***

Cassandra' s office:

Busy si Cassandra sa mga ginagawa niya ng biglang pumasok si Vera.

"Hi Ma'am Andra, flowers for you, from Mr. President." Lumapit ito sa 'kanya at inabot ang bulaklak. Tinignan niya ang greeting card, napangiti siya ng mabasa ang nakasulat.

[Kape ka ba? Hindi mo kasi ako pinapatulog kakaisip sayo. Good morning beautiful Cassy.       Fr: Miguel]

"Si Miguel talaga" Tumingin siya kay Vera.

"Thanks Vera."

"Hay ma'am Andra, you're such a lucky." Ngumiti lang si Cassandra at muling lumabas si Vera.

Nag-paka-busy uli si Cassandra, mga ilang minuto lang pumasok uli Vera.

"Rapunzel" Napaangat ng ulo si Cassandra.

"Flower again Ms. Rapunzel." Napakunot ng noo si Cassandra.

"From....?"

"From Vice President." Sagot ni Vera. Binigyan niya ng questionable look si Vera.

Lumapit si Vera sakanya at binigay ang bulalak, tinignan niya ang greeting card.

[ Good Morning baby, I love you and I love you and I love you and I love you.
                                         Fr: Iñigo]

Tumingin siya kay Vera, nakangiti naman ito sa kanya.

"There's more." Sabi ni Vera at agad na nagpunta sa pinto, binuksan nito ang pinto at sumenyas mula sa labas.

Maya-maya lang may pumasok na lalaki na may dalawang bulaklak sa magkabilang kamay na nasa vase. Mas nagulat siya ng may mga pumasok pang mag kasunod na dalawang lalaki at may dala ding bulaklak. Lumabas ang tatlong lalaki, pero muling pumasok at may pinasok pa uling bulaklak. Halos mapuno ang office room, umalis ang nag deliver ng bulaklak.pag-katapos malagay lahat ng bulaklak.

"Ma'am Andra, ang haba-haba ng buhok mo, mas mahaba pa ata sa buhok ni Rapunzel." Ngiting-ngiting sabi ni Vera.

"Whoah! What's this? Kailan ka pa nag palit ng business, ha Andra? Flower shop na ba ang gusto mong business?" Sabi ni Preyh na kakapasok lang.

"Mas malupit si Vice President kaysa kay Mr. President. Grabe ma'am Andra ang problema, ang sarap-sarap ng problema mo." Sabi ni Vera, at lumabas na ito ng opisina.

Umupo naman si Preyh sa tapat ng desk niya. Agad nitong kinuha ang isang bouquet ng bulaklak sa desk at tinignan ang greeting card. Gan'on din ang ginawa niya sa isa.

"Kanino galing ang mga yan?' tanong ni Preyh at tumingin sa isang katutak na bulaklak.

"Kay Iñigo." tipid niyang sagot.

"Wow! So, sino pipiliin mo? The President or the Vice President?" Preyh asks. Tumayo si Cassandra at hindi nito sinagot ang tanong ng kaibigan.

"I have to go Preyh. Ikaw na munang bahala dito, I'm going to Miguel."

"Wait, wait, wait.. Don't tell me you're choosing Miguel?" Nanglalaki ang mata na tanong ni Preyh.

Ngumiti lang si Cassandra at iniwan na ito. Tarantang kinuha ni Preyh ang cellphone niya, tinawagan niya agad si Iñigo.

"Hey Preyh, kumusta?" Tanong agad ni Iñigo.

"Iñigo, waley, waley, waley.. Cassandra is going to Miguel right now. Isang katutak ng bulaklak ang pinadala mo, but then, si Miguel ang pupuntahan niya. Take note, he had just sent a bouquet of flower." Walang preno nitong litanya.

Slept with a Stranger #Wattys2015Where stories live. Discover now