"Sige na nga. Parang hindi mo ako titigilan hanggat di ako sumasang ayon." napa wiggle na lang sya ng eyebrows nya noong sabihin ko yon.

"Sige na, alis na ako. Gala tayo next time ha? " Vice.

"Thank you ha. Oo, gagala tayo next time." Hinatid ko na sya sa may labas ng pinto at bumalik na ko sa loob. Maya maya nakarinig naman ako nang kumakatok.

Binuksan ko naman yon at bumungad na naman sakin ang mukha nya.

"Yes?"

"Ano munang pangalan mo?"

Oh shoot. Sa haba ng oras na magkausap kami, ngayon nya lang tinanong ang pangalan ko. Bakit kasi di ako nagpakilala?

"Karylle." sabi ko at hinawakan nya ang kamay ko. Nakipag shake hands ulit sya sakin.

"Nice to meet you, Karylle with a curly hair."Vice. After saying that tumalikod na sya at nag diretso sa car nya.

Tumingin at ngumiti pa sya sakin bago sya tuluyan na umalis.














" Karylle! " Rinig kong sigaw ni vice mula sa likuran ko habang may dala syang popcorn at softdrinks. Nandito kami ngayon sa mall dahil inaya nya ako manuod ng movie.

Inaaya nga sana ako ngayon ni anne na pumunta ng Tagaytay, mag babakasyon kami pero naka oo na ako kay vice at hindi ko naman alam na ngayon pala yon.

Nag tinginan naman ang mga tao dahil sa pag sigaw nya sa pangalan ko.

"Shhh!" saway ko at sinalubong ko sya para kunin ang popcorn sa kanya.

Ako kasi ang pumila para bumili ng ticket, gusto nya nga sya pa mag bayad pero sinabi ko na lang na iiwan ko sya dito kapag di ako ang pinagbayad nya. In the end, sya na lang sumagot ng food namin habang nanunuod kami ng movie.









Thank you for today, Karylle. I enjoyed it.
-From: Vice

Yan ang message nya sakin. Nandito na ako sa bahay, isang oras na rin ang nakalipas.

Thank you rin ha? Ang saya ko kanina habang nanunuod tayo ng movie. Feeling ko bumalik ako sa pagkabata.
-To: Vice

Kita ko nga yung saya sa mga mata mo kanina. Mabuti naman, tumawa ka na. Laging ngiti lang kasi nakikita ko sayo.
-From : Vice

Bago pa ako makapag reply, may message na naman sya sakin.

And you have the best laugh I've ever seen in my entire life. You're extra beautiful when you laugh, K.
-From: Vice

Pakiramdam ko nag init ang mukha ko at may kung anong paro paro sa tyan ko. Gaga. Kinikilig ako.









Three days syang walang paramdam sakin. Hindi rin sya pumupunta sa bahay ko. Kaya wala akong ginawa kundi mag paint na lang din sa bahay. Tinatawagan ako nina vhong and anne, kinukumusta ako and I always say that I am okay.

Ilalapat ko na sana ulit ang brush sa canvas ng may kumatok sa pinto.

"Karylle?"

Napatayo ako at binuksan ko ang pinto dahil kilala ko ang boses na yon.

"Vice! Finally naman, nagpakita ka na sakin ulit! Hey, are you alright? Para kang namumutla." sabi ko sa kanya at nilakihan ko ang bukas ng pintuan, sign na pumasok sya.

"Nah, I'm fine! Hahaha nagkasakit lang ako kahapon pero okay na ako ngayon." sagot nya sakin at naupo sa swivel chair na nasa gilid ko.

Bumalik na ako sa pag pepaint at nanatili naman sya nakaupo doon. Naka pamulsa sya sa pocket ng kanyang hoodie.

ViceRylle Collectanea FandonieWhere stories live. Discover now