•Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Simula
Tinanaw ko ang bulubundukin. Ito na ang huling araw na masisilayan ko ang ganda ng lupain namin.
"Kyran, hindi ba sinabi namin sa'yo na ayusin mo na ang mga gamit mo at baka mahuli ka pa sa flight mo."
Hindi ko pinansin ang tinuran ng aking ina. Kung ako lang ang papipiliin, ayaw kong umalis ng Batangas. Ayaw kong umalis at makipagsapalaran sa Manila. Oo, maraming opportunities. Pero ayaw ko pa rin.
"P'wede naman akong bumisita na lang dito, Mamang! Huwag niyo na akong ipag-impake ng sobrang daming gamit, jusko!"
Suminghal si Mama. "Tumale ka! Ang mahal ng byahe papunta't at pabalik. Kung makakahanap ka ng malaking sweldo na trabaho, ay maganda! E paano kung hindi? At tsaka kakailanganin mo iyan."
Ang dami pang paliwanag. Ayaw niya lang akong umuwi, e.
Makalipas ang ilang oras ng bunganga, nasa gitna na ako ng EDSA. Nakasakay ako sa bus at syempre nasa gitna ng matinding traffic.
Tinignan ko ang cellphone ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na natanggap ako sa pinag-apply-an ko na trabaho. It's not a big job but I do feel they pay very well. Well-known sila dito sa Pinas kaya, hahaha.
Sa BGC ako tutuloy- charot. Pangarap ko na lang iyan, 'no. Sa isang apartment ako tutuloy sa Tondo. Medyo malayo sa pagta-trabahuhan ko pero mas malayo ang Batangas.
Nang makarating ako sa lugar ay amoy agad ng insekto, ihi at kung ano-ano pa ang naamoy ko. Sinalubong ako ng may ari ng apartment.
"Naku, hija. Sakto at kakalipat lang ng lahat ng gamit. 500 kada buwan, may 250 na advance. Sa kuryente naman, ikaw na ang bahala. Sa tubig naman, kinuha nung dating tumira diyan 'yung mga balde kaya bumili ka na lang, ha. Iyong sahig diyan, ayusin mo na lang at wala nang magiging problema. Sa 3rd floor ako nakatira kaya hindi tayo magkakagulo."
Tumango lang ako sa lahat ng sinabi ng babae. Una ay in-spray-an ko ng alcohol ang pinagpatungan ko ng bag. Buti na lang at may extra na pera ako noong nag ta-trabaho pa ako sa Batangas. Medyo malaki pero this is not enough.
Sinimulan kong ayusin ang kwarto. Nasa second floor ng pinaka apartment iyon. Nilinis ko at inalis ang mga alikabok. Inamoy ko ang mga kurtina pero sinipon ako kaya alam kong madumi na ito.
Lahat ng gamit na alam kong malalabhan, nilabhan ko. Inayos ko na rin ang pwesto ko na tutulugan. Buti na lang may banig akong dala at comforter. Kahit papaano, maiibsan ang lamig.
Nang maiakyat ko na lahat ng gamit ko ay tsaka ako nag-ayos ng baba. Nilinis ko ang mga dapat linisin at inayos ang dapat ayusin. Nang makaramdam ako ng gutom ay sinubukan kong bumili ng tinda sa baba but it's not enough for me to eat. Bukas na lang ako bibili ng grocery dahil bukas rin naman ang punta ko sa building.
Naging architect ako sa isang sikat na company. Of course, I accept the job. I need money to live and to fulfill my promises to my mom..
Tinapos ko ang hapon sa pag-aayos at pag o-order sa online para sa mga kailangan kong gamit sa bahay.
Tinignan ko ang paligid ng buong silid. Am I really going to live here? Parang nakakapanibago na mabubuhay akong mag-isa. Well, noon na naman ako mag-isa. Pero iba ngayon. Ibang iba sa noon.
"Anong kakainin ko ngayon?" Tanong ko sa sarili ko.
Gusto ko sanang bumili sa labas pero base sa nakita ko kanina sa baba, hindi ako sigurado kung anong mabibili ko roon na malinis.
YOU ARE READING
Amaurotic Memories
RandomLagi niyang sinasabi sa sarili niya na ang masayang buhay ay nagsisimula sa isang bagsak. Mahirap umakyat papataas kaya gagawa ka ng paraan para mapunta sa taas. Iyon ang natutuhan niya sa buhay. Pero hindi por que't nasa taas ka na, hindi ka na p'w...
