"Ang ganda ng kuha mo, Kino!" sabi sa akin ng kaklase ko sa UP. Nagkaroon kami ng street shoot. Nakasabit ang camera ko sa leeg ko habang pinupunasan ang pawis ko. Nakakapagod 'yong ganito. Set-up ko na 'to dati pa pero dahil nga napupuno na ang schedule ko, hindi ko alam kung paano ko pa mapagsasabay 'yon. 


Matagal kong pinag-isipan kung magpapatuloy pa ba ako ng 3rd year o itutuloy ko na lang ang pag-aartista dahil marami nang dumadating na future projects. May teleserye akong paparating kaya hindi ko sure kung kaya ko pa. 


Ayaw kong bumagsak sa school dahil lang napabayaan ko ang pag-aaral ko. Pwede ko pa namang balikan 'yon. Pwede akong bumalik next year. Balak kong magpahinga lang muna nang isang taon para mag-focus sa pag-angat ng career ko, tapos babalik na ako sa UP. 


"Sigurado ka ba?" tanong ni Mama sa akin. "Hindi mo naman kailangang gawin lahat 'to, anak." 


I knew I was a fast-learner, but I wasn't sure if I could do two big things at the same time. My career and my studies. It was not an impulsive decision. It was a result of my sleepless nights, mediocre works, and time management struggles. Ayaw ko nang magpatuloy sa pagpapasa ng mga film na hindi ko naman pinagtutuonan masyado ng pansin dahil sa career ko. 


I knew that if I would study, I had to do my best to have a name, but I was already building a career in the industry that I wanted to flourish in. It would be easier for me. Isang taon lang naman o kaya isang sem at babalik din ako sa pag-aaral kapag okay na... kapag may pangalan na. I needed to establish my career so I would be stable enough to leave. 


But I didn't know how to say it. I knew it was so wrong to keep it a secret from Via... pero siya kasi 'yong taong araw-araw nagpapaalala sa akin na mahalaga ang pag-aaral ko. Para kasi kay Via, ang pag-aaral ang magsasalba sa lahat. She wanted to stick so bad to the thought of me being a director, because that was my dream.


It was, pero hindi na niya napapansing siya na ang mas pumipilit sa aking mag-focus sa pagiging direktor, hindi dahil iyon ang pangarap ko, pero dahil mas gusto niya 'yon kaysa maging artista ako habang-buhay. She hated the spotlight. Alam na alam ko 'yon.


Ayaw niya pa rin sa pag-aartista ko pero hindi niya sinasabi, dahil alam niyang wala naman siyang magagawa... pero kahit ganoon, kapag sinabi niya sa aking nasasaktan na siya sa ilaw ko, wala na akong pakialam at iiwan ko 'yon para manatili sa dilim kasama siya. Ganoon siya ka-halaga sa akin.


Mahirap ipaliwanag. Ilang beses kong pinagpraktisan ang salamin kung paano ko sasabihin sa kaniyang hindi ako nag-enroll, pero tuwing naiisip ko ang magiging reaksyon niya, parang bumabaliktad ang sikmura ko. 


"Arkin, magpahinga ka muna," sabi ng assistant ko habang nasa shoot. Nakapikit ang dalawa kong mata habang nakaupo at nakakrus ang braso sa dibdib, hinihintay ang turn ko. Simula umaga ay nagsho-shoot na kami rito, pero hindi nakikiayon ang panahon kaya tumatagal nang tumatagal. Wala na akong tulog simula kahapon dahil naka-standby ako. 


"Tapusin na natin ngayon," sabi ko naman sa kaniya at sa manager ko. Gusto ko nang tapusin 'yong shoot ngayon, kahit gaano ka-late abutin, para makapagpahinga ako bukas at magkaroon ako ng oras para kay Via at sa mga kaibigan namin. 

Golden Scenery of Tomorrow (University Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon