CHAPTER 2

0 0 0
                                    


Kakatapos lang ng second subject namin and breaktime na namin ngayon. Mayang 3 pm pa kasi yung next subject ko eh.

Naramdaman ko ang pananakit ng balakang ko. Tatlong oras din kaya yung subject na yon, tapos wala pang foam yung upuan nila dito kaya di sanay ang pwet ko, namamanhid tuloy.

Pababa na ako ngayon ng building, I can feel my stomach growling, as I checked the time it's almost 1 pm na din pala.

Ang laki ng cafeteria nila dito, kasinglaki na ata sa gym ng school ko dati.

Buti nalang kokonti na lang ang  kumakain rito kaya marami pang vacant seat, past 12 na din kaya baka tapos na yung iba. Kokonti na lang din ang display na foods. I chose beef steak, tapos bumili na din ako ng iced tea. Next time nalang ako magdidiet, gutom ako ngayon eh.

After kung kumain, tumambay muna ako saglit. Good thing, nasa glass wall ako natapat kaya kitang-kita ko ang mga taong dumadaan sa gilid ng cafeteria.

Panay lalaki lang ang nakikita ko so ibig sabihin nasa tapat ako sa campus ng mga boys, napapatingin pa ang mga ito sa akin tuwing natatapat sila sa pwesto ko, yung iba pa nga ay napapatitig na lang sakin, may nag wawave din tapos pasimpleng magpapacute. Tch. Mga lalaki talaga.

But suddenly, their's a guy who caught my attention. He's with his friends, pero sa kanya lang talaga natuon ang buong atensyon ko. Mas matangkad kasi ito kesa sa iba nyang kasama at mas agaw pansin ang hitsura nito. Naramdaman siguro nitong may nakatitig sa kanya kaya napatingin din ito sa gawi ko, and I saw amazement on his eyes as our eyes met.

I like his dark brown eyes, para ka kasing hinihigop nito. Matagal kaming nagkatitigan, wala ni isa sa amin ang nagbawi ng tingin. I just felt my heartbeat racing on my chest. Naputol lang ang titigan namin ng lumiko na sila ng barkada nya, di ko na kasi sila makita dahil hindi na glass wall yung dinaanan nila. What was that? first time ko kasing makipagtitigan sa isang lalaki.

*dubdub*dubdub*dubdub

Hanggang ngayon hindi mawaglit sa isip ko ang mukha nung lalaki na yun.

I think I found my new prospect, mukhang tinamaan na ata ako sa lalaking yun. Ang bilis ba? Crush at first sight I think. Aish! as if naman magkikita kami ulit nun. Haler, ang laki ng HNU noh tapos nasa kabilang campus pa sya kaya imposibleng magkukrus muli ang landas namin.

Actually marami akong naging crush dati, mahilig kasi akong mag boy hunting tuwing first day sa new school ko. Pero pag nalaman ko kasing may gusto na din sila sakin at manliligaw na , bigla nalang nawawala feelings ko sa kanila.  Aabot pa sa point na iiwasan ko na sila. Parang  ' Ay hindi na pala kita gusto' tapos iiwan sa ere.

Napaka choosy ko kasi pagdating sa pakikipag relasyon. Never pa nga akong nagka boyfriend. Puro MU lang.

Napagdesisyunan kong lumabas na ng cafeteria at maglibot na muna sa campus habang may mahaba pa ang break ko.

Akma ko na sanang pipihitin ang glass door ng bigla na itong nagkusang bumukas, err I mean may nagbukas pala sa labas. Parang pang horror lang kasi eh. Syempre umusog ako, para hindi ako matamaan.

But to my surprised, it was him. He's the guy with a dark brown eyes. Mas gwapo pala sya sa malapitan, Kyaaahhh! I saw shock on his eyes. Sandali na naman kaming nagkatitigan. Wala eh, para nya talaga akong hinihypnotized everytime our eyes meet. Love spell ba to? Pfftt..

" Ano?magtitigan na lang ba kayo dyan. Baka pwede namang padaanin nyo na muna kami, maya nyo na ituloy yan. Tch" saad nung kasama nya na may himig panunukso.

I gave way para makadaan sila, all of them gape at me, and some of them looked at me from head to foot. I saw one of his friend smirked at me, may ibinulong pa ito sa isa pa nilang kasama .Tch. Di kita type huy!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 27, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MY EX-BOYFRIEND IS MY STEP SONWhere stories live. Discover now