"Ang Pag-ibig ay mahahalintulad natin sa madilim na kalawakan. Natatakot tayo sa kadiliman nitong dala. Ngunit napakaaliwalas sa pakiramdam tuwing atin itong pinapakiramdaman.. kung kaya at kahit Alam nating Atin din itong pagsisisihan sa Bandang kahulihan ay patuloy tayong sumusugal. Ganoon ang tunay na pagmamahal."
Tahimik lamang na nagmamasid ang Primo. Nakikinig sa pangaral ng isang Ingko na pinapaligiran ng kapwa niya kabataan na kaniyang nasasakupan.
"O Siya mga pag-asa ng ating Tribo, magsibalik na kayo sa inyong mga Payag. Maghanda para sa Sanlabanang magaganap kinabukasan!" Nakangiting sabi ng Ingko, na Kung saan nalungkot ang kabataan, sa kagustuhang makinig sa mga kuwento ng Ingko.
"Ingko Buyo, Anu po ang magiging gawain ng mananalo sa Labanang magaganap bukas?" Nakangiting tanong ng isang binibini sa pumapanhik na Ingko.
"Malaki ang kaniyang gampanin sa ating Tribo. Magiging bayani siya at tatanghaling tagapag ligtas ng ating bayan." Ngumiti Ang binibini. Buo na ang kaniyang pasya.
"Pagbubutihan mo Zendaya Marikit.." paalala ng Ingko
"Magiging tagapagligtas po ako ng ating bayan." Buong puso nitong wika bago umalis sa Payag ng Ingko
Narinig iyon ng Primo.
Ngumiti ito ng may halong pagkasarkastiko. Sa kaniyang isip ang binibini ay mapangahas mag salita, hindi man lamang nito naisip na makakalaban ang anak ng Pinuno. Muli ay ngumiti ito ng mapang-akit.
"Aasahan ko iyan binibini." Mahina nitong bigkas bago tinahak ang daan pabalik sa Emperyo.
Sa Emperyong kaniyang tahanan.
Hindi nito mapigilang hindi maalala ang katapangan ng binibini. Sa loob ng ika-labing-siyam nitong pamumuno bilang Primo Prinsipe sa Emperyo ay ngayon lamang siya nakarinig na may binibing may lakas ng loob at mapangahas na nangarap na maging bayani. Sa isip ng Primo ay hindi man lamang naisip ng binibini na makakalaban niya ang Isang Primong kagaya niya.
"Kagalang-galang na Pinuno, andito na po ang Primo Prinsipe." Nagsitabi ang mga alalay sa kaniyang pag daan.
"Saan ka nanggaling mahusay kong anak?" Napaismid ang Primo Prinsipe sa kakaibang tono ng pananalita ng kaniyangng Amang Pinuno.
"Namasyal lamang po Ama." Sagot nito na may kasamang ngiting pilosopo.
"Atrase!" Sigaw ng Primo Pinuno, na nagdulot ng matinding katahimikan sa loob ng Emperyo.
Iwas sa basag-pinggang nagsipag-alisan ang mga alalay.
Sarkastikong napangiti ang Primo Prinsipe. Ang katanungan sa kaniyang isipan ay kung bakit takot ang lahat sa kaniyang Ama? Ganun na lamang ba ito ka nakakatakot?
Sa tingin niya ay hindi Naman.
'Maghintay kayo sa aking pamumuno. Ituturo ko sainyo kung anu ang tunay na Pinuno. Ang tunay na Nakakatakot' Sa isip nito.
"Ilang dosenang bangang laway pa ba ang gusto mong sayangin ko upang matuto kang gumalang?" Napa-angat ang Primo Prinsipe at mapangahas na napatingin sa Banga.
"Bakit po Ama, Anu po ang problema ng bang—"
"Manahimik ka lapastangan!" Natigil ito sa kalokohang ginawa nang dahil sa lakas ng boses na umalingawngaw sa kabuuan ng Primo Trono.
"Huwag mo akong tawaging Ama sa harap ng ating nasasakupan! Matuto kang gumalang Kung ayaw mong itakwil Kitang suwail ka!" Galit na galit ang Pinuno sapagkat batas sa Emperyo ang galangin ang Pinuno at tawagin sa pangalang nararapat lamang sa Pinuno; Nasasakupan ka man o ka-anak Kailangang magbigay galang sa Pinuno.. kaya sarkastikong napangiti ang Primo Prinsipe.
Hindi siya maaaring matakwil Lalo na at papalapit na ang Araw ng Pagpapasa. Alam ng Primo Prinsipe na siya lamang ang nararapat na pasahan ng Korona. Alam Niya ito dahil siya ay Primo.
"Ano pa ngaba ang magagawa ng isang batang Primo.. Primo Pinuno?" Bigkas ng Prinsipe at nagbigay pugay upang umalis.
"Lapastangan!!" Sigaw ng Pinuno ngunit ang Prinsipe ay nakalabas na ng Emperyo.
"Mahal na primo Prinsipe!" Nagsibigay pugay ang mga nadadaanang nasasakupan ng Primo.
Ngumiti Siya ng tago at tuluyang pumanhik sa kaniyang silid.
YOU ARE READING
Pangkalawakang Pamamaalam
RandomKung ikaw ang pagpipiliin: Magmamahal habang may mahal siyang iba, o magmamahal nang Wala nang Siya? Minsan ang buhay ay hindi mo maintindihan.. gusto nating sumaya, Peru tayo mismo ang sumisira at pumuputol sa kasiyahang hinahangad. Ngunit paanu Ka...
