Chapter One

6 1 0
                                        

-First Day-

ALLISON

Ito na ang araw na pinakakinasasabikan ko. Ang unang araw ko bilang isang 3rd year college student dito sa Manila Prime University. Tinitigan ko ang relo ko. 9:00 am na. Tumingin ako sa aking paligid. Asan na kaya sila? Excited na akong makita ang mga kaibigan ko na sina Tatti, Amber, Evan at Philip.

Naglakad ako papunta sa campus nang biglang dumilim ang paningin ko. Nakaramdam ako ng mainit na kamay sa aking mata.

"Sino ito? Uy, ano ba 'yan!" Sigaw ko sa taong nagtatakip ng aking mata.

"Hulaan mo!" Sabi nito na pinalaki pa ang boses. Halatang-halata naman kung sino.

"Tatts!" Tinanggal niya ang kamay niya sa mata ko at agad akong bumaling sa direksiyon niya. Niyakap ko siya pati narin sina Amber at Philip na nasa gilid niya.

"Tara na, pumasok na tayo at baka malate pa tayo," sabi ni Tatti.

"Teka, paano si Evan? Asan na ba siya?" Tanong ko.

"Baka hindi pa daw siya makakapasok today since kakauwi lang daw nila galing Paris." Sabi ni Amber. Tumango-tango na lamang ako. Nagbakasyon nga pala saglit si Evan doon.

Inabot kami ng ilang minuto papunta sa aming room dahil pumunta pa kami nina Amber sa Girls Locker Room dahil may kukunin lang daw si Tatti. Nauna na si Phillip sa amin kaya mas maaga siya nakapasok sa loob.

Pagpasok namin sa room ay late na kami. Nakakahiya nga dahil halos lahat ng estudyante sa loob ay napatingin sa amin.

"Why are you late? First day na first day naka-first warning na agad kayo. Take your seats." Sabi ng teacher sa harap.

"Sorry po Ma'am, di na po mauulit." Sabi namin at agad na dumiretso sa mga bakanteng upuan sa tabi ni Phillip na nasa likuran pa ng classroom.

"Good Morning everyone, I am Ms. Aurora Nicolas. Ako ang magiging adviser niyo this year." sabi ni Ms. Nicolas. 

"And since I will be your adviser, I want each and every one of you to introduce yourselves in front of the class. Starting from the back."

Hay nako. Introductions nanaman.

Since ako at ang friends ko ang nasa likod, kami muna ang nauna. Tumayo ako sa aking kinauupuan at pumunta sa harap ng klase.

"Hello Everyone! Ako si Allison Rei C. Hillary, 20 years old, born on November 27, 2000."

Sumunod na sina Tatti, Phillip at Amber.

"Hi, guys! My name is Tatti B. Rodriguez, 19 years old, from Quezon Cityyyyy !!"

"Yo, ako si Phillip R. Garcia, 20."

"Hello po. Ako po si Amber Q. Buenaventura. Ako po ay 20 years old. Mula po ako sa Quezon City."

Pagkatapos magpakilala ng lahat ay saktong lunch na. Grabe, umabot ng halos dalawang oras para lang sa introduction at sa mga announcements ni Ma'am. Marami-rami narin kasi ang mga estudyante dito sa Building na ito na pang medical courses. 

Since first day naman, maaga ang uwian namin. At dahil wala narin naman kaming gagawin ay tumambay na lamang kami sa library at natulog. Ako lamang ay nagbasa ng libro, ngunit nakatulog rin.

***

"Mga hijo at hija, magsigising na kayo at uwian na." Sabi ng isang babae na gumising samin.

"Ano ba yan, sino ka ba?" Pagrereklamo ni Tatti.

"Ako si Mrs. Clanta Agustus, ang school librarian." Pagpapakilala niya.

"Ay, sorry po Ma'am," Sabi ni Tatti at nagmadali na kaming nag-ayos ng gamit namin at umalis. Nagpaalam na rin kami sa isa't isa dahil uwian na. Akmang aalis na ako nang biglang hablutin ni Phillip ang aking kamay, and nagulat ako doon, sis.

"Tara na, hatid na kita sa bahay niyo." Sabi ni Phillip. Sinang-ayunan ko na lamang ito. Lumabas na kami at naghanap ng jeep pauwi.

***

"Ali, nandito na tayo," Paggising ni Phillip saakin. Naku, nakatulog pala ako sa sobrang antok ko. Nakakahiya naman. Bumaba na kami ng jeep at pumasok sa loob ng bahay. Bumungad samin ang nagmemeryendang si Ate Yvette at ang mga magulang ko.

"O, andito ka na pala." Sabi ng nanay ko. Ngumiti siya nang makita si Phillip.

"Phillip, aba! Halos ilang buwan din tayong hindi nagkita ah!"

"Opo nga po Tita eh," Sabi ni Phillip habang nagma-mano kay nanay at tatay.

"Tara, meryenda muna tayo, masarap pagkain dito," sabi ni nanay kay Phillip.

Umupo na kami at kumuha ng makakain. Marami-rami rin kaming pinag-usapan, at pagkatapos naming kumain ay nagpaalam narin si Phillip.

"Tita, Tito, Ate Yvette, alis na po ako. Salamat po sa pagkain!" Pagpapaalam ni Phillip kay nanay, tatay at sa Ate ko. Pagkatapos ay tumingin siya sakin.

"Goodbye, Ali. See you tomorrow!" Hinatid ko siya sa aming gate at pumasok na ako sa kwarto ko upang magpahinga. Sakto ay inaantok na rin ako kaya natulog narin muna ako.

***

Isang babae ang nakasuot ng isang napakagandang baro't saya ang naglakad papalapit sa isang lalaki na nakabihis ng isang magandang barong. Hinawakan niya ang kamay ng babae at nagsimula silang sumayaw. Ilang minuto na ang nakakalipas nang biglang napatigil ang babae.

"Bakit? Anong problema?" Tanong ng lalaki.

"May natanggal sa sapatos ko. Ang tali ata. Sandali lang, hindi ako makaluhod." Sabi ng babae na tila pinipilit lumuhod ngunit hindi magawa dahil sa kanyang suot na mahabang bestida.

"Ako nalang ang luluhod." Sabi ng lalaki.

"Ayos lang ba sa iyo?"

"Oo, ayos lang. Saan ba ang natanggal?"

"Sa kaliwa. Salamat ha."

Tumayo ulit ang lalaki at ngumiti.

"Ayos na ba?" Tanong niya.

"Oo. Salamat ulit."

Pagkatapos noon ay nagsayaw ulit sila. Kitang-kita sa mukha nila ang sobrang kasiyahan.

++++++++++++++++++

Note: MANILA PRIME UNIVERSITY DOES NOT EXIST PO. GAWA-GAWA LANG PO NAMIN. HEHEZ.

ReminiscenceWhere stories live. Discover now