"What? Buhay si abby? As in abelaine trinidad na kasintahan ni marsela? Kung ganun bakit hindi si sela tito yung pinagawa mo ng task na ito? Matutuwa siya pag nalaman niya na buhay pa si abby" sunod sunod kung sabi kay tito bigla niya namang niyukot yung mineral water na hawak hawak niya mukhang hindi niya nagustuhan yung sinabi ko.

"Dont mind my daughter francinne that's not what i want you to do! At ang gusto ko ay hindi niya malaman ang tungkol dito dahil for sure manganganib ang buhay niya! Gusto ko lang sabihin sayo rans na your dad really trust you in this task at nagtitiwala din ako sayo na hindi mo ito ipapaalam kila sela at gia" what the heck? So kaya pala ako yung pinili niya na gumawa nito at hindi sila gia or si marsela.

"Bakit naman po tito? At tsaka bakit ako? I can't lie to sela about this sa iba niyo nalang po ipagawa yang pagiging spy kay abelaine" tumayo na ako sa aking kinauupuan , hindi ko kayang magtago kila sela malaki yung tiwala nilang dalawa sa akin at sinabi ko na iuupdate ko sila sa nangyayari sa akin dito sa pilipinas at kung may ipapagawa mang special task sa akin.

"Talaga ba rans? This is your time to shine francinne , alam kong may pagtingin ka kay abby at saiyo ko na siya ipapaubaya dahil hindi siya nararapat sa anak kong si sela , pag isipan mo ng mabuti to rans bago mo tanggihan baka magsisi ka sa huli" hindi rans , hindi ka pwedeng maging selfish ngayon kasi hindi ka ganong tao.

End of the Flashback

"Uy rans nandito na tayo , natulala kana dyan bilisan mo na habang wala pa yung teacher natin dito sa loob" napabalik naman ako sa wisyo dahil sa biglaang pagtapik sa akin ni Jl nandito na pala kami sa tapat ng classroom namin.

Tumango nalang ako sa kanya and then naupo na kami doon sa may bakanteng upuan dahil ayun din yung sinabi sa amin ng president ata ng section nato.

Magkatabi kami ngayon ni Jl at nakatingin lang siya sa may paligid mukhang wala pa nga si abelaine dito.

Medyo kabado naman ako ngayon na nakaupo lang sa may upuan ko at tinitignan lang yung mga pictures namin nila sela at gia.

Kaya ko ba talagang itago sa kanila to? For sure magagalit sila sa akin pag nalaman nila ito pero kung alam kung ito yung makakabuti kay sela ay gagawin ko , kay sela nga ba o para sa sarili ko?

"Good morning class! Oh nandyan na pala kayo , come here in front Jl at Francinne right? To properly introduce yourself sa mga classmate niyo" tumayo na kaming dalawa ni Jl at nagtungo na sa may harapan , bigla naman akong napatingin sa may pintuan ng may biglang bumungad na tao na hinahanap ko kanina pa.

"Good morning po ma'am im sorry for being late , di na po mauulit pangako po ma'am" nakayukong sabi niya and then iniaangat niya iyun at nagtama ang aming nga mata ngunit mabilis lang naman niya ibinaling kay maam yung tingin niya dahil nagsalita ito.

"Hay nako abelaine maupo kana doon dahil magpapakilala na yung mga transferee, ayoko na itong maulit pa Ms. Gonzales ah" tumango naman siya at nagtungo na sa kanyang upuan , napatingin naman ako sa kanya ng matagal at pinagmasdan siya.

Sa napapansin ko mukhang hindi niya ako kilala at pati si Jl kasi wala akong reaksyon na gulat na nakita sa mga mata niya.

"Rans? Tapos na ako ikaw na!"

"Hello everyone I'm Francinne Rifol from Harvard University , Im 19 years old and please be good to us" talaga lang rans huh ,  19 years old ah 1009 siguro haha well need mangdaya ng edad eh.

Nagsipalakpakan naman yung mga kaklase namin at yung ibang girls dito ay nakatingin lang ng diretso kay Jl abay mukhang poging pogi sila sa mukhang unggoy na to ah.

Bumalik na kami sa aming kinauupuan at nagsimula ng magdiscuss yung teacher namin , napapaisip naman ako ngayon kung ano ang una kong gagawin upang masigurado kung may amnesia ba tong si abelaine or wala.

Napatingin naman ako kay abby na nagsusulat ngayon at pinagmasdan siya ng maigi , parang ibang ibang abby tong nakikita ko ngayon.

"Maganda ba yung view rans? Tama na kakatitig dyan baka maweirdan yan sayo pag nakita niyang kanina ka pa nakatingin sa kanya, wag mo kakalimutan yung task mo at kung bakit tayo nandito ah" mahinang bulong ni Jl na nasa tabi ko , siniko naman siya dahil nagsisimula na naman siyang mang asar sa akin.








Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

MY WISH UPON THE STARS (SEBY)Where stories live. Discover now