Alam na ni Nevaeh na hindi siya tanggap sa kanilang kaharian sa kadahilanan na isang hamak na anak siya sa labas kaya naman kahit ang mga kapatid nito ay hindi rin siya nirerespeto. Gayunpaman ay binibigyan halaga naman siya ng kaniyang ama pero panandalian lamang iyon dahil sa pangatlong asawa nitong si Helena. Kapag binibigyan siya ng atensyon ng kaniyang ama ay bigla naman eeksena si Helena para kuhanin ang atensyon ng kaniyang ama. Kahit ang mga tita rin nito ay hindi siya binibigyan ng halaga dahil isa lamang siyang anak sa labas. Hindi pa rin sinasabi ng kaniyang ama kung sino ba ang kaniyang ina at wala rin nakakaalam kung anak ba talaga siya nito.
Kaya habang naglalakad siya sa may pasilyo ay aksidenteng napakinggan ni Nevaeh ang usapan nina Edward ang ama ni Nevaeh at ang kasalukuyang asawa nito na si Camilla.
Galit na galit na binato ni Camilla si Edward ng unan "Umamin ka nga! Sino ba talaga ang ina ni Nevaeh?!" sigaw nito.
Napahinga naman ng malalim si Edward "Mahalaga pa bang malaman kung sino ang ina niya? Isa pa ngayon na nasa tamang edad na ang aking anak ay maaari ko na siyang ipagkasundo kaya naman huminahon ka na" pag-aalo nito kay Camilla na hanggang ngayon ay naguusok pa rin ang ilong sa labis na pagkainis.
Nanlaki ang mga mata ni Nevaeh nang marinig niyang ipinagkasundo siya ng kaniyang ama kaya hindi na niya napigilan ang mapaluha at nagdesisyong siyang lisanin ang lugar na iyon. Sa sobrang pagkalungkot ay naisip na lamang ni Nevaeh na tuluyan ng lumayas sa kastilyong iyon kaya agad siyang kumuha ng kabayo at tumakbo palayo. Tuloy tuloy lang ang kaniyang pagtakbo, hindi alam kung saan nga ba siya papatungo.
Nang mapansin niyang malayo layo na siya sa kanilang palasyo ay naisip niyang magpahinga muna sa may lawa. Hindi niya mapigilan na mapahagulgol habang nakatingin sa kaniyang repleksyon sa tubig "A-ano ba ang maling nagawa ko para ayawan nila ako? Isa ba talaga akong sumpa sa aming pamilya?" bulong nito sa sarili. Kung susuriin mabuti ay kitang kita sa kaniyang mukha ang laking pagkakahawig niya sa kaniyang ama maliban pa sa ugaling namana nito sa kaniya.
Siya ang panganay na anak ni Edward mula sa una niyang kasintahan na iniwan siya kaya naman sobra ang galit ni Camilla kapag nakikita niya si Nevaeh kaya hindi niya matanggap tanggap ito bilang kaniyang anak. Patayo na sana si Nevaeh nang bigla naman siyang madulas at mahulog sa may lawa. Buong akala niya ay mamamatay na siya nang makaramdam siyang may humihila sa kaniya pataas at dahil madilim ay hindi niya maanigan kung sino ang nagligtas sa kaniya ng mga oras na iyon.
Habol hininga na napaupo si Nevaeh sa may damuhan habang umuubo nang may tumutok na espada sa kaniyang leeg kaya napaangat siya ng mukha. Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon "Who are you? What are you doing in our territory?" malamig na tanong ng lalaki.
Agad na napalunok si Nevaeh at pinagmasdan mabuti ang lalaking nasa harap niya, ang unang nakakuha ng kaniyang atensyon ay ang simbolo sa may kwelyo nito. Kung hindi siya nagkakamali ay galing ito sa ibang palasyo at base sa kasuotan nito ay isa ring siyang dugong bughaw. Kahit alam niyang may pagkakataon na ito na ang kaniyang katapusan ay pinilit pa rin ni Nevaeh na alisin ang espada sa kaniyang leeg na ikinagulat naman ng lalaki.
Nang makita ng lalaki na nagdurugo ang kamay ni Nevaeh ay napaluhod ito at tinanggal ang kamay ni Nevaeh "Are you insane?!" bulalas ng lalaki kaya napahagikhik lang si Nevaeh.
Nahiwagaan naman ang lalaki sa inaakto ni Nevaeh kaya hinawakan niya ang noo nito "I'm just asking who are you and where are you from? You don't need to kill yourself in front of me" paliwanag ng lalaki.
Huminga ng malalim si Nevaeh "A-ako si Nevaeh at isa lamang akong tao na hindi mo kailangan bigyan pa ng pansin" malungkot na sambit nito.
Napabuntong hininga na lang ang lalaki at ibinalik ang kaniyang espada sa tadyang nito "Alright, come with me. I'll treat your wounds" utos nito kaya naguguluhang napatingin si Nevaeh sa kaniya.
YOU ARE READING
EXILE (Marriage of Convenience)
RomanceNagsimula sa kasunduan, kasalan hanggang napunta sa pag-iibigan na naging walang hanggan.
