Chapter 3
Nag-end na yung 3rd sem,pumunta ako sa school para kuhanin yung report card ko kahit na pwede ko naman tignan online kaso sinipag akong pumunta sa school kaya pumunta na lang ako.
[A/N:WOW!Nasipagan daw siya!Keep up the good work huehuehue.Napadaan lang ako]
Psh.Singit talaga tong dyosang otor na to.Okay back to reality tayo..
Pagdating ko sa school pumila na ako para kunin yung card ko.Nung nakuha ko na,hindi ko kaagad tinignan.Lumayo muna ako sa linya ng mga tao saka ko titignan.Isa ang line of 8 ko.Math.
Ayos lang naman eh 89.98 naman siya.Relax lang ako.Pero bigla akong napaisip.Nakakaguilty.Nadlakad ako papuntang rooftop na kung saan kami madalas tumambay ni Andrea.Wala kasi gaanong tao dun kaya medyo peaceful.Ngayon kasi walang-wala ng tao dahil nga wala ng pasok dahil kuhanan lang ng card.Umupo ako sa sahig ng rooftop tapos pinikit ko ang mata ko.
Si mommy binigay na lahat ng gusto ko.Suportado siya sa pagiging K-pop fan ko.Binilhan niya pa nga ako ng V.I.P ticket sa DFKC.Tapos sabi niya kung gusto ko daw mag-aral ng Hanggeul ipapasok niya daw ako tuwing summer para naman daw maintindihan ko na yung mga pinapanood kong K drama.Binibilhan niya ako ng K-pop merchandises.Binibilhan niya ako ng latest gadgets.Tapos ito yung isusukli ko sa kanya?Dahil sa high-tech kong phone hindi ako nakikinig sa teacher.Puro na lang wattpad,kpop.Ni hindi na nga ako nagbabasa ng libro eh.Laging phone ko ang hawak ko.
Naluha ako sa realization ko.Sumandal ako sa pader sa likod ko.Hinayaan kong tumulo ang luha ko sa pisngi ko.Hinayaan kong mabasa ng sarili kong mga luha.Bumababa na sa leeg ko yung mga luha ko.Nababasa na din yung leeg ng t-shirt ko.
Maya-maya naramdaman kong dumilim ang paligid.Kahit naman na nakapikit ako naramdaman ko na dumilim.Natakpan kasi yung sinag ng araw eh.Minulat ko yung mata ko at tumambad sakin ang mukha ni Baekhyun.Yumuko ako para punasan ang mga luha ko nakakahiya kasi sa kanya eh.
"Umiiyak ka dahil bagsak ka no?"sabi niya.
"Hindi ahh*singhot*Naiinis kasi ako sa sarili ko kaya umiiyak ako hindi naman dahil bagsak ako.Matalino kaya ako bakit ako babagsak?"Sabi ko naman.May problema na nga ako nagawa ko pang magmayabang .Tsk.may tama na nga ako hehe juk onli.
"Tsk.Ganun na rin yun.Ba't ba kasi ang tamad mo.Late ka pa pumapasok minsan hindi na nga late hindi na nga pumapasok eh.Tapos lagi ka namang nakatutok sa phone mo kapag pumapasok ka.Panong hindi ka babagsak?"sabi niya.Owkay?Tatay ko ba to?Hala!Hindi ako ready sa sermon ng aking itay!
"Oo na po*singhot*dinadagdagan mo pa yung inis ko sa sarili ko eh.Hindi ka marunong magcomfort"
"Tss.Di daw marunong.Sus,lika na nga wag ka ng umiyak diyan dahil pumapanget ka lalo"
"Hindi naman ako umiiyak eh.Teka!Makapangit ka ahh.Close tayo kuya?"
"Dali na andami mong satsat.Eh kung tumayo ka na kaya diyan diba?Para mas mabilis?"
