kinabahan naman ako. ganitong oras may kakatok?
"ako nalang magbubukas" - sabi ni Erlyne. tumango nalang ako pero kinakabahan parin.
pagkabukas niya yung pinto, mukha ni Kai ang nakita ko.
"Ash, si Kai." Bumangon ako at pumunta sa pintuan.
"bakit andito ka? baka pagalitan tayo" - Sabi ko sakanya. baka makita kami ng mga madre eh.
"Sa tingin mo ba gising pa sila?" sagot naman niya. Napaisip naman ako dun, di na lang ako nagsalita at hinintay ko nalang yung sasabihin niya.
"Mag-gogood night lang sana"
"Good Morning na kaya" sabi ko naman. HAHAHA bawian lang to.
"akin nalang yang bracelet mo!" sabi ni Erlyne. binigay naman niya yung simpleng bracelet lang, nakita ko naman yung bracelet na handmade na halata mong pinaghirapan.
"Kai, Akin nalang din ito HAHAHA" sabi ko sabay hawak sa kamay niya at pinakita ko kung ano yung gusto ko. napakadami niya kasing bracelet eh,
tinanggal naman niya yun at binigay saakin.
"oh, wag mong iwawala yan ha. pinaghirapan kong gawin yan"
"sige! salamat." Tumalikod na ko para pumunta sa room ngumiti nalang ako sakanya.
"Good night" sabi ko.
"uy ikaw ah. ang special ng binigay niya sayo" pangaasar naman sakin ni Erlyne.
"wala lang yun noh." pagtanggi ko naman sakanya.
ilang saglit lang may narinig ulit kaming katok. This time ako na yung nagbukas.
Si KAi ulit, sumunod naman sa likod ko si Erlyne.
" uhm pwedeng humingi ng good night kiss?" tanong niya ng nakangiti.
O________________________________o
"What?! NO!"
pumasok na ko sa loob at si Erlyne na yung nagsara ng pinto.
"Ash pagbigyan mo na beso-beso lang naman eh"
"Kahit na. di ko pa natry yun noh."
"Sige ka baka pagsisihan mo"
nagdalawang isi naman ako. wala namang mawawala sa beso-beso di ba?
*tok tok tok*
"Ayan na pagbigyan mo na dali" sabay tulak niya sakin sa pinto.
"Ashley sige na. Aalis na tayo bukas. baka Hindi na tayo magkita" - Kai
"Sige pero isa lang ha"
then I tiptoed and lean closer to his Cheek and gave him that so called beso-beso.
"Thank you, sa kabila naman para pantay" sabi niya, kala ko ba isa lang?!
"Tama na yan" sinara ko na yung pinto at narinig ko pa yung sabi niya.
"maghihintay ako dito"
Di ko nalang pinakinggan. Aantukin din yun.
"uyy may first kiss na siya." sabi sakin ni Erlyne
"First kiss ko ba yun? ako yung humalik?" ano nga ba dapat?
"oo yun na din yun noh"
tik
tak
tik
tak
may narinig ako sa labas ng pinto na parang naglalakad. wag niyong sabihin na andon padin siya at naghihintay?
binuksan ko yung pinto at tama kayo. andun nga siya.
"bakit di ka pa umalis?" tanong ko sakanya.
"hinihintay nga kita" nakonsensya naman ako.
"sige na isa pa, sa kabila" tapos ngumiti siya. kita ko naman na antok na siya.
chineck ko yung oras. 12:51 AM na.
"sige na sige na" sabi ko. tapos nilapit niya yung left cheek niya sakin. so ayun kiniss ko nga siya para matahimik na.
"Thank you" - Kai, ngumiti nalang ako at nag good night sakanya.
~
*END OF FLASHBACK*
'di ko namalayan na umiiyak na pala ako.
wala paring nagbago. iyakin padin ako tss. hahahaha.
tumayo na ko sa swing at naglakad na pauwi.
#BlankHashTag
Chapter Two: First
Start from the beginning
