Tumigil sila sa pagkain at mariin akong tinitigan.

" Makinig kang mabuti anak---" panimula ni tatay "--Ang Poblacion na nakasanayan mo noon ay ibang iba na ngayon. Marami ng nagbago, ang dating mapayapa nating bayan ay bigla nalang binalutan ng kadiliman. Ang mga pumapatay sa mga kababaihan ay hindi gawa ng isang tao o hayop. Ito ay gawa ng mga nilalang na hindi mo akalaing nabubuhay sa mundong ito. Mukha silang tao sa umaga at nakakahindik ang itsura kapag gabi. Kumakain ng mga lamang loob ng tao, sinisipsip ang dugo nito at hindi na hinahayaang mabuhay pa ang magiging biktima nito. " Seryosong sabi nito.

" P-po? Kung ganon bakit nandito parin tayo? Umalis na tayo bukas na bukas rin! Baka sa susunod tayo na ang mamatay!! " Natatarantang wika ko

" A-anak hindi mo naiintindihan, ang bayang ito ay mapamahal narin sa akin. Nangako ako sa sarili ko kahit anong mangyari hindi ko kayo pababayaan at hindi ko iiwan ang Poblacion. Kahit gaano man ito kadelikado, isa pa hindi rin maitatanggi na ang lugar na ito ay isang paraiso sa kabila ng mga nangyayari ngayon " nag-aalalang napatingin nalang ako dito. Hindi ko makuha ang pinupunto niya pero tumango tango nalang ako kahit nag-aalinlangan pa.

" P-paano po ba nagsimula ito? "
,
Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita.

" Nagsimula lang ito noong umalis ka ng Poblacion, gabi gabi ay nakakarinig na kami ng kung anong ingay sa labas, kada Linggo ay 5 ang namamatay. Naaabutan nalang Ito na wawak ang dibdib, nawawala ang lamang loob at halos maubos ang dugo nito sa katawan. Noong una ang hinala namin ay kagagawan lamang ito ng mga adik na napapadpad sa lugar natin o di kaya ay mababangis na hayop na gumagala sa gabi--" huminto muna ito sandali at tumingin ng diretso sa mga mata ko.

" Hanggang sa may nakakita mismo sa tunay na nanggyari. Isang babae ang nakatakas mula sa kamay ng mga halimaw, nakita nito kung paano lapain ang mga kasama niya, at kung paano nito gutay gutayin ang mga katawan ng biktima pero hindi rin nagtagal ang naging buhay niya dahil pinatay ang buong pamilya nito kasama na siya. Hanggang ngayon ay wala paring lead ang mga pulisya dahil hindi naman sila naniniwala sa mga kababalaghan. "

" Mga? Tay ang sabi niyo " MGA " Ibig sabihin marami sila? Kilala niyo ba kung sino-sino sila? " Nanlalaki ang mata ko ng nagtanong kay Tatay

" Oo marami sila, hindi lang isa kundi buong magpapamilya. Meron kaming pinaghihinalaan pero wala kaming ebidensiya para idiin sila " seryosong sabi nito

" P-po? S-sino naman? " tanong ko kay tatay

" Ang isa sa pinakamayamang angkan hindi lang dito sa Bayan kundi maging sa buong Pilipinas, walang nagtatangka na kalabanin sila dahil sa estado nila sa buhay at hawak nila ang batas sa kanilang mga kamay "

" P-paano niyo naman nasabi na sila ang nambibiktima? Malabo naman yata yang sinasabi niyo tsaka isa pa kung sila talaga ang may sala bakit kailangan pa nilang mambiktima kung puwede naman silang magbayad ng mga tao na kukuha ng mga tao na k-kakainin nila diba? " Naguguluhan tanong ko dito

" Anak, simula kasi ng dumating sila dito ay doon na nagsimula ang mga kakaibang nangyari dito sa atin, napaka-mistersoyo ng pamilya nila walang nakakaalam kung ano ang trabaho nila at ganon nalang sila kayaman " balik na sagot nito sa akin

" Tay, grabe naman po kayo, paano kung ayaw lang talaga nila na may makaalam sa tunay nilang pagkatao? Tsaka baka gusto lang nila ng pribadong pamumuhay "

" Hay, ewan ko anak, basta ang mahalaga ay palagi kayong mag-iingat kung sakali ay huwag kayong magpapagabi sa labas. Isirado niyo rin ng mabuti ang mga bintana at pintuan ng bahay natin "

Tumango tango nalang ako sa sinabi ni tatay at nagpatuloy na sa pagkain

" Anak? " Tawag ni nanay sa akin

Nginuya ko muna ang kinakain ko bago sumagot dito

" Po? "

" Hanggang kailan ka ba mananatili dito? " Tanong nito

" Mga isang buwan po nay, nakapag paalam narin naman po ako sa boss na magtatagal ako dito sa atin " nakangiting sabi ko

" Aba! Masaya naman kung ganon. Matagal karin naming hindi nakakasama, mabuti naman at pinayagan ka ng boss mo, isang buwan? Ang tagal non ah? "

" Opo, noong una nga ay tumanggi siya pero kalaunan naman ay pumayag narin "

" Oh Siya! Ipagpatuloy mo na yang kinakain mo at makapagpahinga ka na, ay! yung pusa mo pala anak pakain mo rin "

" Opo nay " ano na kaya ang ginagawa ng pusa kung yon? Baka nagugutom narin yon

Dali dali kong tinapos ang kinakain ko at nagpaalam na aakyat muna ako ng kuwarto para kuhain ang pusa ko at mapakain ito.

Pagkatapos ko itong mapakain ay bumalik na ako ng kuwarto ko para magpahinga

~~~~~

Alas dose na ng gabi pero hindi parin ako makatulog, nababahala ako tungkol sa pinag-usapan namin kanina. Taimtim akong nagdadasal na sana ay matigil na ang mga hindi maipaliwanag na nangyayari sa aming bayan.

Hihiga na sana ako ng may marinig akong pagaspas ng pakpak kasunod nito ay ang panaghoy ng mga aso na nakakalat sa may kalsada na nagpapahiwatig na may masama na nanamang nangyayari sa aming bayan.

Nanginginig man ay dahan dahan akong tumayo at tumitingkayad na pumunta sa bintana ng aking kuwarto. Gusto kong makita mismo ng mga mata ko kung sino ba talaga ang nangbibiktima ng mga kababaihan dito sa Poblacion.

Tumingin ako sa siwang ng aking bintana. Pagkasilip ko ay nakita ko ang purong kadiliman na may kaunting liwanag dahil sa bilog bilog na buwan sa kalangitan.

Wala namang kakaibang nangyayari tanging tunog lang ng panggabing mga hayop ang maririnig mo at ang panaka-nakang hapas ng hangin sa mga nagtatayugang puno dito sa amin ngunit masama ang pakiramdam ko na sa anumang oras ay may magbabadyang panganib.

Tuluyan kong binuksan ang bintana ng kuwarto na wala namang kakaibang nangyayari. Maaring ang pagaspas na narinig ko kanina ay dulot lamang ng aking imahinasyon dahil sa nakakatakot na pinag-usapan namin, maaring rin na iyon ay dulot ng paghampas ng mga puno sa kapwa nito puno na naglilikha ng tunog na waring nangagaling sa isang pakpak.

Napayakap ako sa sarili ko ng umihip ang hangin na siyang nagpatindig ng balahibo ko sa katawan. Pakiramdam ko ay may matang nakatingin sa akin sa madilim na parte ng aming bakuran dahil natatabunan ng ulap ang sinag ng buwan.

Pilit ko itong inaaninag pero hindi ko makita, hanggang sa may narinig akong kaluskos at unti unti ay may aninong lumabas mula sa dilim. Napakalakas ng pintig ng aking puso, nanginginig narin ang mga tunod ko dahil sa kaba.

Unti unti ay nasisinagan na ng buwan ang bulto nito. Ang kaninang napakalakas na pintig ng aking puso ay mas lalong pang lumakas ng masilayan ko ang buong itsura nito.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang pulang mata nito na kasing talim ng kutsilyo kung tumitig, may matutulis na ngipin na kayang punitin ang balat mo sa oras na makagat ka nito, matatalim na kuko na kayang tumagos sa katawan mo kapag sinaksak ka nito, at ang tumutulong pulang likido sa bibig nito.

Dali-dali kong isinara ng bintana ko at buong lakas na itinulak aparador patungo sa may bintana na kung sakali man na puwersahan nito itong buksan. Nanginginig na kinuha ko ang walis tambo sa gilid ng kuwarto at itinutok ito sa may bintana.

Pakaraan ng ilang minuto ay wala namang nangyayari, ngunit ng ibababa ko na sana ang walis na hawak hawak ko ay nakarinig naman ako ng papalayong pagaspas ng pakpak na sinundan ng nakakabinging sigaw ng isang nilalang.

Nanghihina na napasandal ako sa pinto ng tuluyan na rumihistro sa isipan ko na A-aswang ng nakita ko! Totoo ang A-aswang! Juskooo! Tulungan niyo po kami, piping panalangin ko.




Ang Aswang Sa Poblacion San Joaquin Where stories live. Discover now