Chapter 5 - Ikatlong na Yugto

Mulai dari awal
                                    

"Hi, lover boy. I'm coming today, care to greet me? I missed you," malamyos na boses ng isang babae ang nagsalita.

Hindi siya nakahuma at nabaling ang paningin kay Javier. Hindi niya inaalis ang posibilidad na may ibang girlfriend ang binata. Hindi lang nito sinabi sa kanya. Weird kasi sa katulad nito ang walang babaeng dini-date lalo na at isa ito sa natatalang eligible bachelor ng bansa.

"Who's that?" nagtatakang tanong ni Javier nang basta na lang niya ibinaba ang cellphone.

Umiling siya. "Babae. Baka wrong number. Pero tinawag ka niyang lover boy. Hindi naman siguro si Xiellou iyon?"

"Let me see," kinuha nito sa kanya ang cellphone at tiningnan ang number. "I don't remember these digits in my contact list."

Tumango siya at ngumiti ng tipid. "Ako na ang susundo kay Aki baka may kailangan pa kayong pag-usapan ni Jim." Minsan lang nagagawi roon si Jim dahil abala ito sa ibang commitment kay tuwing naroon ang lalaki ay sinusulit na nila.

"We will drop by at the park on our way home later," he promised.

Hindi na niya ito hinayaang tumayo, siya na mismo ang dumukwang at binigyan ng matunog na halik sa labi ang nobyo. Paglabas niya ng shop lulan ng sasakyan ni Javier ay sakto ring dumating ang pulang van na pumarada sa front parking ng kabilang shop.

***
Iniwan ni Javier ang ginagawa sa laptop at sumaglit sa labas. Tinungo niya ang katabing commercial lot. Napag-usapan na nila ni Jim na bibilhin ang lupain para gawing parking area at ang likurang bahagi ay gagawing extension ng warehouse.
Kasalukuyan na siyang nakikipag-negotiate sa may-ari at pag-uusapan na lang ang tamang presyo.

"Playing really hard to get, handsome? Kailangan pa kitang sundan hanggang dito?" Makinis at mapuputing mga braso ang pumulupot sa kanya mula sa likod. A sweet scent of perfume wafted and filled his nostrils afterwards.

"Margaux?" Alerto siyang pumihit at kumawala sa babaeng nakangiti ng matamis.

"Look at your face, Javier, it's funny. Para kang nakakita ng kababalaghan." Hinawi nito ang kulutang buhok at humalukipkip habang hinahagod siya ng tingin. "Don't you miss me?"

His eyes darted towards the red van across the street. Was it her? Ito ba ang may-ari ng shop sa kabila? Now, it make sense why that place seemed in a whirlwind to operate. Kapag sabay na magbubukas ang dalawang shop may tendency na lalangawin sila at dudumugin ang kabila. Tiyak darating ang mga kaibigan nito sa showbiz at hahakutin ang tao.

"I wonder if you figure it out already," malambing nitong sabi at akmang hahawakan na naman siya.

He backed off. "Barely. I didn't know you're into this kind of business."

She rolled her eyes, trying to look seductive. "I'm not but since you're into it, well, I think it's not bad to try." She did that hair flipping thing again.

"For what exactly? Strike a competition against Roanne?" Napailing siya sa obvious nitong dahilan. She is a city girl and not used to countrysides like this place. Naghahanap ito ng gulo para sumadya pa talaga rito at tapatan ang shop ni Roanne.

"Sort of. Inaagaw ka niya sa akin. Wala nang ginawang matino ang babaeng iyan, kahit noong nasa showbiz pa. Pati sa role pagdating sa movies hanggang mang-aagaw lang talaga ang papel niya."

He cracked a broken laugh. "Not this time, I believe. I had a son with her and I'm here to offer her a family. I love her. Stop making her life hard, or you'll get twice harder from me."

"Oh, ano? Nganga ka? Layuan mo iyang Javier ko, akin lang siya, mikrobyong nagkatawang tao!" malditang atungal ni Roanne na papalapit sa kanila.

Saglit na sinakop ng putla ang mukha ni Margaux. Hindi nakapaghanda ng pamatay na rebuttal sa kapwa nito artista. Habang siya ay hindi na napigil ang ngisi. Kilalang kontrabida si Roanne sa iilang movie projects nito noon. Ngayon ay nagagamit nito ng tama ang husay at mga natutunan sa workshop.

"Umalis ka na kung ayaw mong matuklap iyang anit mo!" banta nitong akmang hahablutin ang buhok ng babae.

Umatras si Margaux, dumaan sa mga mata ang takot at tumalikod na hindi na nakuhang magsalita pa. That was literally a one sided stand off dominated by his girl.

"Where's Aki?" Inakbayan niya ang dalaga.

"Hindi ko pa nasundo. Bumalik ako kasi nagduda ako sa pulang van. Hindi nga ako nagkamali, linta ng showbiz ang sakay. Sabi mo break na kayo ng babaeng iyon? Bakit kung umasta ay parang may kayo pa rin?"

Kailangan niyang maging maingat sa isasagot niya at baka anit niya ang matuklap mamaya.

"I dated her but we never had a serious relationship. Hindi ko niligawan iyon."

"Hindi niligawan pero ikinama mo ng maraming beses," masungit nitong patutsada.

Napangiwi siya. Na-shoot pa rin siya sa banga. Tinikom na lamang niya ang bibig at hindi na sumubok depensahan ang sarili.

"Magtino-tino ka ha, kung ayaw mong makita ng anak mo gaano ka-talented ang Papa niya. Magligpit ka na roon, sasama ka sa akin. Tayong dalawa ang susundo kay Aki."

"Yes, Ma'am Commander," masunurin niyang tango. "Pa-kiss muna ako." Sinaklot niya ito sa balakang at mapusok na hinalikan sa labi.

Sa kabilang shop ay nakatanaw sa kanila si Margaux.

BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHMENT ✔Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang