We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

Prologue

10 0 0
                                        

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This book may contain grammatical errors, wrong spelling, typographical errors and etc. I'm open about constructive criticisms. Rude comments will not be tolerated.

Enjoy reading!

____________________________________________________________________________

"Cheers to the Groom-to-be!"

Halos lahat ata ng tao, ang pangarap ay makasal. Except siyempre sa mga ayaw. Siyempre gugustuhin mong makasal sa taong mahal mo. I once dreamed of becoming a groom but it never happened and I think it will never happen.

Lahat ng ka-batch ko noon may mga pamilya na at 'yung iba naman ay ikakasal na. Napag-iiwanan na nga ako sabi nila. Pero wala na 'yon sa isip ko. Simula nang nawala siya, lahat ng pangarap ko nawala rin. Hindi pa nga raw ako natatauhan sabi ng mga kaibigan ko. Lagi rin nila akong sinasabihan na "Hindi niya hawak ang future at buhay mo, gawin mo ang lahat para sa sarili mo hindi para sa kaniya." Kaso wala eh, lahat talaga ng ginawa ko noon para sa kaniya, sa amin. Siya ang naging inspirasyon ko para gawin lahat. Nalugmok ako nang mawala siya.

"Ikaw Lance, kailan ka ba magkaka-girlfriend ulit?" Tanong sa 'kin ng isa sa mga kaibigan ko, "Ang tagal na rin since naghi-" Hindi na niya naituloy dahil tinakpan ni Jackson ang bibig nito.

"Masaya naman si Lance ng mag-isa, at saka hindi naman ata siya nagmamadali." Pagsalo sa 'kin ni Jackson. Alam kong alam niya na hindi pa rin ako masaya. Alam kong ramdam niya ako. Kahit na 8 taon na ang nakalipas. Simula kasi pagkabata, siya na ang sandalan ko. Bata pa lang ako, parang dala ko na ang mundo sa dami ng problema sa pamilya ko. Mas lalong nag-alala si Jackson sa akin noong iniwan ako ng lahat.

Nandito kami ngayon sa bachelor's party ng kaibigan namin noong high school. Ikakasal na kasi siya the day after tomorrow. Hindi ko nga alam bakit pinilit ko pa ang sarili ko na pumunta rito. Sinasaktan ko lang ang sarili ko. Ang swerte swerte niya kasi ikakasal siya sa babaeng pinakamamahal ko. Ikakasal siya sa babaeng minsang naging mundo ko at nagsisilbing mundo ko hanggang ngayon.

Oo, alam niya na naging kami. Nagpaalam pa siya noon sa 'kin. Wala naman na akong magagawa doon. Ayaw naman na sa akin ni Xy at siya na ang gusto nito. Hindi ko pinigilan dahil ang gusto ko lang naman ay sumaya siya.

"Jackson, tama na. Parang tanga naman 'to. Ako dapat ang naglalasing hindi ikaw." Lasing na kasi ang kumag. Gagawin pa ata akong taga-hatid neto. Sinabihan pa naman siya ng asawa niya na 'wag uuwing lasing. Bahala siya, choice niya 'yan.

"Ano ka ba pare, minsan lang naman 'to." Hinayaan ko nalang siya. Hindi na ako uminom dahil ihahatid ko pa 'to.

Tumayo ako at lumabas para mag yosi. Nasa hotel kasi kami ngayon para sa bachelor's party na 'to.

"Lance! Pare!"

Lumingon ako para makita kung sino 'yon. Si Kai pala.

"Uuwi ka na ba?"

"Hindi pa. Nasa loob si Jackson. Hindi ko naman pwedeng iwan 'yung kumag na 'yon dahil lasing."

Nagpaalam lang ako sa kaniya na magyo-yosi lang ako.

Nagmuni-muni lang ako sa labas ng hotel habang naninigarilyo. Iniisip ang mga desisyon ko sa buhay.

Nang magsawa ako kakahithit, dinukdok ko iyon para mamatay ang upos at itinapon sa basurahan. Naglabas ako ng candy mula sa bulsa ko at kinain iyon. Pumasok na ako sa loob para ayain na si Jackson umuwi dahil late na. Mag aalas dos na rin kasi baka hinahanap na siya ng misis niya.

Papasok na sana ako ng elevator nang matanaw ko siyang pumasok ng elevator. Ngayon ko na lang ulit siya nakita. Ever since that night, hindi na siya nagpakita ulit.

"Xyline..."

Almost Love?Stories to obsess over. Discover now