Pinapagalitan niya ko at sinasabing hindi na ko makakaulit
Dahil baka ako ay kidnapin at itapon sa Ilog Pasig
Imbes na magalit ako sa kanya
Dahil sa panenermon niya
Ako ay naging masaya
Dahil alam kong nag-aalala siya
Lumipas ang mga araw
Na paulit-ulit na lang ang galaw
Naririndi na ko sa kanyang paninigaw
Baka naisin mo na sana mundo ay magunaw
Habang sinesermunan niya ko
Yung galit ko napalitan ng lungkot
Umiiyak siya hindi ko nakita pero naririnig ko
Hanggang sa umiyak na rin ako
Hindi ko kaya
Kahit na marinig siya
At ayokong makita
Na umiiyak siya
Ang sakit sa dibdib kung siya ay iyong maririnig
habang ang luha namin ay tumatagistis
Parang gusto ko siyang yakapin
Pero hindi ko nagawa kasi siya ay tumigil
Umalis siya sa kwarto
Iniyak ko lahat ng nararamdaman ko
Feeling ko napakasama kong tao
Hindi man lang niya nararamdaman ang pag-ibig ko
Hindi kasi kami sweet na mag-ina
Mahal ko siya pero sa ibang paraan ko pinapadama
Hindi katulad ng iba na salita ng salita
At kahit kailan hindi pa nagagawa
Bata pa lang ako mahal ko na siya
Kahit kailan hindi nawala
yung pagmamahal ko sa kanya
Kahit na galit ako sa kanya
Naiintindihan ko siya
Alam kong siya ay nag-aalala
Kasi hindi naman kami parating magkasama
At ayaw niya kong madisgrasya
Kasalanan ko rin naman
Kung bakit sila nagkakaganyan
Kasi nawala ko na
Yung tinatawag nilang TIWALA
Kaya ngayon lahat ay aking ginagawa
Para maibalik ang kanilang tiwala
Alam kong Mahirap at matagal bago makuha
Pero para sa kaniya alam kong ito ay aking magagawa
Kahit kailan hindi nawala
Yung pag-ibig ko sa kanya
At sana hindi siya magsawa
Na mahalin kami ng sobra
Di ko man ito kayang sabihin sa personal
atleast kahit sa sulat o liham ay iyong malalaman
Na Mahal na Mahal kita ng Sobra-sobra aking ina
Patawad sa lahat ng aking nagawa na puro problema
Para po iyan sa mommy ko na walang sawa na mahalin ako kahit na ang tigas tigas na ng ulo ko na halos sumuko siya sa katigasan nito. I Love You Mommy nakakahiya kasing sabihin sa personal kahit close tayo hindi ko talaga kaya. Kaya I Love You, Sorry sa lahat at Thank You ng Marami.
Lahat naman tayo mahal natin yung Nanay natin Mommy, Mother, Ina at iba pang pwedeng itawag sa Mommy natin.
Kahit yung iba galit sa Nanay nila kasi hindi nila nararamdaman na mahal sila at lagi na lang sinesermunan kasi mali. Buti nga sinesermunan ka pa magtaka ka pag may ginawa kang mali tapos dinedma ka lang niya. Wala na yang paki sayo pag ganun.
Kaya lahat tayo dapat hindi mawawala ang pagmamahal natin sa Nanay natin dahil hindi ka lumaki ng ganyan kung hindi dahil sa Nanay mo.
A/N: Drama much lang? binuhos ko lang po yung sama ng loob ko sa tula konting Family Problem kaya eto na po yun yung update ko sana nagustuhan niyo :) 'til my next update guys ♥ ...
Vote po kayo para ganahan ako mag-update malay niyo araw-arawin ko pag nakita kong may nag-vote :) sa totoo lang kaya ako nag-update kasi nakita ko may nag-vote eh wala naman po mawawala kung magvo-vote kayo hehe :D love ya guys ♥
|| AJA ||
JE LEEST
Mga TULA para sa mga PUMAPAG-IBIG ♥
PoëzieMga TULA para sa Mga PUMAPAG-IBIG ♥ ? Dahil sa mahilig akong gumawa ng mga Tula pag WALA akong magawa at kung minsan nga nagko-compose naman ng mga kanta . Nauso na kasi ngayon yung mga HUGOT quotes , minsan nagpo-post ako ng mga ganun. Hanggang s...
Hindi Nawala...
Start bij het begin