Paano kung ikaw ang mismong papatay sa kaibigan mo?
Anong gagawin mo?
Isa lang ang makakaligtas sa laro ng killer. Papatay ka ba? O mas pipiliin mong mamatay para sa kanila?
*Binuksan na ni ate Eunice ang Libro at sinumulan na ang pagbasa. At sa bawat pagbigkas niya ng salita, ay umiilaw ito*
{Page 1}
——:• SOLUTION ON HOW TO KILL THE STONE •:——
{Page 2}
"Mahiwaga ang lugar na inyong pinasukan. Maraming mahihiwagang bagay ang inyong matutuklasan. Maraming bagay ang hindi niyo paniniwalaan. Mga bagay na di niyo lubos maunawaan. Ito ang mga bagay na sa isip niyo lang magigisnan"
Babae: *mind* Ano ba naman to, bat hindi pa sabihin yung solusyon na hanap namin!
{Page 3}
"Ngayon na natuklasan niyo ang librong to, wala kayong ibang gagawin kung hindi paniwalaan ito. Paniwalaan ang mga nakasaad dito. Mga salitang napaka importante sa buhay niyo. At sa solusyong inyong hinahanap, narito ang kasagutang hinahangad niyo"
{Page 4}
"Sa dulo ng pahina ng librong to, may matatagpuan kayong ginintuang supot na puno ng mahihiwagang abo. Inyong isabong sa katawan ng bato at sabihin ang mga katagang. "Isa kang nakakapagsalitang bato, ngunit walang puso, sa bisa ng mahiwagang abo, ikaw ay mawawalan ng buhay, katulad ng ibang bato sa mundo"
-Pagkatapos namin basahin ay tinignan ni ate Eunice ang pinaka dulong pahina at may natagpuan nga kaming isang ginintuang supot-
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
= : {GOLDEN BAG} : =
Eunice: Tara na!
*Pumunta na kami sa kinaroroonan ng bato at ginawa na namin ang nakasaad sa libro. At sa hindi inaasahang pagkakatanoon ay nakita namin sina Mai Mai, Claidy, at Vic Vic*
Mai Mai: Guys! Saan kayo pupunta?
Claidy: Alam niyo na ba kung pano matalo yung bato?
Paolo: Oo, kaya pupunta kami doon!
*Ibinigay ni Ate Eunice ang libro kay Vic Vic at sinabing...*
Eunice: Basahin niyo nalang ng mabilis yung page 4 para alam niyo yung gagawin namin
*At nagpatuloy kami sa pagtakbo habang binabasa nila Mai, Clai, at Vic ang page 4*
Mai Mai: Okay! Alam na namin, Tayo na!
*Nagpatuloy kami sa pagtakbo hanggang sa marating na naman kung nasaan ang bato*
Bato: At anong ginagawa niyo rito? Hindi pa tapos ang laro!
Bonbon: Nandito kami para tapusin ka!
*Isinabong ng batang lalake ang mahiwagang abo sa bato at sabay-sabay naming binigkas ang engkantasyon*
Lahat: "Isa kang nakakapagsalitang bato, ngunit walang puso, sa bisa ng mahiwagang abo, ikaw ay mawawalan ng buhay, katulad ng ibang bato sa mundo" x3
-At laking gulat namin na bigla nalang nawala ang mukha nito, at biglang kumalas ang kanyang mga body parts-
Bonbon: Nagawa na natin!
*Napatigil kaming lahat ng nagbukas ang malaking pinto*
Sweetie: Makakalabas na tayo! Tara na guys!! *sabi niya at patakbo na sana siya patungo sa labas nang hinila ni Claidy ang kanyang braso*
Claidy: Sandali! Sina Hazel, Jm, at Kuya Otoy pa! Wala pa sila dito
Vic Vic: Oo nga pala sina Otoy wala pa!
Claidy: Kaya wag kang masyadong exited dyan! *sabay bitaw sa braso ni Sweetie*
Eunice: Mai Mai hanapin mo na nga sila
Mai Mai: Sandali, di ko alam kung san sila hahanapin. Baka maligaw pa ko dito eh!
Paolo: Samahan na nga kita, siguradong nandun lang sila sa baba nung bintanang pinagtalunan natin. *sabay akbay ko sa balikat ni Mai Mai habang kami naglalakad* Hay nako kahit kailan talaga, Mai, Ang duwag mo! *pangaasar ko*
Mai Mai: *inalis niya ang kamay ko sa kanyang balikat* Kung mangaasar ka lang! Edi bahala ka! Hanapin mo na sila mag-isa mo. *aalis na sana siya, ngunit pinigilan ko*
Paolo: Eto naman, Joke lang naman eh! Oh sige, Tara na hanapin na natin sila
-Nakita namin sina Jm, Hazel at Otoy na magkakasama sa isang tabi at amin naming nilapitan-
Paolo: GUYSS! Tara na makakalabas na tayo!!! *sigaw ko habang tumatakbo kami papalapit*
*Nakarating na kami sakanila. Nang biglang natalisod si Mai Mai na parang may naapakan*
Mai Mai: Aray! Ano ba to!!? *sabi ng nakahawak sa ulo*
Otoy: Ah, ayan..
*Tinulungan ko siya sa pagtayo habang nag papaliwanag si Otoy*
Otoy: ...Ayan yung humahabol satin kanina, si Lujill. Ay este Robot na Lujill
Hazel: Robot? Sabi ko na nga ba hindi si Ate Lujill yung kasama natin kanina
Mai Mai: Kung isa siyang Robot na Lujill? Nasan na yung totoong ate Lujill?
Paolo: Mamaya na tayo mag kwentuhan, bukas ng yung pinto. Makakaalis na tayo dito!
Jm: Oh sige tara na!
-Nakarating na kami sa harap ng malaking pinto at napansin ni Vic Vic ang sugat sa balikat ni Jm-
Vic Vic: Jm? Anong nangyare sa balikat mo?
Jm: Ah eto *sabay tingin sa balikat* Wala konting galos lang, malayo sa bituka. Haha
Babae: Tara na po.. Lumabas na tayo
-Lumabas na kaming lahat at ng makalabas kami ay bigla itong nagsara ng kusa-
[End of Paolo's Pov]
.
.
-:-- GAME 4 COMPLETED --:-
.
May susunod pa kayang Game na haharapin nila? Matatagpuan pa kaya nila ang tunay na Lujiil? Sino ba talaga ang mga misteryosong mga bata na nakasama nila? Kaibigan ba sila o Kaaway?