Chapter 6 - Julia Morado

Magsimula sa umpisa
                                    

"Fair enough. Hay naku kundi ka lang malakas sa akin talaga. Sige na nga." sagot ko.

"Thank you bro. I owe you one. See you later ha. I mean, see you when I see you. Bye." she said before cutting the call.

See you later?

Wala naman kaming usapan na magkikita ang tropa. Ahhhh nadulas yata ang bruha, hahaha. I think they have a surprise for me. Well, bistado na siya. Ponggay always opens her big mouth.

Napatingin ako sa head ng security na palapit sa akin.

"BDL, hinihintay ka na ni Madam Gob sa sasakyan." sabi niya.

"Eh sir ayaw po niya sa akin. Siguro po mas maganda kung iba na lang ang sumama sa kanya." sagot ko.

"Inuutusan mo ba ako? Ang sabi ko, sumakay ka na sa sasakyan niya." utos niya.

"Kasi po ganito yan sir........" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa malakas na pagsara ng pinto.

We both looked at the source of the noise. Natulala kami dahil papalapit si boss Madam.

"Are there any problems?" she asked.

She looks pissed kaya naman itong katabi ko ay parang binabad sa suka sa takot.

As I glanced at Madam, instead na ma-intimidate ako ay parang natuwa pa akong pagmasdan siya.

Bakit ang ganda pa rin niyang tignan kahit galit na?

"A-ahhh no Madam Gob. Bea is about to join you. Ingat po kayo." sagot ni sir sabay tulak sa akin kaya napakamot ulo na lang ako.

She didn't say anything basta naglakad lang siya pabalik ng sasakyan. Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya.

"Fasten your seatbelt." she said as her foot steps down on the accelerator.

Anak ng, muntik na akong makipag lips to lips sa dashboard.

"Ooopppsss." dinig kong usal niya.

Sinadya niya ito, sinadya niya!!!

I stopped myself from saying something that I will regret. Tahimik na sana kami kaso yung phone ko tumunog at sobrang nakakahiya dahil may nangialam yata dito. Umalingawngaw ang kantang happy birthday.

Damn. Sino nagpalit ng ringtone ko?

"Are you not answering that?" she asked while looking at me.

I removed my sunglasses so I can get my phone from my jacket. Kaso biglang huminto ang sasakyan ng walang warning man lang.

For the second time, muntik ko na namang mahalikan ang harap ng kotse niya. Whew, thank goodness at nakasuot ako ng seatbelt.

Gusto na yata akong patayin ng kasama ko.

Pagtingin ko sa kanya ay tulala itong nakamasid sa akin. Is she moving? She's just looking at me eh. Naku, anong nangyari dito? Bakit kinikilatis ako masyado? Kinabahan ako, baka nakilala niya ako, huwag naman sana.

"Are you okay?" I asked.

"I-i'm fine, t-thanks." she replied.

Anyare? Na-shock na yata ito dahil hindi makapagsalita ng diretso.

My phone is ringing again kaya kinuha ko na ito para sagutin. It's Dani.

"Hello, I'm working right now." sagot ko agad.

"Sungit ah. Babatiin lang kita ng happy birthday. See you later. Tutal nabanggit na pala ni Ponggay sayo. Napakadaldal talaga ng babaeng iyon. Good luck sa new job pala. Mwah, mwah." she said.

The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon