Chapter 3 - Ikalimang Yugto

Start from the beginning
                                    

Si Xiellou ay hindi nagsalita pero halatang nataranta rin. Gusto niyang maupos sa sobrang hiya.

"It's nothing, Ma. Roanne stepped on a cockroach." Hinapit siya ng nobyo sa baywang. "Sorry for ruining your beauty sleep, ladies." Kinuha nito si Aki sa ina at hinagkan sa noo. Kinudlitan din nito ng halik sa ulo si Vierra.

"Where is the cockroach?" inaantok na tanong ni Aki na nakadakma sa balikat ng ama at isiniksik ang mukha sa leeg ng binata.

"I throw it away, son."

Humihikab na bumalik sa loob ng kuwarto si Xiellou.

"Good night po," kabadong sabi niya kay Vierra.

Tumango ito at tipid na ngumiti. "Good night, Roanne." Pumihit na rin ito pabalik sa loob ng silid.

Nagtungo na rin sila sa kanilang kuwarto kasama si Aki na nakatulog muli. Panay ang kurot niya sa tagiliran ng nobyo. Tawa lang ito nang tawa.

"Did you talked about the contract?" tanong ni Javier. Nasa gitna ito nilang mag-ina at parehas silang dalawa ni Aki na nakaunan sa magkabilang bisig ng binata.

"Tinanggihan ko iyong sa movie pero pinipilit niya ako sa tv endorsement. Sabi ko ayaw mong pumayag. Kumbinsihin daw kita." Hinaplos-haplos niya ang panga nito. Nagsimula nang tumubo ang balbas nito at masarap iyon sa kanyang palad.

"Gusto mo ba?"

"Dagdag lang iyon sa alalahanin ko. Isa pa, gusto kong magbuntis ulit at the same time pagtuunan ng panahon ang shop. Ang gulo sa showbiz, lahat ng kilos mo may nakabantay. Kahit iyong simpleng pagkatapilok sa suot na stiletto ay ibabalita pa. Ayaw kong pagpiyestahan na naman ng media at madamay pa kayo ng anak natin."

Hinagkan siya nito sa ulo. "I love you. Sisikapin nating makabuo ng baby. Gusto ko ring isingit sa schedule mo ang paghahanda para sa ating kasal."

"Um, excited na ako."

"Sa kasal o sa baby?"

"Both?" Humagikgik siya.

"By the way, sinabi sa akin ni Xiellou na inalok mo raw siyang maging endorser ng shop? She asked me if she can take it."

"Iyon ba? Biniro ko siya kung pwedeng installment ang talent fee."

"We will discuss about it when we go back. We'll inform Jimrexx about this too."

"Yeah, we will." Humikab siya at hindi na kinaya ang bigat ng mga mata. "Good night, Papa Javier."

"Good night, Mama." Halik sa noo ang tuluyang tumangay sa kanya sa katahimikan.

***
Dinala ni Kreed sa bibig ang kopita at tumikim ng alak, habang nakatuon ang mga mata sa official videos ng dating tv commercials noon ni Roanne.

She is made perfect for this type of job. Her registration on the camera needs no angle at all. Kahit saang shot ay magandang tingnan ang babae. Her voluptous figure is delicate to the eye. So tempting as she is in personal. Hindi nakapagtatakang todo bakud ang boyfriend nitong si Javier.

Natapos ang video at muli niyang inulit. He played it more than ten times, still not getting tired of it. Umilaw ang cellphone niyang katabi ng laptop. Dinampot niya iyon at sinilip.

It was Miles.

"Speaking?"

"Hello, Sir! Kumusta ang dinner?"

Napailing siya. Very showbiz-like. "I had a good time with your sister. Thank you for arranging it for me."

"Pumayag ba siya sa alok natin?"

Tumayo siya. Inalog ang wine sa loob ng basong bitbit at nagtungo sa may bintana. He tossed his eyes to the magical lights of the metropolitan below.

"She is refusing consistently."

"Oh, I'm sorry."

"No need. I don't want anyone else to do the endorsement other than her. Besides, the sponsors for the movie agreed to have her as their spokeperson. She will be an inspiration to many, like a phoenix rising from the ashes." He sipped his wine.

"Kakausapin ko siya ulit. Maraming salamat sa tiwala at sa pagkakataon, K."

Ibinaba niya ang cellphone at tumitig sa kawalan. What society needs is someone like her with determination and will to change herself for the better.

***
Idinaan nila sa school si Aki pagdating nila ng Martirez. Two days nang absent ang bata at marami itong hahabuling lesson. Galing ng school ay tumuloy sila ni Javier sa bahay para ihatid lamang ang mga gamit at tumulak din sila agad patungong shop.

Hanggang sa tanghalian ay subsob siya sa mga tambak na papeles habang si Javier ay inasikaso ang delivery at order ng raw materials sa warehouse. Sobrang abal siya na hindi niya napansin na nagsara na pala ang kabilang shop.

"Lugi raw kasi, Ma'am," sabi ni Fen nang tanungin niya kung anong nangyari. "Ibibinta nga yata ang space sa kabila, iyon po ang sabi ng ilang customers natin."

"Si Margaux?" Inusod niya ang mga papeles na tapos nang pirmahan at hinatak ang panibagong bunton sa kanyang harapan.

"Hindi na namin nakita, Ma'am. Pero may tsismis na jowa raw iyon ni Sir Jav, I mean, iyon bang fling?"

"Dati iyon." Pagtatama niya. "Matagal na silang hiwalay at three months lang naman sila."

Tumango si Fen. Nahalata marahil ang iritasyon sa boses niya kaya hindi na humirit.

Wala siyang choice noong araw na iyon kung hindi mag-overtime. Delayed na ang ibang purchasing at ilang disbursement nila. Kailangan niyang maihabol bago magsara ang payables ng accounting.

Dinala roon ni Javier si Aki galing sunduin sa school at nag-order na lamang sila ng dinner. Sumunod din doon si Rowena at dinalhan sila ng pagkain.

"Babe, may sinabi sa akin ang teacher ni Aki." Lumapit sa kanya si Javier.

"Ano iyon? Na crush ka niya? Obvious iyon." Inirapan niya ito at pinukol ng sulyap sina Aki at Rowena sa couch na naglalaro.

"Silly, it's not like that. She is just asking me if we are willing to apply for an accelaration program. Qualified daw si Aki. Kung papayag tayo lilipat na siya sa 2nd grade next week."

"Hindi ba siya mahihirapan? Baka masyadong pressure iyon at hindi na niya ma-enjoy ang pag-aaral."

"I'm thinking the same thing."

Tumango siya at muling binato ng tanaw ang anak. Napangiti na lang siya sa achievement nito. Her boys are both amazing.

BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHMENT ✔Where stories live. Discover now