"Naubusan na ng sabon ang kapatid mo. Bilhin mo 'yong sabon na pampaganda ng kapatid mo. 'Yong Belo. 'Yong mahal ha." Napalunok siya. "Magkano nga 'yon?"

'Di niya din maalala kung magkano 'yon pero feeling niya mahal 'yon kaya tatanggihan niya muna ang utos ng nanay niya. Kahit na sermon ang aabutin niya rito. 

"Ah Ma -"

Natigilan siya nang dumaan sa harap niya si Crosoft. Malakas ang tibok ng puso at parang napako sa kinatatayuan niya. Lalo pa siyang na praning nang patalikod na binalikan siya nito. Ngumiti ito sa kanya. Litse! Ang hirap makahinga.

"Hoy Cambria nandiyan ka pa ba?! Hoy!"

Nasa langit na yata siya.

"Hoy mag-salita ka!"

"Cam, right?" tanong ni Crosoft sa kanya.

"O-Oo," parang tangang isang libo yata siyang tumango-tango.

"Okay, goodbye Cam. Ingat ka sa pag-uwi mo." Kumaway ito sa kanya bago tuluyang umalis.

Syet! Hindi ako nagmumura pero langya talaga! Kinikilig ako. MygaaadPinigilan niya ang mapatili. Napatingin siya sa buong paligid may ilang taong nakatingin sa kanya. Inggit lang nila.

"Bibili ka ba o hindi?!"

"Opo!"Eh? Teka, may kausap ba siya sa cell phone. "Hello, sino 'to?"

"Hoy Cambria huwag kang umuwi dito sa bahay na 'di dala ang sabon na pinabibili ko sayo!"

End Call

"Ma? Ma?..." Napangiwi siya nang mawala sa linya ang Mama niya. "Ma, isang daan lang pera ko. Saan ako kukuha ng pambili ng Belo?" Gusto na niyang maiyak ngayon din mismo pero pinigilan lang niya. Tama na ang isang beses na pagpapahiya sa sarili niya ngayon. Huwag nang sagarin pa.

Ikaw kasi! Nag-goodbye lang sayo ang tao nawala ka na agad sa ikot ng mundo. Sige push mo 'yan Cambria!

 

Pagkalabas na pagkalabas niya sa mall ay nanlumo agad siya. Paano ba naman? Malakas na malakas ang buhos ng ulan. Idagdag pang wala na siyang pera. Gustuhin man niyang mag-taxi ay wala din siyang maipambayad. Ganoon siya ka poor. Hindi nga siya kinungalang sa pambayad ng sabon naubos naman ang pera niya. 

Pagtingin niya sa oras sa screen ng cell phone niya ay 5 pm na. Balak pa naman niyang umuwi ng maaga para makapag-aral sa assesment niya bukas. Aabutin pa siya ng ilang oras bago marating ang bahay nila dahil lalakarin lang niya. Bakit ang malas-malas niya?

"Oh -" nagulat siya nang may biglang bumangga ng isang balikat niya.

"Hey, sorry. Hindi ko sinasadya."

Napahawak siya sa nasaktang balikat bago naingat ang tingin sa taong bumangga sa kanya. "Ano ba - eh?" Ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata niya nang mapag-sino ito. "Crosoft?!"

"Cam! Oh, Cam, ikaw pala 'yan." Pasimpleng sinuklay nito ang basang-basang buhok.

Bumaba naman ang tingin niya sa kabuuan nito. Basang-basa ito. Pero kahit na mukha itong basang sisiw ay 'di man lang ito nakabawas sa kagwapohan nito. Mas lumi-level up pa. Hindi agad siya nakapag-salita.

"Hey, you okay?"

"Ah... eh... o-okay lang ako. Sige mauuna na ako." Tinalikuran niya na si Crosoft nang maalala niyang umuulan pa pala. Takteng utak 'tong meron siya hindi talaga nakakapag-isip kapag nandiyan si Crosoft. 

MY CROSOFT - PUBLISHED UNDER PSICOMKde žijí příběhy. Začni objevovat