Chapter 17: Tanong

Start from the beginning
                                    

"Eh ayoko ng baby, tawagan na nila Ken and Rita 'yan eh" Nabulunan naman ako sa pagkain ng pancake sa sinabi nito. Kaya naubo ako buti na lang at inabutan ako ni Ken ng tubig kaya ayos na ako. Tinignan ko naman ito ng masama.

"Oh bakit?" Natatawa niyang sabi na akala mo'y walang ginawa. Mamaya 'to sa'kin.

"F*ck" Napatingin kami sa kusina kung nasaan na ngayon si Ken. Kunot-noo namin itong tinignan habang sinasarado ang ref at sinapo ang ulo.

"Oh bakit?" Tanong ni David.

"Wala na pala akong drinks dito, naubos ko na ata" He laughed and scratched his head. He was so cute in that part.

"Ano ka ba, Ken. Walang problema, edi bibili kami. Saan ba malapit na store na bilihan ng mga alak dito?" Tanong ni Julie. Wow Ken ha!Eh sa pagkakaalam ko Sir Ken ang tawag niya, ano close na?

"Alright, let's buy!" Jade said smiling and Julie stood up as well. Hay kung gusto nilang mag-inom, edi go! Hindi ko na sila pipigilan, pero ang aga-aga inom agad?

"Hey, wait! It's still early. Let's have a lunch first " I looked at my watch and It was exactly 12 o'clock.

"Let's just buy lunch first tapos isabay niyo na rin yung drinks, okay?" Paalala ko sa kanila. I was about to get up when Julie suddenly sat me down.

"What?"

"Dyan ka lang, madam. Kami na bibili ng lunch tsaka maiinom" Kumindat pa ang bruha.

"Ayoko nga, sasama ako" Pagmamaktol ko na parang bata.

"Ako, hindi na ako sasama. Kayo na lang ang bumili" Binatukan naman ni Julie si David kaya napainda ito na kunwari'y nasaktan.

"Aray ko! Bakit mo ginawa 'yon? Close ba tayo?Baby? I mean honeybunch?" Natawa ako ng mahina sa tawag nito. Buti pa 'tong kaibigan ni Ken joker hindi tulad niya na mahilig mamikon.

"Not yet. But if you come with us, we will be close. Kaya tayo na" Hinila niya pa patayo si David dahil nakaupo ito sa sofa. Ano ba 'tong dalawang 'to parang mga bata eh pangalawang pagkikita pa lang nila 'to. Tapos ganito na sila.

"Tayo na? Grabe hindi ba masyadong mabilis 'yan, honeybunch?" Pagbibiro ng isa. Kita kong napailing na may kasamang tawa si Ken at si Jade ay tawa ng tawa.

"Kadiri 'to! Honey bunch pa nga. Arat na kasi" At ngayon wala nang nagawa si David kundi tumayo't sumama na lang sa dalawa.

"Teka, 'wag na tayong bumili ng lunch.
Marunong naman yung cousin kong si Rita na magluto Dani" Tinignan ako ni Jade na tila pinapabatid ng kaniyang mga mata na ako na lang ang magluto ng tanghalian. Nilakihan ko naman ng mata ito para sabihing nakakahiya. Wala namang problema sa akin na magluto pero wala kami sa bahay at tsaka kay Ken 'to.

"Pa'no kayo nagkakaintindihan dyan sa pagtingin-tingin niyo?" Nagtatakang tanong ni David sa'min. Siguro nakita niya kami ni Jade.
"Pero, oo nga naman. Pwede mo ba kaming lutuan ng niluto mong scrambled egg kay Ken?" Huh? Papaano niya nalaman 'yon?Siguro kinwento ni Ken kasi magkaibigan naman sila.

"Siraulo ka!" Binatukan ni Ken si David dahil inaasar siya nito sa akin. Namula tuloy ang pisngi ko dahil nahihiya ako. Tss ano ba 'to!Dapat hindi na lang ako pumayag na pumunta dito eh.

"Hoy tama na muna 'yan. Gumagalaw yung oras oh. Dali na bumili na tayo ng alak. And baks ikaw na lang ang magluto ng lunch natin dahil mas masarap ang lutong bahay 'diba?" Tanong niya sa kanila. Wala akong nagawa kundi tumango na lang kahit na nakakahiya dahil dito pa talaga sa unit ni Ken ako magluluto.

"Hoy tara na" Hinablot ni Julie ang damit ni David para makaalis na sila. Kita mo 'yun wala talagang hiya!

At ngayon naiwan kami ni Ken. Nabalot ng katahimikan ang unit nito. Ano ba 'yan! Mag-salita naman siya! Bahay niya 'to eh.

"Uhm, can you teach me how to cook?" Napalingon naman ako sa kaniya nang sabihin niya 'yon. Naroon siya ngayon sa kitchen naghahanda na siguro ng ingredients sa lulutuin. Teach me huh? Akala ko ba ako ang magluluto? pero bakit tuturuan ko siya?

"I thought I'm the one who will cook? Ayaw mo ba?" Umiwas ako ng tingin ng titigan niya ako. Bakit naman ganito naiilang ako. Bruha talaga 'tong mga kaibigan ko eh, iniwan pa ako dito.

"No no uhm I just want to know how to cook kasi napansin kong nag-iba yung hitsura mo nung kinain mo 'yung pancake na niluto namin..Sorry we don't know how to cook" Oh sh*t he saw my reaction when I was eating the pancake thay they cooked? Argh nakakahiya!Feeling ko ang sama ko 'don.

"Okay lang pero masarap naman 'yung pancake" Sunog nga lang. Iniisip ko kung sasabihin ko ba 'yon pero huwag na lang baka ma-offend siya.

"Alright halika ituturo ko sa'yo" Pumunta ako sa kinaroroonan niya. Okay kinakabahan ako kasi first time kong magturo magluto..at sa kaniya pa ha! Hindi naman ako chef pero kaya ko naman 'to.

Sinabi ko sa kaniya ang ingredients ng scrambled egg na lulutuin namin at buti ay meron naman siya rito sa unit niya kaya hindi na kami namroblemang maghanap pa.

I was wondering if I should tell him or not but since we didn't talk about anything I would just ask him.

He was busy washing the pan and I was cracking an egg in the bowl.

"Ahm may girlfriend ka na?"

"Do you have a boyfriend?" Gulat akong napalingon sa kaniya nang sabay naming tanungin kung may karelasyon kami. Gosh nakakahiya naman 'yun!

A/N: This chapter is dedicated to my lovely bestie Gabrielle Jade, labyouu so much bess! Thanks for your all support although na madalang ako mag-ud. Goodnight and Godbless everyone!

Let's Design LoveWhere stories live. Discover now