CHAPTER XI

6.2K 134 0
                                    

"Vergara! Lim!" Napalingon naman ang magkaibigan na piloto sa tumawag sa kanila. Gulat naman silang makita ang kaibigan na si Sheena. "Vergara? sure ka bang girlfriend mo na yan? baka nananaginip ka lang non" Natatawang sabi ni Mikha sa kaibigan "Inggit ka lang" Natatawa rin sagot ni Colet bago sila tuluyan lumapit kay Sheena. "Hindi ka nagsabing pupunta ka, anong meron?" Tanong ni Colet matapos yakapin ang girlfriend nito. "Kain na muna tayo gutom na ako e" Tumango naman ang dalawang piloto at pumunta sa isang restaurant sa Airport.



"Ang totoo niyan pumunta talaga ako rito kasi may favor sana ako sayo Lim" Nakangiting sabi ni Sheena sa kaibigan, taka naman tumingin sa kaniya si Mikha at naghihintay ng kasunod



"Ganto kasi yan, naupload na ni Aiah yung latest vlog niya, yung sa Siargao" Panimula ni Sheena at binigay ang phone niya sa nobya para ipanood ang vlog. "E kasama sa vlog yung nagbabike siya at doon narinig ng mga nanonood yung boses mo, Lim" Ngiting ngiti na kwento ni Sheena. Puno pa rin naman ng pagtataka at tanong ang mukha ni Mikha hanggang sa tanggalin na ni Colet ang earphone na nakapasak sa tenga niya "Please don't ever lose that smile, Queen" Ngiting ngiti rin na sabi ni Colet at kunwari pang ginagaya si Mikha. Nang maalala ni Mikha ang sinasabi ng dalawang kaibigan ay napaiwas ito ng tingin. Hindi rin niya siguro napansin tss



"Ang totoo niyan dapat kasama ko ngayon si Aiah kaso may importante silang pag uusapan ngayon ni Gelo kaya ako na lang muna" Usap pa ni Sheena. Napatingin naman si Colet sa kaibigan at pasikretong natawa "Hihingi sana siya ng favor sayo na gumawa kayo ng isang vlog kasi ayon din ang gusto ng ilang nanonood, nagandahan at nagwapuhan sa boses mo kaya gusto rin makita ang napaka ganda't gwapo mong mukha" Nakangiti pang sabi ni Sheena. Kunwari pang naubo si Colet ng makita ang tinuro ng girlfriend niya. "Alam mo naman na bihira lang ako walang flight tsaka hindi ko hilig na humarap sa mga camera na yan" Sagot ni Mikha bago uminom ng tubig, napanguso naman si Sheena.

"Sayang naman, gustong gusto ko pa naman sanang pumunta sa Baguio" Napalingon naman si Mikha sa nagsalita at doon nakita si Aiah habang ang dalawang magjowa naman ay natatawa sa dalawa. Nang makaupo na si Aiah ay bigla namang nakatanggap ng notification ang dalawang piloto "Tol, may sched na tayo for next week" Usap pa ni Colet habang tinitignan ang schedule niya sa cellphone niya, kinuha din naman ni Mikha ang phone niya para tignan ang kaniya



"Ang sabi ko nga rito kay Aiah, sa susunod na mga vlog niya si Gelo ang guluhin ——-."


"Next week, Friday and Saturday. Baguio" Biglang pagpuputol ni Mikha sa sasabihin ng kaibigan at hinarap si Aiah. "Sure ka? okay lang?" Hindi makapaniwala na tanong ni Aiah. Gulat na gulat naman nagkatinginan ang dalawang magjowa sa isa't isa at sabay na nakangiting mga napapailing. "Huwag ka kasi magbabanggit ng kung ano anong pangalan" Natatawang bulong ni Colet sa girlfriend niya. "Hayaan mo na, pumayag naman na e" Natatawang sagot ni Sheena at nag apir pa.



"Hoy! may flight ka pa bukas ng umaga kaya dedmahin mo na muna beer sa ref mo" Paalala ni Colet sa kaibigan ng makarating sa parking lot


"Baka nga sa kotse na lang ako matulog, antok na antok na ako" Sagot ni Mikha. Napatingin naman sa kaniya si Aiah at tinignan ang itsura nito. "E kung sumabay ka na lang sa amin nila Colet, mukhang hindi mo rin kakayanin mag maneho na e" Suggest pa nito, umiling naman si Mikha. "Okay lang, malapit na lang din naman condo ko rito" Sagot ni Mikha at binuksan na ang kotse niya. "Ingat kayo, una na ako" Paalam niya at sumakay na sa sasakyan niya. Kinatok naman muna ni Sheena ang bintana ng kotse ni Mikha bago tuluyan sumakay ng kotse ni Colet. "Focus sa pagdadrive, huwag ka na gumaya kay tito John" Paalala ni Sheena, tumango naman si Mikha at ginulo ang buhok ni Sheena "Opo, engineer" Nakangiting sagot nito. Tumango naman na si Sheena at patakbong sumakay na sa kotse ni Colet.




"Antok na antok si Mikha ah. May maayos pa ba na tulog yon?" Tanong ni Aiah sa magjowang nasa harap ng sasakyan, nagkatinginan naman si Colet at Sheena ng sumagi sa isip ang posibleng nangyayari pa kay Mikha

"Napapaginipan niya pa rin kaya yon?" Tanong ni Sheena sa girlfriend niyang focus sa pagdadrive


"Posible, kaya siguro laging nag iinom para lang makatulog ng mahimbing at makaiwas sa panaginip niyang yon" Sagot ni Colet at nag aalalang tumingin sa girlfriend niya. "Bukas hindi ba wala kang flight? Tanong ni Sheena sa girlfriend nito, tumango naman ito bilang tugon "Dalawin natin sila Ate Maloi at Tita Myrla" Usap pa ni Sheena, tumango naman ulit si Colet habang sinilip naman sila ni Aiah sa harap


"Ate Maloi? hindi ba ate ni Mikha yon?" Tanong pa ni Aiah, taka naman tumingin sa kaniya ang dalawa "Paano mo nalaman?" Sabay nilang tanong. "Hindi ba naiwan ako sa sala nung nalasing si Mikha, e tumawag yung ate niya, Ate Maloi yung name sa phone niya tsaka aksidente kong nabasa na pinapauwi na niya yung bunso nila" Kwento ni Aiah. Natahimik na lang naman ang dalawa


"Narinig ko rin na nagsosorry siya sa daddy niya, ewan, pero parang ang bigat ng dinadala ng taong yon" Dagdag pa ni Aiah, nagkatinginan naman ulit ang dalawa at hinarap na ni Sheena si Aiah. "Nagsabi na ba sayo ng problema yung taong yon?" Tanong ni Sheena sa kaibigan "Hindi, hindi niya raw ugaling magsabi ng problema sa ibang tao e" Simpleng sagot ni Aiah.

We Fell In love in October (MIKHAIAH)Where stories live. Discover now