PAALA-ALA: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang ng may-akda at hindi ito hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa pangalan ng tao,lugar, pangyayari, o organisasyon na tampok sa kwentong ito ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.
Sa bayan ng San Paolo, may isang babaeng maganda at seksi na nakatira doon. Bata pa lamang siya ay naulila na sa kanyang mga magulang kaya naman ang kanyang Ate Pira na ang nagpalaki sa kanya. Ang babaeng iyon ay nasa katauhan ni Vam.
Nabubuhay sa salat ng yaman sila Vam at Pira kung saan tanging pangingisda, pagsasaka at pagsisibak ng kahoy ang ikinabubuhay nila. Maraming kahoy ang nakapaligid sa kanila at malayong-malayo ang kanilang lugar sa mga kabisera kaya sulit na sa kanila ang pagkain ng mga prutas, gulay at mga hilaw na isda bilang agahan hanggang hapunan.
Walang isa sa kanila ang nakapagtapos ng pag-aaral subalit masaya naman sila sa kanilang buhay. Tanging bahay na gawa lamang sa mga gamit na kahoy at pinagtagpi-tagpi na mga tela ang kanilang tirahan, napakaliit ng espasyo.
"Kay bilis ng panahon, nasa tinedyer na tayo pero wala pa ring mga lalaki ang nanligaw sa atin", sabi ni Vam kay Pira.
"Naku, masyado pa tayong mga bata. Siguro may itinakdang panahon ang Diwata Grasya sa atin para dito", tugon ni Pira kay Vam.
"Naniwala ka naman doon! Eh, pwede naman tayo makahanap ng maliligawan kung kailan natin gusto. Wala na ang mga magulang natin kaya magagawa na natin ang mga gusto nating gawin sa buhay", sagot ni Vam sa kanyang ate.
"Hmm, kung ito ang ikapanatag ng iyong loob, sige basta magpakabait ka at sumunod ka sa mga utos ko," tugon ni Pira sa kanyang kapatid.
Pagsapit ng takipsilim, umalis ng bahay si Vam habang nag-aabala si Pira sa pagluto ng kanilang hapunan. Palayo ng palayo si Vam sa kanilang bahay ay may napansin siyang mahiwagang portal sa ilalim ng mahogany. Nagdadalawang-isip si Vam kung papasukin niya ang portal dahil nanibago siya nito sapagkat perstaym lang niya nakita at naranasan ito.
Gayun pa man, pumasok siya sa portal at napadpad siya sa kaharian ng Galupino Namangha si Vam sa kanyang nakikita habang nalusob niya ang nasabing kaharian.
"Kaloka! Ang ganda naman ng kaharian nila. Madaming pagkain at inumin. Napakaganda ng mga tanawin. Naku, kung ganito lang ang lugar namin sa San Paolo, hindi na sana akong maghihirap", bulalas ni Vam sa kanyang sarili.
"Vam, naparito ka sa aking kaharian? Anong sadya mo dito?", tanong ni Diwata Grasya sa dalagita.
"Ayy, ikaw pala yan Diwata Grasya. Dito pala ang bahay mo?", sagot ni Vam sa diwata.
"Tama ka nga Vam. Alam ko may sadya ka rito. Alam ko lahat ng ginagawa mo. Nabigla ka nang una mo nakita ang portal sa ilalim ng punong mahogany. Ito ay dahil gusto kong subukan kung ikaw ay matalino at masunurin ba", tugon ng diwata sa dalagita.
"Kung gayon, ano talaga ang sadya mo sa akin Diwata?", tanong ng dalagita.
"Nakita ko ang iyong pagsuway sa iyong kapatid. Umalis ka ng bahay na hindi nagpapaalam. Alam mo ba na labag yan sa kautusan ko ang hindi pagpaalam sa iyong kapatid kung aalis ka?" sagot ng diwata.
"Eh, ano ngayon kung aalis ako sa bahay na hindi nagpapaalam? May magagawa ka ba?", pagalit na tugon ng dalagita sa diwata.
"Tingnan natin ang susunod na mangyayari sa iyo Vam. Kung ako sa iyo, mag-iingat ka. Baka magulat ka nalang sa isang pangyayari na pagsisihan mo kung magpatuloy ka sa maling gawain", tugon ng diwata kay Vam.
Ibinalik ni Diwata Grasya si Vam sa San Paolo. Madaling umuwi ang dalagita matapos niyang nasaksihan ang lahat ng mga naranasan niyang bagay sa Galupino.
"Saan ka nanggaling Vam? Alas otso na at kanina pa ako tapos maghain ng ating hapunan eh hindi ka man lang tumulong sa akin kanina at umalis ka na hindi nagpapaalam", tanong ni Pira sa kanyang kapatid.
"Wala po Ate, nagdedilihensya lang ako", pasinungaling na tugon ni Vam sa kanyang ate.
"Kung gayon, halika ka na at kumain na tayo, maaga pa tayo bukas sa ating trabaho. Magsisibak pa tayo ng kahoy para may magamit tayo sa pagluluto bukas", tugon ni Pira kay Vam.
Kinabukasan, umalis ng bahay sina Vam at Pira upang magsibak ng kahoy. Dahil ubos na ang kanilang kahoy na gagamitin sa pagluluto, nagtulungan ang magkapatid sa pagsibak nito. Habang nagsisibak ng kahoy, paunti-unting umalis si Vam na hindi nagpapaalam sa kanyang kapatid at pumunta sa may kalapit na ilog sa San Paolo.
Isang makisig, malakas at gwapong binata ang nakita ni Vam habang naliligo ito sa ilog. Nilapitan ng dalagita ang binata at nakipag-usap nito.
"Uyy, ang gwapo mo naman! Pwede pong makipagkaibigan?", tanong ni Vam sa binata.
"Oo naman binibini. Anong sadya mo sa akin?", tugon ng binata sa dalagita.
"Gusto kita! Ako pala si Vam, isang maganda at seksing babae na makinis ang balat", maligayang pagpakilala ng dalagita sa binata.
"Ako pala si Vlad at ikinagagalak kong makilala ka.. Alis na ako, baka hinahanap na ako ng aking amo", tugon ng binata sa dalaga.
Nagbigla si Vam sa naging tugon ni Vlad. Maya't-maya, sinundan niya ang binata hanggang sa nakita niya ang kanyang bahay sa San Raakin. Pagdating sa bahay ng binata, nangungulit na naman ang dalaga kay Vlad.
"Ikaw na naman? Anong sadya mo rito?", tanong ng binata sa dalaga.
"Ano ka ba Vlad? Eh di magbigay ng kaligayahan sa iyo", tugon ni Vam sa binata kasabay ng paghalik nito sa kanyang labi.
"Tumigil ka nga Vam! Baliw ka ba? Bakit mo ako hinalikan?", tanong ni Vlad sa dalagita.
"Siyempre gusto kita. Ikaw ang gusto kong maging nobyo ng buhay ko", sagot ng dalagita sa binata.
"Diretsahan sagot Vam. Wala akong gusto sa'yo!", tugon ni Vlad kay Vam.
Nabigla ang dalagita sa naging reaksyon ng binata. Sa kabila nito, muli na naman sinundan ni Vam si Vlad hangga't natagpuan niya itong nag-iisa sa may balkon ng Plaza San Martin.
"Ikaw na naman?", pasigaw na tanong ni Vlad sa dalagita.
"Vlad, gagawa at gagawa ako ng paraan para mapasaakin ka. Wala na akong pakialam kung ano ang mangyayari sa akin basta makasama lang kita", tugon ni Vam sa binata.
"Eh di mababaliw ka! Ang kulit mo kasi. Inuulit ko ha, wala akong gusto sa'yo", tugon ng binata sa dalagita.
Pero biglang hinalikan ng dalagita si Vlad hangga't sa nahuli siya nito ng kanyang Ate Pira at ni Diwata Grasya. Nabigla na lang ang dalagita sa kanyang nakita.
"Pasensyahan tayo Vam! Nagtitimpi na ako sa'yo dahil pasaway ka naman sa kapatid mo", sabi ng diwata sa dalagita.
"At nandyan na naman ang pinakamagaling kong Ate Pira at ang intrimitidang diwata. Bakit? Sino ba kayo para pigilan sa aking pagmamahalan?", sagot ni Vam sa diwata.
"Vam, tama na! Nakikiusap ako sa iyo. Uwi na tayo.", pakiusap ni Pira sa kanyang kapatid.
"Tumahimik ka! Hindi ako uuwi hangga't hindi ko makasama sa iisang bubong si Vlad", pagalit na tugon ni Vam sa kanyang kapatid.
"Ang dapat sa'yo ay turuan ng leksyon!", tugon ng diwata kay Vam.
Ensaktong pagsapit ng takipsilim ay naging ganap na bampira ang anyo ni Vam bilang kaparusahan sa kanyang pagkakamali. Umalis na sa Plaza San Martin sina Pira at Vlad habang biglang lumaho sa ere si Diwata Grasya.
Nagsisisi si Vam at umiiyak na lamang ito sa kanyang naranasang kaparusahan.
YOU ARE READING
Takipsilim
FantasyTakipsilim is a 2022 short story that tells about a stubborn woman named Vam just to get the man she wants to become as her boyfriend. She fell in love with Vlad. Things turned out to be different for Vam when the sunset (takipsilim) will happen. Wi...
