Chapter 15: Babae sa iskinita

Start from the beginning
                                    

Umiiyak lang ang babae, habang yakap-yakap ang kaniyang sarili. "T-Tatay ba talaga kita?" nauutal na tanong nito, "sapagkat ikaw pa ang naturingan kong pinaka-best sa lahat... ikaw pa pala ang bababoy sa katauhan at dignidad ko," pumiyok pa ito.

Napaluha ako sa sinapit ng dalaga.

"Kahit kailan hindi kita itinuring na anak dahil wala akong anak na bastarda!" walang awa na sagot ng lalaki rito. "Kailanman, hindi kita matatanggap sa buhay ko bilang anak, kung hindi lang binitbit ng iyong Ina, wala ka sana sa buhay naming mag-asawa!" karagdagan ng lalaki bago ito tumalikod at umalis sa harap ng babae.

Umiyak nang umiyak ang babae habang yakap ang dalawang binti nito. Nakasulyap lamang ako sa kaniya, kahit pa sa madilim na bahagi iyon ng iskinita. Ako ang nasasaktan para sa kaniya. Paano nagagawa ng isang Ama ang bagay na iyon sa kaniyang anak? Kahit pa hindi siya nito dugo't laman, dapat ituring pa rin niya pero iba at mali ang nakita ko sa lalaki, purong galit at tila nakakasuka ang babae sa kaniya.

"I-Inapakan mo ang dignidad ko... maging ang pagkababae ko," dinig kong sinasambit niya. "hindi ko mapapalagpas... balang araw ako naman ang maniningil ng kasalanan sa inyo," sabi niya sabay pahid sa huling patak ng kaniyang luha.

Isang patak ng luha ang tumulo sa akin, nais kong lapitan ang babae ngunit nagdadalawang isip ako. Tulala na lamang siya roon, tila malalim ang iniisip.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kaniya. "A-Ayos... ka lang?" putol kong tanong na kaniyang ikinabigla.

Nanlaki ang mata niyang napatingin sa akin.

"K-Kung balak mo rin akong galawin... gawin mo na," pumiyok ito.

Lumuhod ako sa kaniyang harapan, ini-abot ko sa kaniya ang isang puting panyo na nabili ko lamang sa palengke noong nakaraan.

"Hindi..." malumanay kong sagot. "Hindi kita sasaktan," paninigurado ko pa sa kaniya.

Tumingin ito sa akin at natulala sa aking mukha. Dahil nahihiya at naaasiwa ako kapag ganoon, umiwas na lamang ako nang tingin at tumayo na rin.

"Pasensya na kung narinig ko ang sinabi ng iyong Ama," pagsisimula ko sa usapan.

"Hindi ko siya Tatay!" anas niya. "Kailanman hindi ko siya magiging Ama!"

Napatikom ako sa aking bibig. Hindi ako nagsalita dahil baka may sasabihin pa ito pero makalipas ang ilang minuto, hindi ito umimik.

Napahinga ako ng malalim, "Kung naapakan at binaboy ang dignidad mo, huwag kang matakot na isuplong ito sa mga otoridad," suhestiyon ko. "Kasi kung habang-buhay kang tatahimik, walang hustisyang makakamit."

Inangat niya ako nang kaniyang tingin. "Sino ka ba? Hindi ako nakikinig sa mga taong hindi ko naman kakilala." masungit na usal niya.

Aba! Kanina umiiyak ngayon mataray na. Matindi!

"Pasensya ka na, Miss nagbibigay lang ako ng suhestiyon kasi akala ko naman gusto mo siyang isuplong. Pasensya na, sana pagpalain ka." sarkastikong sumbat ko sa kaniya.

Tumayo ito. "Hindi ko kailangan ng suhestiyon mo,"

"Sungit..." bulong ko. "Punyawa, siya na nga ang tinulungan."

"May sinasabi ka?"

Napalingon pa ako sa magkabila kong gilid. Malay ko ba kung iba ang kinakausap niya na hindi ko nakikita.

"Hoy!" tawag niya sa atensyon ko.

Itinuro ko sarili ko. "A-Ako?"

"Sino ka ba? Bagong salta ka lang rito?" magka-sunod na tanong niya.

Ngumiti ako ng pilit sa kaniya, "oo, bago lang ako."

"Pangalan,"

Ano ito? Interbyu?

"Ini-interbyu mo ba ako?" Hindi ko na napigilang magtanong. "Kasi kung interbyu ito, baka kailangan ko nang umuwi."

Akma na akong tatalikod at maglalakad paalis nang mahawakan niya ang palapulsuhan ko. Mabilis ko iyon iwinaksi dahil natakot ako sa malamig niyang hawak sa akin. Malamig ko na lamang siyang tinitigan.

"Huwag... huwag mo akong hawakan," mahina ngunit ma-otoridad kong sambit sa kaniya.

Sa halip na mainis ito ay ini-abot niya sa akin ang kamay niya. "Ako si Mara," pakilala niya.

Nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ang kaniyang kamay o hindi. Ngunit sa huli, kahit nanginginig ang aking kamay ay inabot ko na lang rin ito at nagpakilala.

"Laxxus Harris,"

Ngumiti lang ito sa akin bago bitawan ang aking kamay. Mabilis itong umalis sa aking harapan at pilit pa siyang hinahagilap ng aking mata ngunit hindi ko na siya matagpuan.

"Tangina! Hindi naman siguro multo ang babaeng iyon..." bulalas ko na lamang.




To be continued...

Defiant Youth Series # 12: Unwanted Justice (COMPLETED)Where stories live. Discover now