Chapter 103: Practice Game

Începe de la început
                                    

“Okay lang ‘yon.” Nakangiting sabi ni Dion at naglakad siya tungo sa direksiyon ni Kaden. “Tuloy-tuloy laro ko ngayon, pakitaan kita kung gaano ako kalupit mag-tank. Mas magaling ako sa ‘yo.”

Napailing si Kaden at napangiti. “Gago.”

“Anong balita sa inyong dalawa? Masarap bang ma-principal’s office?” tanong naman ni Noah sa kanila.
Ibinagsak ni Larkin ang kaniyang sarili sa bakanteng bean bag at komportableng ipinatong ang paa sa center table. “Ayon, suspended.”

“Saya mo, ah.” sabi ko sa kaniya.

“Bakit hindi ako magiging masaya?” Larkin chuckled. “Suspended ako, ibig sabihin no’n hindi ako lalaro. Chill lang ako sa mga susunod na araw. Magpakahirap kayong Manalo samantalang ako…” he closed his eyes. “Matutulog.”

Napairap na lang ako sa ere dahil hindi ko kinakaya ang mind set nitong si Larkin, siya lang ang nasuspinde na masaya pa. Mukhang pabor nga sa kaniya dahil siya ang na-stress sa aming dalawa sa pagli-lead ng team habang nasa Bulacan pa ako, eh.

Ilang minute kaming nakipag-usap kay Kaden at ayon sa kaniya ay isang linggo silang suspended sa mga matches. Kung iisipin ng iba ay isang linggo lang iyon pero para sa amin… ilang match din ‘yon nang pag-a-adjust lalo na’t hindi naman basta-bastang player sina Larkin at Kaden. They are one of our asset na nagbibigay talaga ng assurance na mananalo kami sa mga match.

I kinda understand the management’s decision na huwag munang palaruin sina Kaden. They are just protecting the image of the team at gusto lang din nila pahupain ‘yong issue bago isalang ulit ang dalawa sa laro.

“Okay, guys, practice na tayo!” I clapped my hands at naglakad na kami papunta sa training room upang ma-monitor ko ang practice na aming gagawin. “Hoy, Oppa, anong pahinga ka diyan! Tutulungan mo akong mag-monitor sa progress at playing status noong mga lalaro.”

“Awit nitong si Milan, suspended na nga ako, eh!” reklamo ni Larkin at tinanggap ang isang clipboard na inabot ko sa kaniya. Sa clipboard ay nakalagay ang mga pangalan ng players na lalaro at sa gilid nito ay may bakanteng space na kung saan maglalagay kaming dalawa ng comment sa laro nila ngayong araw.

Isinuot na nila ang kanilang nerve gear at nag-log-in sa game. Binuhay ni Larkin ang malaking TV dito sa training room na kung saan mapapanood namin ang magiging laban nila. They will do a 6v6 match, hinayaan ko na sila kung paano ang proseso nang pagpili nila sa team nila.

“These past days, sino ‘yong nasa magandang kundisyon lumaro?” tanong ko kay Larkin habang nakatutok sa screen. Pumasok si Coach Russel sa training room upang manood din ng laban.

“Noah is doing great these past few days,” seryosong sabi ni Larkin habang ipinakita niya ang character ni Noah sa screen. “Hindi katulad noong mga naunang buwan ni Noah rito sa Orient Crown na wala siyang coordination sa kahit kaninong ka-team niya, ngayon, he can blend well at sanay na siyang makiramdam kung ano ang mga risky moves na makakaapekto sa team.”

Puro kalokohan man si Larkin but he really monitored each member of the Orient Crown. Oppa really gives an honest critic based on the player’s performance. Kagaya nga nang sabi ko, papasa na Captain itong si Larkin pero itinapon niya lang sa akin ang responsibilidad, which is okay lang din naman. Nag-e-enjoy din akong i-lead ang Orient Crown at nakatutuwa rin kasing pagmasdan ang growth ng bawat kasama ko as a player.

“Si Dion din, maganda laro. Laki ng improvement as a tank, alam niya kung kalian siya mag-switch as a tank or a fighter since fighter/tank ang posisyon niya,” napatingin sa akin si Larkin. “Tuwang-tuwa ka naman na napupuri boyfriend mo. Pag-untugin ko kayong dalawa ng tatlong beses, eh.”

Hunter OnlineUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum