JaedelMhae (March 11, 2015)

Start from the beginning
                                        

7.      Paano mo tini-take ang mga negative comments/feedbacks sa mga story mo—kung meron man? (Sumagot ng nobela, at least 10 chapters. Joke lang.)

-          Deadma lang. Bahala sila sa buhay nila, ma-stress sila. LOL. Bukod sa feedback ng PHR nun sa pinasa kong manus na return. Wala pa akong natatanggap na ibang negative comment. Yung sa PHR tinandaan ko yun at kinonsider ko na magagamit sa future para mag-improve yung writing style ko.

8.      Bukod sa pagiging writer, ano pa ang isa mga pangarap mo?

-          Pangarap ko talaga maging broadcaster eh. Yung tipong ako yung magbabalita ng nagaganap na giyera sa ganung lugar. O kaya yung mga extreme na balita talaga yung irereport. Grade 6 pa lang ako pangarap ko na yun eh.

9.      Meron ka bang paboriting libro na minsan ay naisip mong ikaw na lang ang nagsulat? Ano 'yon at bakit?

-          Yung Bronze Angel ni Arielle. Isa sa Phoenix Saga. Ang astig kasi nung kwento na yun. Action-Comedy-Romance-Mystery. Basta galing na galing ako kay Arielle nun. 8 years ago mula ng mabasa ko yun at tanda ko pa rin hanggang ngayon kasi tumatak talaga sa isip ko yun. Pinangarap ko na nga ring makagawa ng ganoong klase ng story eh.

10.  Sino ang mga hinahangaan mong Filipino writers? At ano ang impluwensiya nila sa pagsusulat mo ngayon?

- Andrea Almonte (Grade 6 akong makabasa ng gawa niya) , Si Aira Ledesma (ka-kyoot ng mga story niya) Sofia, Arielle, Keene Alicante at siyempre Sonia Francesca. Di ko alam anong impluwensiya nila sa akin. Siguro yung pagsusulat ng Romance talaga. Kasi yung sinulat ko na mga dati parang mga kaabnuyan lang talaga ng isang bata eh. Sino ba namang matino na pagsasamahin ang Encantadia at Power Rangers di ba? So yun, siguro dahil sa kanila kaya naengganyo ko magsulat ng romance novel. Tsaka yung novel na 3rd person's POV.

11.  Saan ka kumukuha ng mga inspirasyon sa mga plot mo? (Hindi ko ito ipagkakalat, pramis.)

-          Sa paligid-ligid. Gaya ng sabi ko sa About The Author ko sa libro kong na-publish na. "Everything under the sun can inspire me". May pagkakataon na nanonood lang ako ng liga ng basketball, habang nanonood may makikita akong kung ano tapos bigla mag-iimagine na ko habang nanonood. Minsan sa panaginip. Kapag may panaginip ako na tanda ko pa rin paggising ko, isusulat ko agad kahit saan, kahit sa dingding wag ko lang makalimutan. Kung saan saan lang ako humuhugot ng plot, minsan dahil sa kadaldalan ko nakakabuo na ko ng plot habang nakikipagchikahan.

 

12.  Titles of your published and to be published book…

-          Keep Calm and Love Cool (Published)

-          Scent of Love

-          Set My Heart on Fire

 

13.  Ano ang side mo doon sa mga nagsasabing dahil sa wattpad ay marami na ang nabubuntis at nag-aasawa ng maaga?

-          Jusme naman, parang tanga talaga yung mga nagsasabi nun. Kapatid ko nga ni hindi nagbabasa ng libro nag-asawa agad pagtuntong ng 18. Wala yan sa Wattpad o sa kahit anong libro, nasa tamang pag-iisip yan. Minsan kahit tama ang paggabay ng magulang kung yung bata madaling masulsulan ng mga kabarkada at may katangahan talaga. Delikado talaga yun.

 

14.   If you will be given a chance (alam kong may chance naman talaga) to step out from your comfort zone, anong klaseng istorya ang isusulat mo?

-          HORROR T^T . Matatakutin talaga ako at malakas ang imagination ko kaya hindi ko kinakayang magsulat ng horror.

 

15.  Payo mo sa mga aspiring writers?

-          Sumulat kasama ang puso. Yayy. Deep. Hahaha. Write what your heart desires. Hindi yung susulat ka kasi iyon ang uso. At siguraduhing kapag susulat unahin mong iplease ang sarili mo. Alam ko selfish pero iba yung feeling kapag ikaw mismo ang na-satisfy sa gawa mo. Magaan sa feeling. Marerealize mo na lang na naka-smile ka kasi kinilig ka o naaliw ka sa sinulat mo. Kapag susulat dapat yung gusto mo talagang genre, hindi yung gagawa ka ng SPG kasi yun ang uso at doon maraming nagbabasa. Dapat yung kaya mong panindigan ang obra mo kasi kung makikiuso ka lang at di mo mapanindigan, malalait ka lang ng bonggang bongga. At wag na wag magpapaapekto sa number of reads. Alam ko importante o isa yan sa basehan pero tandaan iba pa rin yung kapag may totoong readers ka talaga. Hindi yung binuksan lang basta yung story mo. Aanhin mo ang million reads kung ang comment at votes ay nasa hundred plus lang? Matutong magtiwala sa sarili.

Interview With The LIB WritersWhere stories live. Discover now