Chapter 4 - First Encounter

Start from the beginning
                                    

I looked at him closely. Yung kislap ng kanyang mga mata ay parang may itinatago.

Napakunot ang noo ko. He touched my face.

"Babe, can't you see it? Pag nalaman ng mga tao na tinamaan ako ng bala, they will see me as a hero, a survivor and their knight in a shining armor. Mas lalo nila akong mamahalin. Mas gusto ng mga tao yung inaapi at sinasaktan ang kanilang idolo. Dahil nakaka relate sila sa ganun. They can see me as one of them." he explained.

Hindi na lang ako umimik dahil siguradong magkakaroon na naman kami ng mainit na pagtatalo in the end. Might as well keep my mouth shut.

We are always like that. Ako ang laging talo.

I just asked Anton why it happened and who does he think would do that to him.

He mentioned possible suspects. Pwedeng yung political rival daw niya o kaya yung mga nakabangga niya when he launched an all out war against drugs. Or yung mga syndicates na nabuwag niya or mga kriminal na naipakulong niya.

And so on and so forth.

Buhay politiko, sobrang mahirap pero bakit sa iba ay parang masarap?

Kasi ginagawa na nilang negosyo.

May alam ako kahit papano sa kalakaran dito. My Dad was involved in it. Me and Mom supported him but looked what happened to them. I knew that the plane crash was ruled as an accident but up to now, I still have doubts.

Kaya ayaw ko sana hangga't maaari na magkaroon ng asawa na politiko din. But the fate planned otherwise.

As a Governor, sobrang busy ni Anton at palaging on the go. Minsan may mga on the spot na engagements siya o kaya ay emergency meetings lalo na kung may kalamidad sa lalawigan.

Idagdag mo pa ang walang katapusang interviews. Buti na lang at hindi niya ako pinipilit na sumama sa kanya. I seldom go with him when he perform his duties.

Napukaw ako sa aking pag iisip dahil sa ingay ng busina sa tapat ng gate namin. May nakita akong isang kotse na papasok sa garahe namin. Magpapalit na yata ang mga naka duty na guards sa baba.

I took my phone out and dialed Jia's number. Hindi pa kasi ako nakasagot sa text niya kanina dahil sa tawag ni Anton.

Sa pangatlong ring ay sinagot naman niya ito.

"Hello, Jessica. Akala ko hindi na tayo tuloy. I was waiting for your confirmation." she answered.

"Hello, Jia. Sorry ha, ngayon lang nakatawag sa iyo. I was on the phone with Anton. Yeah, he is fine and getting better, thanks. Magbibihis na ako. See you na lang sa boutique later." I said.

"Okay, see you later J." sagot niya bago tinapos ang tawag.

Nakapag ayos naman ako agad. Dala dala ko na ang aking bag at papunta na sa aking sasakyan ng lapitan ng isa sa mga security guards.

"Excuse me po Madam. Saan po tayo pupunta?" magalang na tanong niya.

Tayo?

"I'm meeting my friend." sagot ko.

"Sorry po pero kailangan kong malaman kung saang lugar." sabi niya.

Ang lambing naman ng boses nito.

Babae kasi.

Huminto ako at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Natagalan ako sa mukha niya. Bakit hindi ko yata siya namumukhaan? May bago na namang security dito sa bahay ng hindi man lang ipinapaalam sa akin?

"At bakit kailangan mo pang malaman where I'm going?" I asked too.

"SOP." tipid na sagot niya.

Aba, ang siga nito ah. Hindi man lang natinag o natakot sa tanong ko. Kung iba ito eh kanina pa nauutal.

"What if I won't tell you where I am going?" I challenged her.

"Alam kong sasabihin ninyo dahil hindi po kayo pwedeng umalis kung hindi, Madam." sagot niya.

"Are you serious?" inis na tanong ko.

"Seryoso po ako sa trabaho ko." hindi nagpatinag na sagot uli niya.

Hmmmnn, okay. She got me there. She is just doing her job nga naman. Still, I'm not impressed with her attitude.

"Sa MOA ako pupunta. Happy?" mataray na sabi ko.

Hindi naman siya umimik.

Nakakainis. No reaction or whatever siya sa pagtataray ko. I don't know what's going on in her mind as I can't see her eyes. Naka sunglasses kasi ito. Mataas na ba ang araw at nakasalamin ito?

O baka naman may problema sa mata? Ewww, baka may sore eyes pa, my goodness. Pag ako nahawa ng isang ito, lagot ang taong nag hire dito.

Pinagmasdan ko siya ng palihim, yung tipong isang hagod lang ng mata para hindi siya makahalata. I managed to have a glimpsed of her whole body.

Long hair with boobs, eh di babae nga talaga.

She is taller than me siguro ng ilang pulgada. Maputi. Matangos ang ilong. Nakakasilaw ang puti ng ngipin niya. Ang fit naman niya, kita ko abs saka napaka flat ng tummy.

All her curves are in the right places.

Wait? Did I just say that in my mind?

Erase that. Sure, she looks like a security guard.

"Just doing my job, Madam." she smirked as she attempts to get inside my car.

Aba at may English pa itong nalalaman. Nagpapakitang gilas yata. Ilan kaya ang baon niyang English?

Pardon me, I don't look down on security guards alright but this one is so full of herself. Hindi kasi siya marunong lumugar ng naaayon sa trabaho niya. Dapat lang nga na tarayan.

Aminado pala na mataray.

Depende sa kumporme.

"I don't need your company and services. I can handle myself." I said while preventing her opening the car door.

Nagkabungguan tuloy kami. I gripped the side of my car para hindi tuluyang mapalapit sa kanya. She stopped and looked at me. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

Paano kami napunta sa ganitong posisyon?

I can see my reflection from her glasses.

"Okay, as you wish Madam." she said while walking backwards away from me.

O madali naman palang kausap eh. Buti naman, kung hindi ay matutuyuan ako sa kanya.

Ah gusto ninyo mabasa sa kanya?

Damn this freaking mind. Epal masyado.

======================================================================

Another update guys dahil nanalo ang CCS!

Nagkita na sila pero wala man lang proper introduction. Ramdam na agad yung spark di ba?

Please vote, comment and follow me here in Watty and Twitter if you haven't done it yet.

Thank you 😊

The ProtectorWhere stories live. Discover now