Pagkababa ko ay hinanap ko si Tito, tulad nga ng sabi sa akin ni nanay ay siya ang maghahatid sa akin.

Sakay ng tricycle ay hindi mo aakalaing napaka-delikado ngayon sa Poblacion. Presko ang hangin na malalanghap mo, at mabubusog sa magandang kapaligiran. Marami rin ang mga taong naglalakad sa daan at mga batang naglalaro sa kalsada.

Meron ring mga dalaga at binata na ku-kuwentuhan sa daan, may mga nakatambay sa harap ng sari-sari store at nag-iinuman, at ang mga matatanda na nag-tsi-tsismisan sa isang tabi.

Halos trenta minutos ang layo ng pamilihan mula sa bahay namin. Marami rin ang naglalakihang mga puno sa daan, naglalawakang taniman ng mga palay, mais at mga gulay. Ang Poblacion kasi ang nagsusuplay ng pagkain sa karatig bayan nito.

Halos marami narin ang pinagbago ng Poblacion unti unti ay nagiging maunlad na ito. Pero ang lubos kong ikinamangha ay ang napakalaking bahay na napapalibutan ng mga kulay itim na tarangkahan. Naalala ko pa non tuwing naglalakad ako pauwi galing paaralan, ito ay isa lamang bakanteng lote na may lawak na tatlong ektarya.

Sino kaya ang nakabili at may-ari ng bahay na yon? Halata kasing mayaman ang nakatira dahil labas palang ay makikita mo na daang libo ang ginastos sa tarangkahan palang ng gate. Paano pa kaya ang sa loob? Baka milyones na.

Dahil sa sobrang kuryosidad ay tinanong ko na si Tito.

" Tito? Alam mo ba kung sino ang may ari ng bahay nayon? " Tanong ko sa kanya

Sumulyap muna ito saakin bago ulit ituon ang paningin sa pag-d-drive

" Anong bahay ba ang sinasabi mo? " Balik na tanong nito sa akin.

" Yung malaking bahay po na nadaanan natin"

" Ah yon ba? Pagmamay-ari iyon ng pamilya Vallderama "

" Vallderama? "

" Yan yung pamilya na pinghihinalaan namin na bumibiktima dito sa Poblacion " sagot nito

Parang hindi naman kapani-paniwala na yung mayaman na pamilya nayon ang nangbibiktima dito sa amin.

Nang makarating na kami sa Bayan ay bumaba na ako ng tricycle para mamili ng kakailanganin. Maingay na pamilihan ang sumalubong sa akin , hindi rin magkamayaw ang mga tao na bumibili dito. Parang walang masamang nangyayari ngayon dahil parang isang normal lang na araw lang ito sa karamihan, hindi na inaabala pa ang mapanganib na Panahon.

Naghanap na ako ng aking mga bibilhin dahil nagmamadali si nanay. Kailangan kasing mag-umpisa ang handaan ng maaga para hindi na abutin pa ng dilim. Hindi naman kasi sorbang bongga ang inihanda namin, sakto lang kumbaga. Ang mga imbitado lang kasi ay yung mga kakilala, kaibigan, at mga kapit bahay namin.

Kumpleto na lahat ang binili ko. Nagmamadali na ako kasi alas otso na. Tinignan ko ang listahan sa kamay ko para siguraduhin na nakompleto ko na ang mga pinapabili ni nanay. Dahil sa sorbang pagmamadali at hindi pagtingin sa daan ay may nakabunggo ako.

Nabitawan ko ang dala dala kong plastic dahil sa lakas ng pagkakabunggo ko ay napa-upo ako sa lupa at nagkalat rin ang mga binili ko.

Napatinggin tuloy sa akin ang mga tao. Naku naman nakakahiya. Ang tanga tanga ko kasi.

" Sorry po " paumanhin ko sa nakabunggo ko. Hindi naman ito nagsalita at umalis na lamang.

Tumayo ako ng hindi tinitignan ang nakabunggo ko at pinagpag ang pantalon ko na nabahiran ng kaunting alikabok.

Yumuko ako at sinimulang pulutin ang mga nagkalat na pinamili ko. Isa isa ko itong pinulot at inilagay sa plastic na sisidlan nito dahil hindi naman ito napunit kanina.

Abala ako sa pagpupulot ng may kamay na tumulong sa akin. Sa gulat ko ay napatingala ako upang mapasalamatan man lang ang tumulong sa akin ng mapatulala ako dahil ang unang bumungad sa akin ay ang kulay berde nitong mata na nakaka-akit, makakapal na kilay, mahahaba ang pilik mata, matangos na ilong, at mapupulang labi.

Idagdag mo pa ang maputi nitong kulay. Parang hindi siya nasisinagan ng araw dahil sa sorbang puti nito. Hindi ako makapagsalita dahil sa labis na pagkamangha sa lalaking nasa harapan ko. Nakasuot lang ito ng kulay pulang hoodie jacket, pantalon at naka-boots.

Para siyang anghel na inihulog ng langit. Tumayo ito at inilahad sa akin ang mga pinulot niya. Doon lang ako natauhan, grabe nakakahiya napatutula pa talaga ako sa kanya.

" S-s-salamat " nagkanda utal utal na pasalamat ko dito

" Your Welcome " britonong sabi nito at umalis

Napatingin naman ako sa likuran nito. Nakatutula parin dahil sa angking kakisigan nito. Umihip ang hangin at halos masuka-suka ako ng maka-amoy ng sobrang lansa. Nakakahilo sa baho. Tinakpan ko ang ilong ko at nag-umpisa ng maglakad.

Umiba na kasi ang pakiramdam ko pinagpapawisan narin ako ng malamig. Para kasing may nakatingin sa akin. Inilibot ko ang paningin ko ng may nahagip ang mata ko sa pinaka-dulong bahagi ng palengke kung saan walang mga paninda at nasa madilim pa na sulok ito.

Isang tao na naka-itim na jacket at nakatingin sa akin ng matalim. Nakakatakot ang tingin na ipinukol nito sa akin. Nanginginig na ang tunod ko takot. Umamba itong lalapit sa akin ng dali-dali akong tumalikod at lakad takbo na hinanap ang tricycle ni Tito.

Nakakakilabot! Sino kaya yon? Ano ba ang kailangan niya sa akin? Para akong hihimatayin dahil sa lakas ng kabog ng puso ko. Bago kasi ako tumalikod ay nahagip ng mga ko ang kulay pulang mata na nakatinggin rin sa akin sa malayo. Mamumutlang pumasok sa loob ng tricycle

Ang Aswang Sa Poblacion San Joaquin Where stories live. Discover now