OMG. He's so freaking hot!


"Miss?" Nakakunot na ang noo niyang nakatingin sa akin. "Okay lang ba? Gusto mo dalhin kita sa Clinic?" Hindi pa rin naaalis ang kunot-noo niya.


"No! Hindi na kailangan." Umiling-iling ako at umayos ng pagkakatayo.


"Okay." Literal na nalaglag ang panga ko sa pagngiti niya. Nagwave lang siya sa akin saka tumakbo pabalik sa court.


Holy Shit! Napasapo ako sa noo ko.


"Oh my gay." Umiling-iling ako pero hindi naalis ang ngiti ko.


Gwapo niya!


Natatawa akong umakyat sa hagdan at tinignan yung Schedule ko ngayon.


College Algebra /Room 105 / 10:00-12:30/


Hinanap ko agad yung Room 105 and there! May mangilan-ngilang nasa loob na rin. Pumasok ako at nilingon nila ako. Ngumiti lang ako ng tipid saka umupo sa gilid.


9 o'clock palang. Sobrang aga ko pala. Nangalumbaba ako at naisip ulit yung Volleball player kanina. Mabilis akong lumabas at tumingin sa baba. Tanaw pala sila dito sa taas.


Nakita ko agad siya. Si number 12. Ang hinhin niya! Mula sa pagserve ng bola, sa pagspike, sa pagblock pero imbis na maturn-off ay kinikilig ako! Anong nangyayari sa akin? Natatawa akong nilabas ang cellphone ko saka siya kinuhanan ng litrato.


Nanood lang ako sa kanila habang hinihintay ang Professor namin.


~ooo~


"GoodAfternoon. Im Heaven Angel Clark. Be nice to me, please. Thank you." Nag-bow ako saka ngumiti. Bumalik na rin ako agad sa upuan ko.


English na namin at ngayon lang ako nakapagpakilala sa harap. Well, hindi naman kasi pumasok yung Prof. namin sa Algebra.


Ako lang ang nagpakilala dahil ako lang naman akong bago rito. Halos lahat sila ay magkakakilala na. May mga kumakausap na sa akin at inaaya na sumama sa grupo nila ngunit humihindi ako, ayoko ng ma-attached kahit kanino. Ayos lang ang makakwentuhan pero ang ma-attached? Ibang usapan na 'yun.


Matapos ang kalahating oras ay dismissal na. Next meeting na raw kami magle-lesson.

Okay! One subject left.


Filipino.


Nanatili na lang ako sa upuan ko at nanood ng We Got Married. Tutal ay wala na yung mga Volleyball Player sa baba. Nangiti ulit ako. Nalaman ko na ang pangalan niya.


Craig Damien Cruz.


Nalaman ko rin na hindi siya Engineering, nandito lang sila sa building dahil dito lang may Court. Sa Bussiness.Ad pala siya kabilang, 'yun nga lang hindi ko alam kung anong year na siya. Hindi ko na kasi natanong.

OMG (Oh My Gay!)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum