Nang bumukas ang pinto, nagulat ako.
Ngumiti siya at nag salita.



"Kain na? Tara na."



Sabay kaming pumunta ni Padre sa hapag at kumain. Kasabay namin ang isang sakristan, si Michael. Kasama ko na siya rito mula bata. Ilang pari na ang pumalit, kami pa rin ang nagtatrabaho rito sa kumbento. Every five years kasi, nag papalit ng pari kada parish.



After kumain, ako na ang nag hugas ng plato, si Nanay ang nag ligpit sa hapag. At si Michael o Makoy, nandito sa likuran ko, nanggugulo.



"Yuki, what if mag seminaryo ako? Tutal mag sesenior high na rin naman tayo. G na no?"



Natigilan ako sa sinabi niya, mula noong nagtrabo si Nanay dito, kami na ang magkasama. Akala ko ba di ako iiwan nito? Akala ko ba sabay kaming manonood tuwing may kinakasal?  Pero hayaan na, bata pa kami nung sinabi niya iyon, marahil ay nakalimutan niya na.



"Bakit? Magpapari ka?" Nilingon ko siya at tinitigan ng mabuti.



"Hindi ako sigurado, pero malay mo diba? Kapag di para sa'kin ang pagpapari, syempre, lalabas ako ng seminaryo. Ok lang ba sa'yo?"



Okay lang? hindi ko alam ang sasabihin ko, parang ang bigat ng pakiramdam ko. Natatakot akong maiwan.



Tinitigan ko siya ng malalim, gusto mo ba talaga?



"Ok lang naman, kung ikasasaya mo. G langs."



Nagpatuloy ako sa paghugas ng plato, hindi na siya sumagot. Isinandal niya ang sarili sa fridge. Ayan, nakasanayan ko na ring may nakatingin sa'kin habang naghuhugas o may kung anong ginagawa.


Nang matapos, siya ang nag salansan ng mga plato.



"Anong oras dating ng mga Seminarista? Makoy?"



Habang nagsasalansan, nilingon niya ako. Ang tangos ng ilong, nakakainis.



"Mamayang alas dos pa, bakit? May inaabangan ka no?"



Kumunot naman ang noo ko, ako? May aabangan? Hindi ako interesado sa kanila.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 14, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Before it Sinks InWhere stories live. Discover now