Ang istorya na ito ay fiction lamang.
Usong uso na talaga Picture ngayon, Selfie dito, selfie jan, groupie kasama ang tropa, sa magaganda lugar, at minsan kakain ka nalang kukuhanan mo pa muna ng litrato. Halos lahat may smartphone at adik na sa picture, mapalalaki o babae man. May iba't ibang app din para mas maenhance yung mga pictures and selfies natin, makakapili ng ibat ibang filter, with animal faces pa.. Pero paano nga ba kung magkaroon ka ng application na may mga weird filters? Will you use it, or uninstall it?
Sa isang university nag-aaral si Gia, 3rd year college na sya nung magtransfer sa dito. Madaling nya nakapalagayan ng loob ang mga kaklase nya dito, malibang laman sa isa nila kaklase na weirdo, na di nakikipag usap kahit kanino. As in weirdo, Nerdy, pero genius, yung tipong ituturo palang ay alam na nya.. Kaya naman halos lahat ng kaklase nito kinokopyahan sya pag tuwing test, kahit ayaw nya, talagang pipilitin sya para lang magpakopya. Madalas din ito bullyhin dahil na din sa pagiging nerd at weird nito.
"Gia, Picture tayo.." aya ni Jessica
"Sige, gusto ko yan, gamitin mo yung snow app, para maganda filter" Sagot ni Gia
"Oo ba, eto eto, Panda look"
Tingin sa camera sabay clicked..
"Wow, ang cute natin jan, tag mo ko ha" sabi ni Gia.
Naglalakad pauwi si Gia, nang bigla itong mapahinto at masaksihan ang pangbubully kay Zac ng mga kaklase rin nila. Napaupo si Zac sa sahig, na tila hirap na bumangon, at kalat kalat ang mga gamit nito. Pinalilibutan sya ng sampung kaklase nya, pinag tatawanan, hanggang sinasaktan ito...
"Hahaha, nakuha mo pang mag selfie, ang pangit mo kaya hahahaha" tukso ng isang lalaki, may hawak ng cellphone ni Zac.
"Pangit, Nerd, Weird, Loner" Paulit ulit bigkas ng ibang mga kaklase nila... Sabay tawa ng nakakaloko..... Panay tawa, at nung magsawa, nagsialisan na rin ito.
Gusto sanang tulungan ni Gia si Zac, nung akmang lalapitan nya ito. Bigla itong pinigilan ni Anthony, isa sa mga nangbully kay Zac.
"Wag na wag mong tutulungan si Zac, kung ayaw mong mangyari sayo ang nangyari sa kanya" sabay ngisi at alis.
Kaya natakot na rin itong si Gia, napatingin na lamang sya, at tumingin din si Zac sa kanya. Bakas sa mata ni Gia ang awa, ngunit nanaig ang kanyang takot, na mangyari din sa kanya ang nasaksihan nya. Kaya umalis na lamang ito.
Gia's Pov
Nakakaawa naman si Zac, :( gusto ko naman syang tulungan pero natatakot ako sa banta ni Anthony. Halos di nga makalakad ng maayos si Zac pagkatapos ng ginawa sa kanya. haist.. Kamusta na kaya si Zac? Sana di naman sya galit sakin.
Zac's Pov
Bakit di nya ko tinulungan? nakita nya naman yung nangyari sakin, pero wala syang ginawa. Sa bagay sino nga bang gustong tumulong sa isang kagaya ko, na nung una palang inaayawan na nang marami, magulang ko nga inabanduna na ko. Kesyo sinumpa daw ako.. Walang gusto makipag kaibigan sakin. Nalulungkot ako dahil dun, kasi miski sila naniniwala na sinumpa ako.
Di ko alam kung pano nga ba ako sinumpa, at bakit? Basta nagsimula nalang ito, nung 8 taon palang ako, habang ako'y gumuguhit, may kakaibang babae lumapit sa akin, at sinabi ang mga obra mo, magiging sikat pag dating ng araw.. Ewan ko ba bakit nilayuan na nila ako nung ibinahagi ko yung sinabi sakin nung babae.. Natural naman siguro na matuwa ako, kasi sisikat raw yung mga obra ko.. Pero pano nga ba mangyayari yun, eh halos lahat ng kaibigan ko noon nung makita ang mga ginuhit ko ay nilayuan nila ako. Siguro dahil ang weird naman talaga para sa edad ko ang gumawa ng mga nakakakilabot ng obra, pero ewan ko ba, masaya ako pag nag dodrawing ako, I feel satisfied everytime makakatapos ako ng isa.. Nagsimula itong pagguhit ko ng ganito nung makasaksi ako ng isang batang babae na hinahabol ng tatlong lalaki. Iyak ng iyak ang batang babae habang patuloy ang pag takbo... Palihim kong sinundan ang mga ito, dahil wari ko may di maganda silang balak, at di nga ko nag kamali nung makita kong may hawak na baril ang isang lalaki at tinutok ito sa bata.. Bigla akong natakot nung makita ko iyon, pero nilakasan ko ang loob ko, buti na lamang meron tirador na dala dala na ginagamit kong pang huli ng mga ibon, at tinapat ko na ito sa lalaking may hawak na baril, nung akmang kakalabitin na ng lalaki ang kanyang baril, biglang ko rin binitawan bala ng tirador ko na sumapol sa kanyang baril, at lumihis ang putok nito na tumama sa isa nilang kasama.. Paglingon nya, wala na ang batang babae.. Hindi ko na rin nakita ito.. at pumaripas na rin ako ng takbo. Grabe talaga yun pag naaalala ko.. Pero sana ligtas talaga yung batang yun.. Doon nag simula ang aking kakaibang imahinasyon sa pag guguhit...
Sa panahon ngayon, uso na nga mag pictures. Natuwa lang naman sa bagong cellphone na regalo sakin ng tita ko galing abroad. Mahirap lang naman kami, kaya nung makatanggap ako ng ganitong kagandang cellphone natuwa ako.. Kaya naisipan ko selfie.. Bakit gwapo naman ako, Nerd lang siguro kasi nga makapal ang glasses ko at bagsak ang buhok ko na tumatakip s isang mata ko.. At syempre dahil nasanay na rin ako na mag isa, kaya kahit kanino di ako nakikipag usap..
"Grabe ang sakit ng sapak sakin nung isa" sabay hawak sa kanyang mukha.. "humanda kayo, mamakaganti rin ako sa inyo. Tsk" Agad na itong tumayo, at umalis.
Kinabukasan sa paaralan..Na kaunti palang ang tao sa classroom nila. Nung makita ni Gia na dumating na si Zac, Lumapit ito at naupo sa tapat ni Zac, "Uy Zac, pasensya ka na kahapon, hindi kita natulungan, ang dami kasi nila at puro lalaki pa" sabay hawak sa kamay ni Zac. Iniwas ni Zac ang kanyang kamay, at sumenyas na Okay lang sya. Agad itong naintindihan ni Gia, "ahh okay, Salamat Zac, pasensya na talaga" na mejo naweweirduhan pa rin kay Zac dahil di man lang ito nag salita..
At dahil inaantok na ko.. mamaya naman hahahahaha :)
