"----Noong una ay ganoon rin ang paniniwala ko, hanggang sa tuluyan ko na silang nakilala . Isa lang naman silang tipikal na magpapamilya, mayaman man sila pero hindi nila yon pinaglalandakan. Alam mo ba? Ang unang naging kaibigan ko sa kanila ay si Aviana naalala ko pa nga noon kung paano kami nagkakilala-----"

~~~F.L.A.S.H.B.A.C.K.~~

Sabado ng umagang iyon ay inutusan ako ni nanay na bumili ang pang-ulam namin. Noong una ay natatakot pa ako dahil sa mga nangyayari ngayon sa Poblacion, pero tinatagan ko ang loob ko dahil sa oras na hindi ko nagawa ang pinag-uutos ni nanay ay malilintikan ako sa kanya.

Pumara na ako ng tricycle para magpahatid sa palengke, Kung nandito sana si Artemis ay magpapasama ako sa kanya. Bumaba na ako ng tricycle para magbayad pero hindi muna ako dumiretso sa palengke dahil alas otso pa naman ng umaga.

Pupunta nalang muna ako sa Plaza para makapag-isip at magpahangin. Nito kasing nagdaang araw ay Hindi na ako masyadong lumalabas ng bahay dahil sa takot. Kailangan ko ng preskong hangin na malalanghap.

Umupo ako sa isa sa mga bench na nandoon. Kaunti lang ang mga tao ngayon sa Plaza dahil siguro sa takot ay hindi na naisipan pang lumabas.

Tahimik sa ako at nakatulala sa kawalan, iniisip ko kung kailan matatapos ang kababalaghang ito. Umihip ang malamig na simoy ng hangin na naging dahilan upang maging magulo ang buhok ko. Naiinis na inayos ko ito at tinali. Habang tinatali ito ay napatingin ako sa katabing bench na kinauupuan ko.

Ganon lamang ang gulat ko ng may nakita akong naka-upo doon. Sa pagkaka-alala ko kasi ay wala namang naka-upo don kanina. Mas lalo pa akong kinilabutan ng Makita ang kabuuan nito. Balot na balot ito balabal at umiiyak Ito, Teka? Umiiyak?

Inalis ko ang paningin ko. Tatayo na sana ako ng magawi ulit ang tingin ko dito. Ewan ko ba, hindi ko nalang namalayan ang sarili ko na lumapit dito. Huminto ako sa tapat nito at tinitigan ito ng malapitan. Huminto muna ito sa pag-iyak ng mapansin ako. Tumingin Ito sa akin at takot na takot ang mababanaag mo sa mata nito.

" H-hu-w-wag n-niyo p-po a-akong s-saktan p-pa-rang awa niyo n-na " hinging paki-usap nito

Bigla akong nabahala sa sinabi niya. Anong sasaktan ang pinag-sasabi niya? Doon ko lang napansin na nanginginig na pala ito at nakita ko rin na may tumutulong dugo sa noo nito, marami rin siyang paasa at maliliit na sugat sa katawan.

" A-anong nangyari sayo?---" Tanong ko dito habang kinukuha ang panyo sa bulsa ko
" Paano mo ba to nakuha? Sinong may gawa nito sayo? " Sunod sunod na tanong ko

Pupunasan ko na sana ang dugong tumulo sa pinge niya ng bigla itong lumayo sa akin.

" H-hu-w-wag mo akong s-saktan paki-usap " kumunot ang noo ko sa sinabi niya

Bakit ba panay ang sabi niya na huwag ko siyang saktan? Mukha bang sasaktan ko Siya?

" Hindi naman kita sasaktan, pupunasan ko lang dugo na tumutulo sa noo mo " mahinahong sagot ko rito. Mukha namang naniwala siya sa akin kaya hinayaan na niya ako. Pero hindi parin mawala sa kanya ang pangamba na baka saktan ko siya. Napa-buntong hininga nalang ako

" Ano bang nangyari sayo? " Ulit na tanong ko rito. Nag-aalangan man ay sinagot rin nito ang tanong ko.

" P-pinagbabato k-kasi a-ako ng tao diyan k-kanina " nanginginig paring sagot nito

" Bakit hindi ka lumaban? " Nagtatakang tanong ko. Kung ako siguro yung ginawan ng ganon aba! Baka nagka-rambulan na

" W-wala n-naman k-kasi akong m-mapapala kapag p-pinatulan k-ko sila, t-tsaka kapag g-ginawa ko naman yon p-pa-rang p-pinapatunayan ko n-narin na t-totoo ang pinaparatang n-nila " nakatungong sabi nito

Ang Aswang Sa Poblacion San Joaquin Where stories live. Discover now