Napaiyak na lang siya sa dibdib ni Javier habang yakap nito.

Maliban sa sugat sa ulo ay wala nang ibang malubhang injury si Miles. Pagkatapos ng mahigit apat na oras na operasyon ay dineklara ng doctor na ligtas na ang babae. Bagamat inilagay ito sa intensive care unit upang masubaybayang mabuti.

"Wayne is handling the investigation. I will be getting an update from him one if these days," pahayag ni Javier habang nasa labas sila ng ICU.

"Gumawa rin daw ng sariling imbistigasyon si Kreed pero hindi ko pa natanong sa resulta. Nawala na kasi sa isip ko."

"We will coordinate with him if necessary, but knowing the forces of the Andromida pretty sure they had the output by now."

Nasapo niya ang noo nang biglang umikot ang paningin niya.

"Hey, you're okay?"

Tumango siya. "Okay lang ako. Puntahan muna natin si Aki." Iniwan muna nila si Aki kay Wayne. Buti na lang at kasundo na ng anak niya ang kaibigan ni Javier. Panatag siya habang inaasikaso ang ibang dokumento ng muli niyang pagpasok sa Saturn.

"Here," inabot sa kanya ng nobyo ang bote ng mineral water na binuksan nito.

Kinuha niya iyon at uminom.

Si Rowena ang nag-volunteer muli na magbantay muna. Kailangan pa kasi niyang ayusin ang schedule ng kanyang photo shoot at tapings. Si Kreed muna ang papalit kay Miles na magdidirek ng movie.

***
Tipsy na ang babaeng nakayukyok sa bar counter, hawak pa rin ang baso ng inumin. Nilapitan ito ni Kreed at ibinalabal dito ang kumot na kinuha niya mula sa kuwarto.

"Masaya ka na ba? Napapirma mo ng kontrata si Roanne."

"You're impressive back there, Sunray." Hinaplos niya ang gintong buhok ng dalaga. "I've no doubt you can pull it off, effortless."

"So, ganoon lang? Tapos na ang misyon kong magpanggap na fiancee mo? Paano ka na lang kung wala si Sunray Gonzales, Kreed Andromida," panunuya nitong dinala sa bibig ang baso at inubos ang laman.

"Now, enough of that." Inagaw niya rito ang baso. "Matulog ka na, may photo shoot pa tayo bukas."

"Kapag ikaw na-inlove sa akin tandaan mo pahahabulin kita hanggang sa likod ng buwan," natatawang babala nito at saglit na natigilan. "I wonder what is there behind the moon?"

Iniwan niya ang dalagang nagsasalita mag-isa at bumalik siya sa kanyang silid. Ngiti ng tagumpay ang sumilay sa sulok ng labi habang nakasulyap sa kontratang pinirmahan ni Roanne kanina lang. Katabi ng mga dokumento ang cellphone niyang kanina pa umiilaw.

Nilapitan niya iyon at pinulot. Tinanggap ang tawag mula sa team ni Miles.

"Ready na po ang lahat, Sir."

"Good. I want every manpower support and resources to be given to Roanne Mercado, screen name - Myrre Aguilar, understand?"

"Yes, sir!"

Nagtapos ang tawag at nilapag niyang muli sa centertable ang cellphone.

"Who says I can't take you where I wanted you to be, Myrre Aguilar? You're dealing at the worst man on earth, sweetheart, whose yes means yes and no means yes."

***
Tulog na si Aki nang pumasok si Roanne sa kuwarto matapos siyang kausapin sa telepono ng assistant ni Miles. Bukas may photo shoot kaagad. Magiging maayos kaya ang kuha ng anggulo kung ganitong tumataba siya? Hindi man lang muna siya hinayaang makapag-diet ng iilang araw.

Naupo siya sa kama at minasahe ang mga binti. Ngayon lang kumikirot ang mga iyon dahil sa buong araw niyang pag-iikot sa Saturn tapos doon pa sa hospital. Nilingon niya si Javier na lumabas galing ng banyo at nagpupunas ng tuwalya sa basang buhok.

Nabuhay muli ang matamlay niyang dugo habang pinagmamasdan ang mga nakatanim na masels sa katawan ng nobyo pababa sa naghumiyaw na umbok sa ilalim ng suot nitong cotton pants.

"Cramps?" tanong nitong nakatuon ang mga mata sa ginagawa niya sa kanan niyang binti.

"Namimitig," aniyang kinagat ang labi.

Iniwan nitong nakasampay sa balikat ang tuwalya at nag-squat sa may paanan niya. Kinuha ang binti niya at minasahe. Hinatak na rin niya ang tuwalya at itinuloy ang pagpupunas sa buhok nito. May blow dry naman doon sa banyo pero ayaw nitong gamitin.

"Jav, sasamahan mo ba ako sa mga taping at photo shoot ko?" panlalambing niya.

"No need to ask, baby. I will be your bodyguard."

"Kahit busy ka rin sa firm at sa iba mong trabaho?"

"Busy is just a word compared to you and Aki. I will adjust as long as I can be with you at the end of the day."

"Oh, I love you, Javier."

"As it goes, baby, from me to you. I love you back."

They're lips met. His kisses were gentle, meant to comfort her. Hinawakan niya ang mga panga nito at hinagkan ito sa mga mata, sa ilong at sa lalamunan. Pumiksi ang adam's apple nitong nagpahagikgik sa kanya.

"Bakit?" nagtataka nitong tanong na nakangiti.

"Nothing, I love everything about you. I remember when you were in college, batch-batch ng girls ang sumusunod sa iyo. Alam ko na ngayon kung bakit."

"Hm, really?" He chuckled. Kiniliti nito ang talampakan niya na nagpapitlag sa kanya.

"Jav?"

"Hm?"

"Make love to me before we sleep, okay? Bigyan mo ako ng energy para bukas."

"I couldn't say no to my fiancee, ilang rounds ba ang gusto mo?" pilyo nitong tanong.

"Three?"

"My lucky number." Kumindat itong nakangisi.

She giggled and dropped herself on him.

BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHMENT ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora