Chapter 2 - Ikaapat na Yugto

En başından başla
                                    

Ngumiti siya ng matamis. "Then I will do the same with Rheeva if ever magkita kaming muli at hindi pa tayo kasal."

"Pinky promise?" Nag-alok ito ng hinliliit.

"Promise," ikinawit niya ang kanyang hinliliit doon.

Niyakap siya ng binata at hinalikan sa ulo.

Hindi niya pasasalamatan si Rheeva dahil nakulong siya, ang weird kung gagawin niya iyon. Pero magpapasalamat siya dahil ang naging pagkakamali niya ay itinuro siya papunta kay Javier sa pamamagitan ni Aki. Ang kanyang mag-ama ang magiging daan niya para baybayin ang tama at tuwid na landas ng buhay pagkatapos niyang madapa sa pagkakasala. Bawat pagkakamali ay may kabayaran pero libre ang pagbangon at iyon ang pinakamalaking biyayang binigay ng langit.

Galing ng kitchen ay sinilip nila si Aki sa bakuran. Kalaro nito ang mga uncle. Naroon din ang mga magulang ni Javier na tila ba walang kasawa-sawa sa kapapanood sa apo na sinakop yata ang buong umaga sa matinis na tili at tawa.

Nakakadama pa rin siya ng pagkaasiwa tuwing dumadako sa kanya ang paningin ni Abigaiel. Para bang hinihimay nito hindi lang ang laman ng kanyang puso kundi bawat hibla ng kanyang kaluluwa.

Pinisil ni Javier ang palad niyang hawak nito at hinatak siya patungo sa kuwarto nila.

Ngunit gaano man katatag ang determinasyon wala nga sigurong handa sa kanila kung ang nakaraan na ang magbabalik at susubukin ang kapit nila sa isa't isa.

Isang linggo matapos ang opening ay naligaw sa shop si Anne Marie kasama ang isa sa mga online regular customers nila. Palabas siya ng opisina nang makita niya ang babae sa showroom at pumipili sa mga display roon. She's sporting a green blouse with slit sleeves and a tight black pants.

Ilan na ba ang anak nito pero hindi man lang nagbago ang babae. Kahit naman noong aktibo pa ito sa showbiz, maraming naiinggit dito dahil hinahakot nito ang pagtingin ng mga lalaking artista. Idagdag pa ang ganda ng boses nito. Naturingang anghel na bumaba sa lupa. Makatarungan lang ang haba ng panahong tiniis ni Rheeva makamit lang ang puso nito.

Nawalan siya ng lakas ng loob na tumuloy sa showroom lalo na nang lumapit dito si Javier. Bumalik na lamang siya sa loob ng opisina. Ngunit dinanatnan naman niya roon si Xiellou.

"Nakita mo sila? Do you notice the sparks in Javier's eyes seeing Anne Marie again?"

Hindi niya pinansin ang dalaga. Bubuwesitin lang siya nito at ang utak niya ay lalagyan ng demonyito para magalit siya kay Javier.

"Nag-stay lang sa iyo si Javier dahil kay Aki, hindi dahil mahal ka niya. Responsable silang magkakapatid pagdating sa pananagutan sa pamilya at kaya nilang magsakripisyo."

"So, anong point mo? Kung nandito lang si Javier para kay Aki, anong problema mo? At tanggap ko iyon. Paiibigin ko siya ng isang daang beses kung kinakailangan." Hindi rin siya nakatiis at pinatulan na ang hitad. "May tiwala ako kay Javier, patunay roon ang pagpayag kong tumira ka pa rin sa bahay niya. Alam kong hindi niya ako lolokohin at sasaktan."

"Bahala kang magpakatanga, pinagdaanan ko na iyan kaya alam ko ang signals." Tinalikuran siya nito at umalis.

Tinapos niya ang iniwang trabaho at matapos magligpit ay bumalik siya ng showroom. Pero wala na sina Javier at Anne Marie. Ang naroon na lang ay ang kasama kanina ng babae na kasalukuyang nag-settle ng bayarin sa counter.

Mahigpit niyang kinuyom ang mga kamao at lumabas ng shop. Hindi niya makita. Nasaan si Javier? Naluluha na siya. Pumunta siya ng production area. Wala pa rin. Tinungo niya ang warehouse, wala rin.

Tulirong naupo siya sa bench sa waiting area at pinunasan ang ilang patak ng mga luha. Nangangatog ang katawan niya sa takot. May usapan sila ngayon na kakain sa labas pagkasundo nila kay Aki. Ayaw niyang maniwala kay Xiellou pero hindi rin maikakailang lahat ng sinabi nito ay posibleng may katotohanan.

Pugto na sa luha ang mga mata niya at kusang lumalaya sa kanyang bibig ang hikbi nang matanaw niya ang sasakyan ni Javier na pumasok sa parking area. Lulugo siyang tumayo at nang makita ang binatang bumaba ay tinakbo niya ito.

"Javier!" Pabalyang yumakap siya sa lalaki habang humahagulgol. "Javier!"

"Roanne," nasa tono nito ang labis na pag-aalala. "Is there anything wrong?"

"I saw her, I saw Anne Marie earlier and then she was gone and you're gone too. I...I thought...I thought..."

"Nagtext ang teacher ni Aki, pinasusundo siya ng maaga kasi may meeting sila. Come on, please, stop crying!" pagsusumamo nitong hindi magkamayaw sa pagpunas ng mga luha niya.

"Hindi mo kasama si Anne?" tanong niyang sinisinok.

"No." Nataranta si Javier at hinablot sa loob ng sasakyan ang bote ng mineral water. Pinainom siya. "Careful." Hinugot nito ang panyo at pinunasan ang noo niya at mga pisngi.

"Akala ko kasi...akala ko..."

"You don't have to explain, baby, I understand." Umiling ito at itinuro ng tingin ang nakahintong luxury car sa VIP parking. "Kung wala siya sa showroom, malamang nariyan siya sa loob kasama si Rheeva."

"Si Rheeva?" Tumingin siya sa sasakyan kahit na nanlalabo ang mga mata sa luha.

Hinagkan ni Javier ang pagitan ng mga mata niya. Bumitaw ito at binuksan ang pinto sa backseat. Kinuha ang anak nila sa loob na noon lang niya napansin na naroon at nakadungaw sa bintana.

"I'm sorry kung hindi ako nagpaalam, dismissal na nang tawagan ako ng teacher," paliwanag nito.

"May sinabi kasi si Xiellou. Pero hayaan mo na napa-paranoid lang talaga ako."

"Mama?" Yumakap sa kanya ang bata at hinagkan ang namamasa niyang pisngi. "Why are you crying, Mama?"

"Oh, it's nothing, baby." Hinagkan niya ito pabalik at inilingkis ang braso sa baywang ni Javier.

"Are you done with the papers?" tanong nito habang pabalik sila sa loob ng shop.

She nodded, sniffing. Kahit papaano ay kumalma na. "Nakita ko kanina kausap mo si Anne."

"I invited her to our wedding. Pero hindi ko sinabing maganda siya. Noong kausap ko siya mukha mo ang nakikita ko kaya naisip ko sa iyo ko na lang sasabihin. Mama, you're beautiful." Ngumisi itong parang bata sabay kindat. "I have an idea, after we eat let's go straight to the house and watch one of your movies."

Ngumiti siya ng matamis at tumango. Oh, God! She loves this man so much and she is scared to lose him.

BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHMENT ✔Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin