Stranded; 01.

676 33 22
                                    

This chapter is dedicated to Trish, ang aking anak. Hahaha. Joke lang naman. Dedicated 'to sa kanya, kasi sa lahat ng naging readers ko noon, siya talaga yung nagpumilit na ibalik 'tong Stranded. Sorry talaga sa delay, Trish! :( =)))

Anyways, sana naman magustuhan niyong lahat 'to! Please, vote and comment. Thankyou. Lablab! <333

----------

Jessica's POV

*beep* *beep*

Messages [1]

From: Nathan

Message: Hi baby, good morning! Sorry hindi kita nahatid sa airport ha, alam mo naman kasing busy ako eh. :( Pero anyways, have fun in Cebu, baby! Ingat ka lagi dun, ha? I love you baby! :*

Napangiti ako nang nabasa ko ang text ni Nathan. Si Nathan ang best friend at boyfriend ko. Oo, maraming nagsasabi na hindi raw nagtatagal yung mga mag best friend na nagiging mag boyfriend, pero kami ni Nathan, patunay kami na hindi yun totoo. Mag best friends kami simula nung mga bata pa kami, tapos ngayon, halos magti-three years na kaming in a relationship. Pero unfortunately, hindi kami magkasamang makakapag-celebrate ng anniversary namin this year.

Kailangan ko kasing pumunta ng Cebu, eh. Summer ngayon, pero pupunta ako dun hindi para magbakasyon, kundi para mag-train. College na 'ko, tapos malapit na 'kong gumraduate. Dahil dun, kailangan kong mag-train kasi sa'kin imamana nina mommy at daddy yung business nila. Nag-iisa lang kasi akong anak eh, kaya ayun. Kailanga sundin ko lahat ng gusto nila kasi kalaunan, sa'kin rin sila aasa.

Nag-type ako ng reply para kay Nathan.

From: Jessica

Message: Okay lang yun, baby. Ingat ka din lagi, ha? I will miss you. :( =))) I love you, too! Text na lang kita pagdating ko ng Cebu. :*

As soon as I sent the message, narinig kong tinatawag na yung passengers ng flight ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko tapos naglakad ako papuntang gate habang inaayos yung mga gamit at papers ko sa bag ko, nag biglang may nakabangga sa'kin. Parang tumatakbo rin siya dun sa gate, tapos di niya yata ako nakita kaya nabangga niya 'ko.

"Ow!" Napasigaw ako kasi masakit yung pagkakabangga niya. Buti na lang hindi ako natumba, pero worse than that, nahulog yung mga gamit sa bag ko! Nakakainis, nagmamadali pa naman ako!

Pinulot ko yung mga gamit ko na nahulog tapos narinig kong nagsalita yung nakabangga sa'kin. "Sorry miss ha, nagmamadali kasi ako eh, pasensya na talaga!" Tamang tama pagkatapos niyang magsalita, tapos na rin ako sa pagpulot ng mga gamit ko. Grabe ha, hindi man lang ako tinulungan! Pareho lang naman kaming nagmamadali, eh. Kakainis talaga! Lalake pa namang naturingan!

Buti na lang pagtingin ko sa kanya habang tumakbo na siya papaalis, di ko na nakita mukha niya! Nakatalikod na siya pagtingin ko sa kanya eh, tapos nakita kong naka long sleeves siya tapos may naka-sling na DSLR sa leeg niya. Buti na lang talaga hindi ko nakita mukha niya, kasi kung nakita ko, siguro nasuntok ko na siya!

Dumiretso na lang ako sa gate and later on, nakasakay na 'ko sa eroplano. Buti na lang sa may window ang seat ko, kahit papano, napapakalma ako. Narinig kong nagsalita yung stewardess, sinasabi lang yung mga safety reminders, blah blah blah. Tapos after a few minutes, the plane took off.

(A/N: Sorry guys, si Ms. Author po ay once pa lang na nakakasakay ng eroplano, tapos super tagal na nun eh, so therefore nakalimutan ko na yung mga sinasabi nila before take off. Sorry naman. Libre niyo ko ng plane ticket para malama ko. ;) Hahaha. Joke.)

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Jan 19, 2013 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

Stranded.Où les histoires vivent. Découvrez maintenant