Chapter 10 - Naughty Jessica

Start from the beginning
                                    

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng tapang at lakas ng loob pero umangat ng kusa ang kamay ko at marahang inalis ang imaginary dumi. Banayad na dumampi sa balat niya ang kamay ko.

May kuryente akong naramdaman kahit saglit lang ito. Iba talaga ang epekto niya sa akin. It's waking all my senses up. I don't know if she noticed it as she continued driving.

This woman is very beautiful so I can't really understand why the governor would still look for another one.

Bakit mo ito nasabi Beatriz?

That morning where I saw the governor and his publicist eating together, hindi pa natapos doon ang ganap sa kanila.

Pagkatapos kasi nilang kumain ay nagpa interview muna si Gob via phone patch sa channel 2. Nasa tabi lang niya si Ma'am Ali para yata makinig sa mga tanong tapos siya ang magfe-feed ng sagot kay Gob.

Definitely okay as it is her job to help the governor pagdating sa mga interviews. Afterwards, the whole entourage took off. Uuwi na daw si Gob.

Ma'am Ali rode at the car carrying Gob. Ako naman ay nasa ikatlong sasakyan sumakay. Pero hindi kami agad tumuloy sa bahay nila. May hinintuan kaming condo. From where I was, nakita ko na bumaba na si Ma'am Ali.

Hinatid muna pala siya. Ang bait naman ni Gob, naisip ko. Kaso napalitan ito agad ng pagkamangha when Ma'am Ali put her head near the opened window and kissed the person inside, on the lips.

That person is non other than the governor.

Di ba obvious na may something sa kanilang dalawa?

Back to the present time. We saw Jia waiting for us when we enter the mall. Beso beso as usual ang magkaibigan habang nakamasid ako sa paligid.

Nag radyo ako kay Blue at sinabi na nasa destination na kami. Nag report din ako ng status ng area.

"Good morning po Ma'am Jia." bati ko dahil nakatingin siya sa akin.

"Good morning Bea. Nice to see you again. Hindi pa rin ako sanay na babae ang bodyguard ni Jema." sagot niya.

"Ayaw nyo po ba?" tanong ko habang nakangiti sa kanya.

"Ay gustong gusto. Kaya ko lang nasabi kasi masyadong takaw mata sa mga tao kung brusko lagi ang kasama niya. Sa totoo lang, if I didn't know that you are her bodyguard, iisipin ko na magkaibigan lang din kayo ni Jema." she replied.

Tumango ako sa kanya.

That is one of the main reason why Ponggay hired me. She explained to me that people won't see me as a threat dahil babae nga. Puro lalake at malalaking tao ang mga tauhan ni Gob. Kaya nga hindi rin ako naka uniform pag nasa trabaho unlike the others.

They want to disguise my identity para hindi malaman ng mga kalaban, kung meron man magtangka uli sa buhay ni Gob. Anton o kay boss Jema. Even the governor was impressed with Ponggay's idea. Magaling din kahit papano si bro ko.

"Tapos na kayo?" boss Jema interrupted us.

Jia rolled her eyes sabay kindat sa akin.

"Yes Ma'am." tipid na sabi ko dahil parang naiinip na si boss.

Masama na naman ang tingin sa akin huh.

Agad na pumunta sa clothing section ang dalawa. Nakasunod lang ako sa kanila.

After an eternity, hay bakit ganito katagal mag shopping ang mga babae, natapos din sila. Maraming napili na damit si boss Jema kaya ako ang taga bitbit lahat. Gusto daw niyang magsukat so I helped her up to the dressing room.

The ProtectorWhere stories live. Discover now