Mas binilisan ko pa ang lakad ko pero bago ako makarating sa bahay ay madadaanan ko muna ang isang malaking puno ng mangga ng hitik na hitik sa bunga. Sunod nito ay ang bahay na namin. Kinakabahan ako ng hindi ko maipaliwanag, hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero may nakita akong anino sa likod ng puno na siyang nagpahinto sa akin.

Basi sa tindig nito ay nakatingin ito sa akin. Nanginginig na ang buong katawan ko sa takot pero pilit kong pinapalakas ang loob ko. Pumikit ako ng ilang sandali at biglang nagmulat ng mata ng may naramdaman akong kakaiba. Bigla akong napasigaw ng may kung ano na mabalahibong nilalang ang biglang kumikiskis sa mga binti ko.

Humupa lang ang kaba ko ng tinignan ko ito at makita ang isang itim na pusa sa may paanan ko para itong nagpapalambing. Binitawan ko ang maleta ko sa isang tabi at kukunin ko na sana ang kuting ng may biglang may sumigaw ng pangalan ko.

" ARTEMIS!! " sigaw ng kung sino sa pangalan ko

Kinuha ko muna ang pusa at tinignan ang sumisigaw.

" TAY! " sila Tatay may dala dala na mahabang kawayan at flashlight

Lumapit sila sa akin at hinawakan ako nito sa balikat at sinuri kong may mga galos na ako o wala. Para silang nakahinga ng maluwag ng makita na wala akong ni galos sa katawan.

Kinuha nito ang maleta ko at ang cake na dala dala. Inakbayan ako ni tatay ay inayang umuwi na.

" Tay? Paano niyo nalaman na nandito ako? Wala naman akong natatandaan na sinabi sa inyo na ngayon ako uuwi " naguguluhang tanong ko dito

" May narinig kasi kaming sumisigaw hahayaan na sana namin kaso parang nabobosesan ko kaya naglakas loob na kaming lumabas para tignan kong sino yun, tapos nakita ka namin kaya pinuntahan na kita" paliwanag nito

Tumahimik nalang ako. Nalagpasan narin namin ang puno ng mangga kung saan ko nakita ang anino. Nilingon ko iyon at nakitang wala na ang anino don. Hindi kaya namamalik mata lang ako? Pero hindi e? Totoo na may nakita talaga ako!? 

Papasok na sana kami ng gate ng bahay namin ng mapansin ni tatay ang dala dala ko.

" Art? Alaga mo ba ang pusa nayan? " Kunot noong tanong ni tatay

" Huh? Nakita ko lang po to kanina sa daan, para namang walang nagmamay-ari nito e kaya akin nalang, kawawa naman po kapag pababayaan nalang natin "

" Ahhh, bakit parang ang sama kung makatingin sa akin ng pusang yan? Parang papatayin ako sa tingin " Kunot noong tanong paring nito

Tinignan ko ang pusa at nakita ang mapupungay na berdeng mata nito na nakatingin sa akin, ayieeee ang cute! Nakakagigil!

" Si tatay talaga o! Hindi naman ah, ang cute cute nga niya eh " sabi ko at hinimas himas  pa ang balahibo nito bago kami tuluyang pumasok ng gate.

Nakita ko si nanay at ang mga kapatid ko na naka-dungaw sa bintana ng bahay namin. Mababatid mo talaga ang saya sa mga mukha nila dahil sa laki ng mga ngiti nila sa labi.

" Ate!! " Nakangiting salubong saakin ng mga kapatid ko pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng bahay at niyakap ako ng mahigpit pero hindi rin ito nagtagal ng magsalita si nanay

" Mabuti naman at ligtas kang nakauwi anak, bakit kasi hindi ka nagsabi na ngayon ka pala uuwi? Edi sana sinundo ka nalang namin. Alam mo naman na masyadong delikado ngayon ang Poblacion, kung hindi lang naglakas ng loob ang tatay mo na lumabas at alamin kung sino ang sumagaw aba! Baka hindi ka na namin nakita pa. " Maluha luhang sabi ni nanay

" Sorry po nay, gusto ko po sana kayong sorpresahin e, pasensya na po hindi ko lang talaga inasahan na masyado akong gagabihin sa daan dahil akala ko ay mga bandang ala-singko imedya ay nandito na ako. Pasenya na po at pinag-alala ko pa kayo" nakayukong paumanhin ko

" Sa susunod kasi magsabi ka kung kailan Ka uuwi hindi yung bigla biglaan, Paano nalang kong may mangyaring masama sayo habang nasa daan ka?" Nakapameywang na sabi nito

" Sorry po " nakayuko paring sabi ko habang hinihimas himas ang balahibo ng pusa.

" Hay! Halika ka nga rito " biglang sabi nito at niyakap ako ng mahigpit

" Sorry po talaga nay " bulong ko rito

" Oh Siya, Halikana at kumain na tayo, alam kong pagod at gutom ka na dahil sa biyahe. Doon ka muna sa kuwarto at magpahinga ka kahit sandali ihahanda ko lang ang hapunan natin " at umalis na ito upang ihanda ang hapunan namin

" Ate!! " Tuwang tuwa na tawag sa akin ng bunso kong kapatid

" Bunso ang laki laki mo na! Happy Birthday Day " nakangiting bati ko dito

" Hihi ate! Asan na po yung cake ko? Yung promise niyo po sa akin " nakangusong Sabi nito. Gamit ang isang kamay ay kinurot ko ito sa pisngi.

" Nandoon kay Tatay bukas mo nalang tignan ha? Para surprise " ngumiti ito ng pagkalapad sa akin at tatalon talon na pumunta sa kusina

" Ate? Halika na ihahatid na kita sa kuwarto mo " sabi ng isa ko pang kapatid

Tatlo kaming magkakapatid ako yung panganay, ang sumunod naman saakin ay si Audrey mag-s-senior high school narin siya sa susunod na taon at ang bunso naman ay si Aries mag-s-seven na siya bukas.

" Kamusta yung pag-aaral mo Audrey? " tanong ko habang umaakyat kami ng hagdan.

" Okay naman teh, medyo mahirap pero kakayanin ko naman "

" Ganon ba, mag-aral kang mabuti ha? Kahit wala kang honor ayos basta makapagtapos ka lang tsaka huwag mo ring i-pressure yung sarili mo, i-enjoy mo lang yung pag-aaral mo"

" Opo ate, sisiguraduhin ko po na makakapagtapos ako para masuklian ko rin ang mga paghihirap na ginawa mo sakin pati narin ang pagpapahirap nila nanay at tatay mapalaki lang tayo ng maayos "

Niyakap ko ang kapatid ko ng huminto na kami sa tapat ng kuwarto ko.

" Sige na magpapahinga na ako, tulungan mo nalang sila nanay sa kusina " sabi ko rito

" Sige ate " tipid na sabi nito

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kuwarto ko ng biglang mag-salita ang kapatid ko

" A-ate? " Nanginginig na sabi nito

" Oh? Bakit? " Humarap ako sa kanya at nakita na pinagpapawisan siya ng malagkit at balisa rin itong nakatingin sa pusa na dala dala ko

" B-bakit? Audrey? Anong nangyayari sayo?" Natatarantang tanong ko dito

" A-ate y-yung pusa m-mo naging kulay p-pula ang m-mata niya!? " Napakunot naman ang noo sa sinabi niya

" Huh? Ang pinagsasabi riyan? " Inangat ko ang pusa kapantay ng mga mata ko para makita kung totoo ba ang sinabi ng kapatid ko.

" Meow "

Normal naman ang mata niya at wala namang kakaiba. Kulay berde parin naman ito.

" Naku! Audrey ha! Tulungan mo nga doon si nanay sa kusina nasobrahan ka na yata sa panonood ng mga Fantasy movies "

Napakamot nalang siya ng buhok niya.

" S-sige Ate " Habang nakatitig parin sa pusa ay patalikod itong humakbang bago tuluyang bumaba ng hagdan ay sumulyap muli ito sa pusa.

Napailing nalang ako sa ginawa niya. Binuksan ko ang pinto at pumasok na sa loob ng kuwarto ko wala parin itong pinagbago maliban nalang sa mga punda at kumot nito.

Umupo ako sa dulong bahagi ng kama ko at tinitigang muli ang pusang hawak ko. Kulay pink ng ilong, kumikinang na itim na balahibo at mapupungay na berdeng Mata. Ang cute cute talaga ng pusang ito pero bakit hindi manlang yung nakikita nila tatay? Bahala na.

Sino kaya yung may-ari ng pusang ito. Para kasing alagang alaga at hindi man lang hinahayaang magutom, ang taba kasi nito at ang bango pa ng balahibo. Sinabi ko lang naman kay Tatay na baka walang ng nagmamay-ari dahil nakyu-cutan talaga ako sa kanya bahala na kung sino man ang may ari nito ay aangkinin ko nalang ang pusa niya hehe

Ang Aswang Sa Poblacion San Joaquin Onde histórias criam vida. Descubra agora