Chap 1 - Janno (Ella's Apple)

3 0 0
                                        

•Isanlibong salitang chapter 1 ng akda

JANNO at ELLA
sa panulat ni ParengJuanVicente

Chap 1 - Janno (Ella's Apple)

***

Ako si Janno.

Ang aking kuwento noong bata pa ako ay nagsimula sa ilalim ng mansanas o ng apple tree.

Huwag na tayong magpatumpik-tumpik pa.

Dahilan sa apple tree na yon ay nagsimula kong makilala ang 'dati kong kalaro na si Ella'. Kapwa ko siya manunulat, sa pangkasalukuyang punto ng aming mga buhay.

***

Muli ako si Janno. At ito ang aking kuwento.

Anak ako nina John at Ella. Dito nila ako ipinanganak sa Lungsod ng Maynila. Bagama't dati na rin daw kaming nanirahan sa ibang lugar at sa isang punto ng buhay nami'y doon pa nga raw nila ako binalak na palakihin.

***

Isang araw. Naglalaro akong mag-isa sa ilalim ng apple tree nang magkaroon ako sana (magkakaroon na sana) ako ng pagkakataon na makausap ang isang bata na pakiwari ko nama'y lagi ring nakatambay doon — Si Ella.

"Hi! Bata. Anong pangalan mo?" maganda ko namang approach sa kanya.

"Ako nga pala si Janno," kasunod kong wika sa kanya.

Hindi niya sinagot ang tanong ko. Nanatili lang siyang nakasibangot. Pero tila hindi naman ako pinagtatabuyan doon sa lugar niya.

Nagulat ako nang bigla siyang magsalita matapos niyang maipusod ang kanyang buhok. Pero sa halip na sagutin ang tanong ko ay:

"Bata kaya mo bang umakyat ng puno? Kaya mo ba akong ikuha ng apple?" ikinagulat kong wika niya. Medyo pasuplada ang pananalita niya. Kaya bakit ko naman kako siya susundin (sa isip ko). At saka isip-isip ko rin.

'Bakit kung mahuhulog ba ako maipapagamot mo ko?'

Pero sa isip ko. Isa na rin sigurong paraan 'yon para mas lalo ko pa siyang makilala.

"Gusto mo ba talaga ng apple? Kung gusto mo ikukuha kita sa amin. Teka hintayin mo ako," patakbo kong wika sa kanya na bigla naman niyang ikatawa.

Ang aking Lolo Juan tuloy ay nagtataka kung bakit daw ako tumatakbo nang mabilis.

"O John? Bakit ka tumatakbo nang mabilis?" pagtataka ng aking lolo nga.

Kaninang hatinggabi ay umani sila ng mga mansanas. Kaya malakas ang loob ko na manghingi.

"Lolo. Pwede po bang manghingi ng mansanas?" panghihingi ko naman nang maayos na permiso sa kanya.

"Mansanas? Apple?" pagtataka niya.

"Opo," mabilis kong tugon.

"O e di ba kakukuha mo lang ng mansanas kanina. Hindi na puwede baka ka na sikmurain," medyo pagtutol naman niya.

"Hindi po Lolo. Ibibigay ko lang po sana sa aking kalaro," wika ko naman sa kanya.

"Naku po Janno. Nagpalusot ka na maman. O siya kumuha ka ng tatlo," pagbibigay naman niya ng pahintulot na maayos sa akin na lubos na ikinaligaya ng aking puso.

"Hindi po Lolo. Para po talaga sa babae nating kapitbahay ito. Bagong friend po," pagkadulas ko naman.

Maalala ko lang. Noong mga nakakaraang araw. Halos pilitin pa ako ng aking Lolo na makipagkaibigan nga raw sa iba kong kapwa.

"Apo hangga't bata ka pa't malaya, pakasulitin mo na," payo niya.

Natuwa naman ang aking Lolo sa kanyang narinig.

"Normal lang yan apo. Yan nga! Tama yan. Matuto ka ring makipagkapwa. Huwag mong bakantihin ang oras mo. Mabilis ang oras sa mundo," payo pa niya bago ako magpaalam muli para waring maglaro.

Pero ang totoo. Gagawa lang naman talaga ako ng assignment sa ilalim ng puno. Umaasang doon ko muli makukuha ang inaasam kong pansamantalang katahimikan ng puso.
***

Dahilan sa pagmamadali ay nakalimutan ko rin sa kung saang banda sa loob ng tahanan ang siyang tanging tatlong mga mansanas pa naman na dadalhin ko sana para lang talaga kay Ella.

Dahilan sa takot kong akalain niyang pinapaasa ko lang siya sa pangako ko ay ginamit ko ang natitira ko pang pera na pangmeryenda ko sana.

Dahilan sa malapit lamang sa amin ang palengke ay:

"Ale. Ale, pagbilan nga po ako ng tatlong mansanas. Ito lang po ang pera ko e. Ayos lang po ba?" mabilis kong pananalita habang sinusulit na wala pang gaanong tao sa palengke.

"Naku John. Kung para sa iyo ay ayos lang sana. Kaso aanhin mo ang mansanas?" tanong ni Aling Janelle, asawa ni Mang Jimmy. Silang dalawa ay kapwa nagtitindang ang puwesto ay maaaaring alisin sa palengke kahit na ba anong oras.

"May pagbibigyan lang po sana akong tao," pagkadulas ko naman.

"Naku a. Sige sampo sana ang isa niyan. Pero sampo tatlo na lang para sa iyo," pagbulaga ni Mang Jimmy sa akin na ikinagulat din ni Aling Janelle. Maging ako naman ay nagulat din, pero itinago ko na lang ito sa aking sarili.

"Teka. Si Mang Jimmy. Parang nakita ko siya kaninang namimitas ng mansanas a," pagtataka kong bulong sa aking sarili.

"Naku Jimmy buti dumating ka na. Itong kaibigan mong bata na si Janno humahanga na," pangangantyaw sa akin ni Aling Janelle.

"Si Aling Janelle talaga..." nautal kong pagpapalusot.

"Bakit hindi ba? Naku Janno a huwag ako. At kailan ka pa nagsimulang maging mahilig sa mansanas e ni hindi ka nga mapilit ng mga magulang mo na kumain ng mga gulay at prutas?" pagsingit naman ni Mang Jimmy, kung kaya't ang lihim kong pagngiti kanina pa'y tuluyang hindi ko na napigilan pa.

"Ang totoo po niyan mang Jimmy...," nauutal kong pagpapaliwanag.

"Huwag kang mag-alala. Ako na ang magpapaliwanag para sa iyo. Hindi ba kanina...

"Mang Jimmy???" may pagtatangkang pag-awat ko naman sa kanya.

"May pagbibigyan ka niyan 'no? Aminin mo na hindi ko sasabihin kung sino," kasunod na wika pa niya na mayroong kaunting paghahamon.

Si...

Si Ella.

Ano naman kaya ang.

Kinalaman ni Mang Jimmy sa kanya?

"Opo. Mang... Jimmy," nauutal kong tugon.

Tinapik niya ang aking balikat sabay pagpapakalma sa akin.

"Natural ang humanga. Parang mansanas yan. Kinakain kasama pati balat. Balat ng buhay ang paghanga. Kasama yan sa kukunsumuhin ng katawan mo para matuto siyang maging malakas," wika niya. Habang si Aling Janelle naman ay nakangiti lang nang palihim habang nakikinig sa tila payak lamang namang usapan naming dalawa, bagama't aywan ko rin ba kung bakit ako nakararamdam ng labis na kaba.

Sa katagalan ay bigla kong naalala:

"Si Ella. Baka naghihintay na siya kanina pa. Nangako ako sa kanya."

Medyo napalakas na naman yata ang pagbulong ko.

Nang biglang...

Nagkatinginan ang dalawa.

JOHN AT ELLA (30K word for GoodNovel)Stories to obsess over. Discover now