Pagmamahal sa sarili, pag-iisip ng nakabubuti,
Para sa iyo at sa mga taong nasa tabi-tabi.
Ito'y isang paalala,
Na ang iyong buhay ay mahalaga.
Huwag pabayaan dahil ito'y sagrado,
Dapat na pangalagaan at huwag i-agrabyado.
Huwag magpatalo,
Sa tukso na bumabalot sa utak at katawan mo.
Ito'y kakayanin at malalabanan mo.
Laging tandaan na ang Diyos ang naglaan ng buhay na walang hanggan,
Kaya ito'y dapat pangalagaan at ito'y dapat paka-ingatan.
Ito ay biyaya ng Diyos na dapat pasalamatan.
Ngayong may pinagdadaanan ang buong bansa,
Nais kong malaman mo na hindi ka nag-iisa.
Kasama mo ako at kasama mo Siya,
Huwag panghinaan ng loob sapagkat naniniwala ako
Na tayo'y makakabangon at tuluyang makakatawa ng malaya.
Kaya kayanin mo,
Labanan mo,
Dahil naniniwala ako sa'yo.
YOU ARE READING
Voice of a Wallflower
Poetrythis is a collection of tagalog spoken poetry that I personally write inorder to express my pent up emotions. -poetrien
