Chapter 1

1 0 0
                                    

"sky, where are you? I'm here at the airport na" salita ko mula sa telepono.

"antayin mo nalang ako sa labas, malapit na ako" sabi nya at pinatay na yung call.

Omg ang rude talaga nya! Hindi man lang nya ako pinag ba-bye!

Hindi ko naman alam na sobrang init pala dito ngayon sa pilipinas, kung alam ko lang edi sana hindi ganito ang sinuot ko. Noong umuwi kasi kami dito sa pilipinas ay hindi naman ganun kaiinit dahil December nun. Ewan ko ba kung bakit summer ko naisipan umuwi dito, pero mas maganda na yun para naman magkaroon na ako ng kalayaan mula sa magulang ko na nasa New York. Nakakainis lang kasi na sila nalang lagi ang nag dedesisyon sa buhay ko, kinokontrol nila ako.

Tinawagan ko muna si mom para sabihin na nandito na ako sa pilipinas habang inaantay ko si sky.

"I knew it late ka nanaman na sunduin ako" sabi ko kay sky habang pinapanood sya na nilalagay ang mga bagahe ko sa sasakyan nya.

"Hi, Daphne!" rinig kong sabi nung babae mula sa frontseat .

"hala omg luna! Grabe na miss kita, it's been a while since we last met" sabi ko habang nakayakap sakanya.

"Ang tagal naman kasi bago ka umuwi ulit dito" aniya at kinalas na ang pagkakayakap saakin.

"you can't miss me anymore coz I'm going to na study here" proud kong sabi sakanya.

"Totoo ba? Buti pumayag paents mo" gulat nyang tanong.

Alam nyang sobrang strict ng parents ko pagdating sa akin. Hindi naman sila ganun when it comes to my kuya and my kambal. Sobrang laya nang dalawang kapatid ko samantalang ako sila lagi nag dedesisyon sa mga gagawin ko. Minsan nga iinggit na din ako pero iniisip ko na lang na baka kasi ako lang ang nag iisang babaeng anak nila kaya ganun sila ka strict sa akin.

"of course they will agree kasi may kapalit din naman ang pag stay ko dito sa pilipinas" sabi ko.

Sumakay na ako nang sasakyan dahil sabi nang kambal ko na si sky ay aalis na daw kami para mag punta sa resto na pina reserve nya. Sakto din kasi nagugutom na ako. Nag patuloy ang kwentuhan naming dalawa ni luna. Sinabi din nila sa akin na sabay sabay na kami mag eenroll next week dahil malapit na mag start ang first semester sa university na pinapasukan nila.

Engineering ang course na tinitake ko ngayon dahil yun ang gusto nang parents ko, si sky naman ay nag law at si luna naman engineering din ang kursong kinuha nya.

Si sky at luna lang ang kilala ko dito sa manila. Sa ilocos nakatira ang pamilya namin pero dahil nandito sa manila ang school na papasukan namin kaylangan naming mag stay ni sky sa isang condo na binili ni mommy.

"sky, saan room ko?" tanong ko sa kambal ko.

"Doon" turo nya sa isang kwarto "Iwanan mo nalang yang bagahe mo ako na ang magpapasok nyan sa kwarto mo. Mag pahinga ka na muna"

"Okay thanks"

Pumasok na ako sa kwarto ko at dumeretso na sa banyo upang maligo para makapag pahinga na ako.

Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng kwarto.

"Sky ang ingay mo!" sigaw ko sakanya habang binubuksan ko ang pinto. Nanlaki ang mata ko dahil may mga bisita pala sya. Dahan dahan akong pumasok muli sa loob ng kwarto ko dahil sa kahihiyan.

Hindi naman nila ako napansin no? Feeling ko napansin nila ako dahil sumigaw ako. Nakakainis naman kasi bakit hindi nya ako sinabihan kanina na may dadating pala syang mga bisita. Nag kulong muna ako dito sa kwarto ko habang nandun pa sila sa labas.

Ano ba naman yan nagugutom na ako e! Nakakahiya naman lumabas dahil hindi ko sila kilala. Bahala na nga condo ko na din naman 'to e!

Dahan dahan na akong lumabas sa aking kwarto. Mukhang hindi naman nila ako napansin dahil nasa cellphone nilang lahat ang atensyon nila. Omg cod ba nilalaro nila? Hala gusto ko sumali! Nevermind nalang pala hindi ko nga pala sila kilala bukod kay sky.

Dumeretso na ako sa kitchen para mag hanap ng makakain.

"Holy sh*t!" napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat "who are you?" Gulat na tanong ko sakanya.

"Ikaw ang sino?" balik na tanong nya.

"Excuse me? You don't know me?" taas kilay kong tanong sakanya "why are you here in my condo? how did you get in here?"

Sino ba 'to? Ngayon ko palang sya nakita pero mukhang ayoko na sa ugali nya.

"isa isa lang ang tanong pwede ba?"

OMG? ang annoying nya? ang sungit nya? sino ba kasi 'to at bakit nya ako ganito pag salitaan sa mismong condo ko?

"girlfriend ka ba ni sky?" tanong nya.

what? so hindi nya alam na kambal ako ni sky? omg ang funny nya.

"why mo tinatanong? and paano kung oo?" sabi ko.

"edi nice" sabi nya sabay kuha nung box ng pizza at umalis na sa harap ko.

Oh my God sky you have a friend na ganun ang ugali? tsk.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 04, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Would You BelieveWhere stories live. Discover now