IKALIMANG YUGTO

Magsimula sa umpisa
                                    

Nagpupunas siya kay Xiellou nang pumasok si Javier at lumapit sa kanila. Hinubad nito ang suot na leather jacket at binuksan ang unang apat na butones ng suot na puting long sleeves polo shirt. Sinilip nito si Xiellou at sinalat ang noo.

"Si Aki?" he asked and pressed a kiss on her hair.

"Tulog na. Naghintay iyon sa iyo pero hindi kinaya ang antok. Kumusta ang lakad mo? Naayos ba ang problema?"

"Isa sa mga estudyante ng academy ang nadisgrasya habang nasa training. Nasa hospital ngayon at critical. Sinamahan ko muna roon ang pamilya."

Tumango siya. "Kumain ka na ba?"

"Light meal kanina."

"May pagkain pa roon sa kitchen. Bibihisan ko muna itong si Xiellou."

"Let's take her to the bedroom." Binuhat nito ang tulog na babae at dinala nila sa loob ng guest room.

Naunang lumabas si Javier habang binibihisan niya ng pantulog si Xiellou. Paglabas niya ng kuwarto ay niligpit muna niya ang kalat sa sala. Dinala sa kusina ang maliit na planggana.

Javier was there, checking the food under the cover. Isinalang niya sa heater ang mga pagkain. Sinulyapan niya ang binatang nakasandal sa edge ng kitchen counter at tila may malalim na iniisip.

"Jav?" pukaw niya rito.

"It is my fault. Nagkaganyan si Xiellou dahil sa akin." Bakas sa tono nito ang guilt.

Nilipat niya sa bowl ang Marinara at sa babasaging chopping dish ang spicy buffalo wings. Isinalang naman niya ang pork chop.

"Unless you gave her a false hope. Pero kung sinabi mo naman ng malinaw ang extent ng feelings mo para sa kanya, no one has to blame."

Tumingin sa kanya ang lalaki. Nagsusumamo ang mga mata. "Okay lang ba sa iyo kung dito na muna siya? Kung papayagan ko siyang bumalik sa ibang bansa nang hindi stable emotionally and mentally baka kung mapaano lang siya roon. Wala na siyang pamilya. Bata pa siya nang kinupkop siya ng Mama ko."

"Oo naman. Walang problema. Kung gusto mo isama natin siya pauwi ng Martirez. Pwede siyang maging endorser ng shop."

"Thank you, babe."

Ngumiti siya at tumango. Naihain niya sa hapag ang pagkain at sinaluhan ang nobyo.

***
Mataas na ang sikat ng araw nang magising si Roanne kinabukasan. Kulang dalawang oras ang itinulog niya. Javier made love to her at his work room after eating. Nakatulog siyang hindi man lang nakapagsuot muli ng panty.

Bumangon siya at humikab. Babawi na lang siya ng tulog mamaya. Isinuot niya ang pantulog at ang underwear at lumabas ng work room. Xiellou and Aki are in the living room, looking at some kind of a photo album. Tuwang-tuwa ang bata at hindi man lang siya nito pinansin. Mula sa kusina ay dinig niya ang ingay at kaluskos ni Javier na nagluluto.

"Good morning," bati niya kina Xiellou at Aki.

Nag-angat ng tingin ang bata at ngumiti. "Good morning, Mama!"

"Morning," ani Xiellou na ngumiti ng tipid.

"Mama, look! This is Papa when he was little." Iniumang ni Aki sa kanya ang mga larawan sa photo album.

Nanlaki ang mga mata niya at hindi napigil ang hagikgik. Aki is really a spitting image of Javier. Mahaba rin ang buhok ng lalaki at wavy sa dulo. Pati ang ngiti at pagsingkit ng mga mata kapag tumawa, walang pagkakaiba.

"Mama!" angal ni Aki nang agawin niya ang album.

"Patingin muna si Mama." Nakipaghilahan siya sa anak.

"Roanne, thank you sa ginawa mo. Sinabi sa akin ni Javier." Biglang nagsalita si Xiellou.

Nawala ang atensiyon niya sa mga larawan at natuon sa babae.

"Friend mo ba ang lalaking iyon?" tanong niya at ibinigay muna kay Aki ang album.

Tawang-tawa ang bata sa inakalang panalo laban sa kanya.

"Kagabi ko lang siya nakilala roon sa bar. Masyadong makulit kaya pumayag akong magpahatid. Pero dumaan pa kami ng isa pang bar bago umuwi. Naparami ang ininom ko roon."

"Alam mo, may kilala akong artista na sobrang na-depress din noon. Naging alcohol addict siya. Pero isang bagay ang hinangaan ko sa kanya. Hindi niya nilugmok ang sarili sa kung sinu-sinong lalaki kung hindi sa career niya."

"Naiinis ako sa sarili ko. Kahit anomg gawin ko si Javier pa rin ang nandito."

"Huwag kang magrebelde. Mas mahihirapan ka lang. Tanggapin mo iyan at hayaan mo lang ang panahon na tulungan ka. I know someone out there is meant for you, Xiellou. You don't have to go around chasing for the wrong person. Stay in your place so that when the right one comes, it will be easy for him to find you."

Lumambot ang mukha ni Xiellou at nahawi ang lungkot. "Thank you, Roanne."

Sumaglit siya sa loob ng kuwarto ni Javier at nagbanyo. Paglabas niya ay kumakanta ang kanyang cellphone. Dinampot niya iyon at nakita ang profile ni Miles.

"Hello, Miles? Kumusta?" Humarap siya sa salamin at sinipat ang sarili.

"Roanne, may libreng oras ka ngayon? May lunch meeting ako. Punta ka. Isama mo si Aki."

Ngumuso siya. Hindi dahil sa sinabi ng kapatid kung hindi sa napansing pagdagdag ng kanyang timbang.

"May invitation din kami. Pero titingnan ko kung pwedeng maisingit." Umikot siya at sinipat ang balakang.

"Okay, okay! Text ko sa iyo ang location."

"Okay."

Nakangiting nagpaalam siya sa kapatid bago nag-expire ang signal at humagikgik dahil sa malalakas na mga brasong nagkulong sa kanya mula sa likod.

"Heaven's fragrance in the morning, I love it." Inamoy ni Javier ang kanyang leeg at nag-iwan ng nakakikiliting kagat sa kanyang balat.

Pumihit siya at sinalubong ng halik ang labi ng binata.

BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHMENT ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon