naiwan mag-isa ang matanda na nanghihinang nakasandal sa puno.

' Huwag kang masyadong pakakampante, dahil sisiguraduhin kong kamumuhian ka ng taong mahal mo sa oras na malaman niya pinakatinatagong sekreto ng pamilya niyo ' bulong nito sa hangin at tuluyang nawalan ng malay

Ang Aswang Sa Poblacion San Joaquin Où les histoires vivent. Découvrez maintenant