Grade 1 at Grade 2.

Start from the beginning
                                    

BOYFRIEND: Ha? May ganun ba? Share mo naman..

GIRLFRIEND: SalongGanisa..

Galing hindi ba? Pero mas magagaling ang mga Pilipino kapag kumakanta tayo. < TENENENEN..! sHENENtENEDEN!>. Ke galing! Dinaig pa ang mikropono ng mga mambabatas sa EDSA. Kelan nga kaya matatapos ang "shona shini kwang shawoo" kapag nakakarinig tayo ng mga kanta ng k-pop? At mas hindi ko ata kakayanin yung mga taong boses lata -- yung mga taong hahatak pa ng mic para lang kumanta? 

Baliktad na nga kasi ngayon: ANG MGA MAGAGALING NA ANG NAHIHIYA AT ANG MGA HINDI NABIYAYAAN ANG MAKAKAPAL ANG MUKHA. 

" Sometimes, questions are more important that answers".                                            ~Nancy Williard


Grade 2. Naranasan kong magluto ng chopsuey ( nang hindi ko man lang alam ang tamang spelling). Sa dami ba naman kasi ng salita sa mundo, ang hirap ng malaman lahat ng spelling nito. Isa pang problema ko ay nang nalagyan ko ng worcestershire sauce ang gulay ko sa hindi sinasaydyang pagkakataon . Buti na lang at na-uso ang KATAGANG "Weh? Di nga", dahil imbento ko lang lahat ng iyan. Aminin mo man o hindi, alam kong "worsheshorsheir" ang pagkaka-pronounce mo sa salitang " worcestershire". Isa pa ang chopsuey na alam ko chapswey ang pagkakabasa mo. 


May mga tao kasing nahihirapan talagang magbasa, mga taong hindi kayang magbasa, at mga taong tamad lang magbasa. Halimbawa na lang ang mga taong may dyslexia. Pero hindi naman ito naging hadlang sa pag-unlad kagaya na lang ni Albert Einstein na naging sikat pang siyentipiko. 

Marunong ka mang magbasa o tamad lang magbasa,alam kong apektado ka sa pagbigkas ng mga salitang  "worsheshorsheir" at "chapswey".      

Usapang pagkain na rin lang, alam kong nakakain ka na ng taho. Nakakapagtaka sa mga magtataho ay kung bakit ba naman kung ano ang kinalakas ng boses nila ay ikinahina naman ng pandinig nila:  

TINDERO: Taho!  Taho!  

AKO: TAHO!  

TINDERO: Taho!  

AKO: TAHO!!!  

TINDERO: Taho!  

AKO: taho!!!!!!!  

Automatic na yon. Kapag pangatlo na, saka pa lang titingin. Kung pwede nga lang ay mag-record na lang ako, dahil araw-araw ko tong ginagawa. Alam ko rin ang pagkain mo ng taho, iisa lang naman ang kinagawian eh :  

1.Papadamihan ang aribal.

2.Papakin.

3.Saka pa lang hahaluin.

4.Sa bandang huli, ititira pa ang sago.  

  Ganyan kasi ang mga Pilipino , pero hindi naman sa lahat ng  pagkain. Sabi nga nila, una ang hirap bago sarap. Halimbawa sa hopia na iikutin muna ang gilid bago kainin ang gitna. Weh?? Peksman?? Hindi mo ginawa?? Mamatay ka man? ..  

Sa leche flan naman ( na magkakanda-leche-leche ka sa sarap)  

Kapag may tao. Syempre, unti-unti lang , yung feeling na wala pa sa one-fourth ng kutsarita yung kinakain mo. Remember: Kutsatita ha? Hindi kutsara.  

Kapag wala ng tao. Pakyawan na. Kulang na lang, pati lyanera kainin mo. 

Sadya talagang naiiba ang pagkain ng mga Pilipino. Lalo na 'to:

*Barbecue- Hindi kakainin hangga't hindi nakakakuha ng sibuyas sa sawsawan. 

*Fishball- Papaliguan ng sauce ang bawat piraso. Kapag hindi nakuntento, iinumin pa  ang sawsawan, maanghang man o matabang.

*Lugaw- Palakasan ng higop. Kulang ang isang pirasong kalamansi para masabing masarap ang pagkakaluto.

*Liempo- Palakasan ng nguya. Pinagmumulan ng away ng magkakabarkada. Balat pa lang, giyera na.

Durog man o bago sa isip mo ang mga kaugalian ito, ang tanging masasabi ko'y , ginawa mo na 'yan. Ayaw mo lang umamin. 

 TANONG AT GAWAIN :

1.) Alin sa mga nasabi ko ang hindi mo nagawa? Yung totoo.

2.) Kumain ng liempo at itira ang balat. Ipakain sa aso at huwag iyakan.

3.) Nakakain ka na ba ng barbecue na una ang taba? Picturan at ilagay sa facebook mo.

" Tanong mo, tanong ko, tanong nating lahat."                                                  ~ Talongganisa

     

iJuanDer ( mga tanong na hindi mabigyan ng kasagutan)Where stories live. Discover now