KABANATA ISA

33 4 0
                                    


HELLO everyone! I'm Chelsea, please be nice to me!”

Masiglang sabi ni Chelsea sa harapan ng kaniyang mga bagong magiging kaklase. Nagsipalakpakan naman ang andodoon sa loob ng kanilang classroom.

Maraming napahanga sa kanilang lahat dahil kitang kita nila ang kagandahan ng babaeng nasa harapan nila.

Si Chelsea ay isang Grade 12 student na ngayon na lamang muling nakapag aral matapos ang ilang taon. Nag exam si Chelsea upang maka excel siya sa tamang baitang na naaayon sa edad niya at dahil lubhang matalino ang dalaga ay pumasa ito.

“Sa mga hindi nakakaalam, si Chelsea ay sampung taon na magmula ng huli siyang mag aral ngunit hindi yun naging handlang upang matigil siya  sa pag-aaral dahil nag exam siya upang makasabay sa inyong lahat at akalain niyo yun! Dahil sa talino niya ay nagawa niyang pumasa!”

Magiliw na sabi ng kanilang guro na siyang mas ikinahanga pa ng marami at nagsipalakpakan pa.

“Wow! Pahingi naman konting talino Chelsea!”

“Sana all talaga!”

“Idol kana namin!”

Napa bow naman si Chelsea habang nakangiti sa kanilang lahat dahil nahihiya pa siya sa mga ito. Iyon ang unang beses na muli siyang papasok sa paaralan kaya nag a-adjust pa siya na makisalamuha sa ibang estudyante ng paaralan na pinasukan niya, ang Stafford University.

“Alagaan niyo ang bago niyong kaklase Gas strand okay? Sigurado akong nag a-adjust palang siya sa lahat ng ito. Sino ang maaari kong mapagkatiwalaan sa paggabay kay Chelsea?”

“Ma'am  ako!”

“Ma'am safe sakin si Chelsea!”

“Ma'am dito!”

Sa sinabing iyon ng kanilang guro ay agad na nagsitaasan ang kanilang mga kamay at nagpaunahan na matawag ng kanilang guro. Napatawa naman ang guro dahil sa kaniyang nasaksihan at napatingin kay Chelsea.

“Nakikita mo hija? Ganiyan ka nila kagustong maging ka close. Kaya wag kang mahihiya okay?”  mabait na sabi ng guro kay Chelsea na ikinangiti naman nito.

“Yes po, maraming salamat po.”  mahinhin na sabi nito sa guro na ikinatango nito at humarap sa kaniyang mga estudyante.

“Oh siya tumigil na kayo! Viv, Isabella at Ryan kayo na ang bahala kay Chelsea maliwanag?”

Nagtitili ang tatlong sinabing pangalan ng guro at nakipag apiran pa sa isa't-isa at sabay sabay na sumagot ng;

“Yes Ma'am!”

Napailing nalang ang guro sa naging kilos ng mga pangalawang anak niya at muling humarap kay Chelsea.

“Hija maupo kana sa dulo, iyon nalang ang bakanteng upuan ayos lang ba?”  ngumiti ng malaki si Chelsea at tumango sa kaniyang guro.

Nagsimula na siyang maglakad sa kaniyang upuan at winewelcome naman siya ng mga classmates niya sa bawat makakasalubong niya.

“Thank you.”

Yan ang kadalasang sagot ni Chelsea sa mga ito hanggang sa makarating siya sa upuan niya. Siya ang nag-iisa sa kaniyang pwesto dahil absent ang nasa unahan niya at wala nang nakaupo sa magkabila niyang gilid.

Limang row na straight line na magkakasunod lamang ang upuan nila dahil maraming gas strand sections ang meron sa university nila kaya kulang-kulang twenty-five students lang sa iisang classroom.

Mayroon ring locker sa likod ni Chelsea na lagayan ng mga personal na gamit ng mga estudyante at mayroon itong lock. Aircon ang kanilang room kaya't nakasarado ang mga bintana at pintuan. White board ang kanilang gamit, at kumpleto sila sa libro at first aid doon.

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Jul 07, 2021 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

Kakambal(ON-GOING)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora