"Dahil yan sa ex mo noh."

Tinignan niya ako ng masama "Okay okay, hindi na." sabi ko nalang, kasi naman nakakatakot yung tingin niya na yun.

Mukhang tama na tong ice cream na nakain ko, makauwi na nga, baka nagwawala na yung mga kaibigan ko niyan sa bahay.

"Oy evil freak, aalis na ako. Salamat sa ice cream." tumayo na ako pero bigla naman siyang nagsalita

"Hindi pa ubos yung ice cream."

"Kaya mo ng ubusin yan."

"Tulungan mo ko."

"Kaya mo na yan. Sige na aalis na ako."

"Tulungan mo kong mapakita sa kanila na naka move na ko." huh? ano raw? Tumingin ako sa kanya at siya naman ay nakatitig lang sa ice cream

"Nababaliw ka na ba?"

"Bakit ganun?"

"Bakit ano?" napaupo naman ako ulit, nacurious ako bigla

"Bakit hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako pag nakikita ko siya, pag nakikita ko silang magkasama." sabi na nga ba tungkol to sa ex niya

"Obvious naman kasing mahal mo pa siya."

Sumubo siya ulit ng ice cream at nagsalita ulit "Siguro nga mahal ko pa siya. Mali, mahal na mahal pa rin talaga." tinitignan ko siya habang sinasabi yun at kahit na sa ice cream ang tingin niya, nakikita ko yung pain, yung pain sa mga mata niya habang sinasabi niya yun at habang inaalala ang ex niya. Grabe lang, hindi ko akalain na kaya palang magmahal ng evil freak na to.

"Bakit ba kasi kayo naghiwalay?" oops! wrong question, nagiging tsismosa yata dating ko dun "Ah wag mo nalang sagu--"

"They betrayed me." medyo napalaki naman ang mata ko sa narinig ko, pinataksilan daw siya? sabagay, kung ganyang gangster ba naman jowa mo kahit ako pagtataksilan siya eh. HAHAHA. Sama ko ba?

"Ah sabagay, kataksil taksil ka naman. Haha" napatawa pa talaga ako. Hindi naman ako masyadong masama diba?

"Sa lahat pa ng tao, yung pinakamalapit ko pa talagang pinsan ang ipinalit niya sa akin. Sh*t! ang sakit nun!" awww! mukhang kailangan ko siyang damayan at hindi muna ako tatawa ngayon, kawawa naman pala siya. I can see he's really in pain.

"Sus! Hindi yan kawalan. Ang dami pa naman ibang babae dyan. Wag kang umarte na parang siya na yung huling babae sa mundo." totoo naman sinabi ko diba?

"She's maybe not the last, pero mahal ko siya, mahal na mahal. Kaya sobrang hirap para sa akin ng ganito. Siya ang mundo ko." weird noh? hindi ko akalain na makakausap ko tong evil freak na to ng ganito, usapang lovelife pa talaga.

"O.A naman yan. Alam mo, tumingin tingin ka lang sa paligid. Malay mo may babae kang makita dyan na pwedeng makatulong sayo na makalimutan mo siya o kaya naman di lang yun, malay mo matulungan ka pa niyang mawala yung pagmamahal mo dyan sa taksil mong ex." pagkasabi ko naman nun agad naman nabaling ang tingin niya sa akin

O___O "Oh bakit ganyan ka makatingin?!" tanong ko sa kanya

"Hindi ako makapaniwala na nagkakausap tayo ng ganito, of all people, ikaw pa talaga. Isang alien pa talaga."

"Tss. Alien mo mukha mo! Di bagay sayo ang magdrama evil freak."

"Haha ang weirdo ko nga talaga ngayong araw na to."

"Buti alam mo, tsaka weird talaga, kasi naman diba ang mga lalaki pag lasing lang yan nakakapagbulgar ng saloobin nila, ikaw naman nang dahil sa ice cream."

"Comfort food ko kasi to." comfort food niya daw? ibig sabihin, same kami? tsssk.

"Tss. Gaya gaya."

"Gaya gaya?"

"Oo, gaya gaya ka. Comfort food ko rin kasi to."

"Ah sabagay obvious naman." sabi niya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa, aba lokong to! may iba yatang ibig sabihin. >___<

"Tss! Manahimik kang evil freak ka!"

***

CLIFF's POV

"Haha makasigaw naman." sabi ko kay Alien kasi naman tinignan ko lang naman siya mula ulo hanggang paa kaya ayan sumigaw nanaman.

Hindi ko maintindihan kung bakit sa kanya ko pa nasabi yung mga saloobin ko. Hindi ko nga to magawang masabi sa gang, pero sa kanya nasabi ko. Ang weird kasi pagkatapos ko yun masabi sa kanya, parang gumaan ang loob ko. Medyo lumuwag ang pakiramdam ko.

"Uuwi na ako. Nagiging demonyo ka na ulit." tumayo na siya at masama nanaman ulit ang tingin sa akin

Ang weird talaga ng alien na yun, pero nakakatuwa siya. Nakakatuwa siyang pagtripan.

Tumayo na rin ako at sakto naman na nasa labasan pa siya.

"Hoy Alien!"

"Ano nanaman ba evil freak?!"

"Mag ingat ka sa paguwi. Salamat sa oras." then I smiled to her tsaka na ako naglakad, nakatalikod na ako sa kanya nang marinig ko siyang magsalita ulit

"Pag kailangan mo ulit ng kausap, nandito lang ako. Basta wag ka lang dedemonyohin ulit." napangiti nanaman ako ulit sa sinabi niya, pero hindi niya na nakita yun kasi nakatalikod na nga ako, I just waved my hand.

Nakakatuwang isipin na nakausap ko ng ganun ang Alien na yun.

***

MICAH's POV

Ngumiti siya? He actually smiled at me after saying thank you? Grabe lang! Nakakatunaw naman yung ngiting yun. Ang gwapo niya pala pag nakangiti. Anung sabi ko? Erase erase erase!

Tsaka teka, nahypnotize ba ko ng smile na yun at nasabi ko na nandito lang ako pag kailangan niya nga kausap? Ano ba naman yan?! >____<

I had enough. Nakakaloka na talaga ang gabi na to.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon