“Oo nga ee.” Pagsang-ayon niya rito. “Wala bang kasama yan?” Tanong niya kay Angge.

“Mag-isa lang ata siya.” Sagot naman nito. “Gusto mo puntahan natin?” Pag-aaya nito kay Sarah.

“Ha? Bakit naman. Anong gagawin natin dun.” Naguguluhan nitong tanong sa kaibigan.

“Magpapakilala tayo.” Tugon nito sa kaibigan habang dali-daling tumayo at hinila si Sarah papunta sa kinauupuan ng binata.

“Angge.” Saway nito sa kaibigan ng hilain siya nito. “Oh my.” Gulat nitong tinuran ng malapitan ang lalaking nasa counter.

“Bakit kilala mo?” Gulat na tanong nito kay Sarah.

“Oo. Siya yung lalaking kinukwento ko sayo.” Sagot nito kay Angge.

“Talaga?” Na halatang nagulat din sa rebelasyon ni Sarah. “Wow, destiny.” Ang nasabi na lamang nito.

“Destiny? Malas kamo. Ang suplado kaya nyan.” Mataray nitong tugon sa kaibigan. Si Angge naman ay hindi na pinansin ang sinabi ni Sarah at agad pumunta sa harap ng lalaki upang magpakilala.

”Hello.” Malandi nitong bati sa binata.” I’mAngeline.” Pagpapakilala nito sabay abot ng kamay niya.

“Hi.” Maikling sagot niya sa binata na mukhang walang pakialam kay Angge.

“Mag-isa ka lang?” Tanong niya rito.

“Yap.” Sagot nito.

“Sakto.” Bulalas ni Angge na parang nasiyahan sa naging sagot ng lalaki. “May kasama kasi akong kaibigan., bago lang kasi siya dito, alam mo na turista” Habang tinitignan nito si Sarah na mukhang hindi sumasang-ayon sa binabalak nito, “kaso wala siyang makakasama kasi malapit nang magstart yung second set namin. Pwede bang pakisamahan mo muna siya habang hindi pa kami tapos tumugtog. “ Pagdadahilan nito sa binata habang nakita nman niyang tumango lang ito sa kanyang sinabi palatandaan na sumasang-ayon ito sa binabalak. Agad naman niyang hinila si Sarah sa harap ng lalaki upang ipakilala ng pormal. “Ito nga pala yung kaibigan ko, si Sarah.” Pagpapakilala niya rito. Lihim naman siyang natawa ng makita ang reaksyon ng binata pagkakita nito kay Sarah.

“Ikaw?” Halos pasigaw na pagkasabi nito.

“Oo, ako nga. May problema?” Pataray nitong tugon sa binata.

“Mukhang magkakilala kayo ah.” Pang-aasar ni Angge sa kanila. “Ano nga palang pangalan mo?” Baling naman nito sa binata.

“Gerald.” Sagot nito sa dalaga.

“Ah. Gerald this is Sarah, Sarah this is Gerald. “ Pagpapakilala nito sa kanila habang pilit na kinuha ang kanilang mga kamay para magshake-hands. Hindi naman siya nakaligtas sa kurot ni Sarah dahilan upang mapatili ito. “ Aray naman.” Reklamo niya sa ginawa ng kaibigan. “Hoy Gerald umoo ka kanina ha. “ Pagpapaalala niya sa lalaki.

“Ano ka ba Angge. Okay lang ako.” Pagtanggi naman ni Sarah sa balak ng kaibigan.

“Nagpromise ako kay Nanay na hindi kita iiwanang mag-isa.” Pagdadahilan niya. “Sige na.Tsaka okay lang naman diba Gerald.” Tanong niya ulit sa lalaki na tumango na lamang. “See.” Baling niya kay Sarah. “Sige ha akyat na ako, malapit na kami magsimula. Enjoy.” Paalam niya sa mga ito.

“Hoy.” Pagpigil naman ni Sarah kay Angge ngunit parang wala ata itong narinig at tuloy-tuloy lang ang paglalakad papapunta sa mga kasamahan nito. “Lagot ka sakin mamaya.” Bulalas nito sa kaibigan.

“It’s okay.” Tugon nito kay Sarah. “I don’t mind you anyway.” Sarkastiko nitong pahayag sa dalaga.

“Ako rin naman noh. Akala mo naman gusto ko ‘to.” Mataray din nitong sagot sa binata na halatang naiinis dahil sa naging tugon nito sa kanya.

It's Not about your Scars, It's All about your HeartOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz