Chapter 1 - Ikatlong Yugto

Start from the beginning
                                    

"Wait for my pay back, I'll make you screamed the oversize." Binitawan niya ang kamay nito at pinisil ang pang-upo ng dalaga. Kinindatan niya si Aki na tumingin sa kanila. Nakaangat ang guhit ng mga kilay ng bata.

"I think he noticed our little monkey tricks," pigil niya ang ngisi.

"Na nilalandi mo ako?"

"Bumibigay ka naman."

Natatawang pinalo siya ni Roanne sa braso at dumukwang ito, dinampian ng halik sa labi si Aki.

"Papa, my orange!" yamot na apura ng bata.

Nahimasmasan siya. "Here, buddy." Inabot niya rito ang orange.

Busangot na kinuha iyon ni Aki at muling binalingan ang pinapanood na cartoon show sa cellphone. Pagkaalis ni Roanne ay naupo siya sa easy chair malapit sa kama at pinagmamasdan ang anak na kumakain ng orange.

Nag-vibrate ang kanyang cellphone na nasa sidetable. It was a message from his lawyer. Nai-konsulta na niya ang tungkol sa correction ng birth certificate ni Aki. Dadalhin nito ang dalawang apelyido niya. It's either Lextallionez or Sepulbidda. No one will ever question his son anymore.

"Proceed with the making of the documents," utos niya sa kanyang abogado.

"We will do that, Sir."

He dropped the line and opened the gallery of photos. One folder in there is keeping pictures of him and Yve. There's also a single memory of Anne Marie. Binura niya lahat ng larawan. Tapos na siya sa nakaraan. Matagal na dapat.

"Papa?"

Alerto siyang nag-angat ng tingin kay Aki. "Yes, bud?" Ibinaba niya ang cellphone at dinaluhan ang anak. Pinangko niya ito at nilipat sa kanyang kandungan.

"Should I ask sorry to Junjun for punching him?"

Piniga ng awa ang puso niya. Is his boy thinking about it all along? "Do you want to?"

"I don't but I think I have to because punching his face is bad. Am I bad?"

"No, son, you're not. But Junjun is not bad either. He just didn't understand the situation. I'm pretty sure he doesn't want to tell you those awful stuff about me and Mama."

Tumango ito. "I should say sorry then and next time I will tell my teacher."

"Yes, tell your teacher next time. Aren't you friends with Junjun?"

"I don't know, they don't want me around because I don't have a Papa and Mama was in jail. They told me she is bad."

Hinagkan niya ang tuktok ng ulo nito. "Do you think Mama was really bad? When she hugged you like this and kiss you, do you feel she's bad?"

"No," umiling ito.

"You know what, when you were a tiny baby she carried you inside her tummy and she protected you." Hinaplos niya ang tiyan nito. "After nine months you came out of her and that is very painful but Mama did not complain because she was happy and she was excited to see you."

"Really?" Namilog ang mga mata ni Aki. "Where did I came out?"

"Well, Mama has a beautiful part in her body with a hole in it."

"Can I see it when she gets back?"

Natawa siya. "I don't think Mama will show it. She kept it very carefully so no one can see it."

"Okay," inosente itong tumango.

Sumipa ang kaba sa dibdib niya nang tumingala ang bata at tumitig sa kanya. Paano kung pagbalik ni Roanne ay mangungulit si Aki na makita ang sinabi niya? Baka bubuntalin siya ng dalaga.

***
Pagkatapos ng nangyari kay Aki kanina na-realize ni Roanne na wala rin pala siyang magagawa kung wala si Javier. Na-guilty siya ng husto ngayon kung bakit niya nilihim ang anak. Naging selfish siya at sarili lang ang iniisip. Hindi niya napansin na inalis na pala niya ang mga karapatan ni Aki. Ang karapatan nitong magkaroon ng ama. Karapatan nitong madama ang pagmamahal ni Javier, ang makasama ang binata, maipagmalaki sa mga kaibigan nito at mga kalaro.

Sana hindi pa huli ang lahat para bumawi siya. Kahit balang araw ay maisip pa ni Javier na ilayo sa kanya ang anak, titiisin niya kung para iyon sa ikaliligaya ng bata.

Binitbit ni Roanne ang itim na hand carry bag at nagmamadaling bumaba. Dumaan siya ng kusina. Kasalukuyang isinilid ni Rowena sa paper bag ang mga pagkain na niluto nito.

"Adobo lang ito at sweet and sour. Nagahol na ako sa oras," sabi ng tiyahin.

"Okay lang po, Auntie. Thank you so much po."

"Pupunta ako bukas."

"Sige po," hinalikan niya sa pisngi si Rowena at binitbit ang paper bag.

"Ingat sa daan!" paalala nito.

Kinapa niya sa kanyang bulsa ang susi ng sasakyan ni Javier. Nang matiyak na naroon lang ay tumuloy na siya palabas ng bahay. Ngunit saglit na nag-ugat nang matanaw ang babaeng nakasandal sa hood ng sasakyan.

Si Xiellou.

"Kumusta si Aki?" tanong nitong naglakad papalapit aa kanya.

Hindi friendly kung makitungo sa kanya ang babaeng ito. Pero mas kampante siya dahil hindi ito nagkukunwaring gusto siya. Xiellou is setting a certain gap between them, an indication that she is into Javier from the beginning. Hindi naman din nito itinago ang pagkakagusto sa lalaki. Kahit nga sa harapan niya ay malakas ang loob nitong landiin si Javier.

"Maayos na siya, salamat." Ngumiti siya ng tipid.

Tumango ito. "Sana hindi mo ginagamit ang anak mo para makuha si Javier."

Nagpanting ang tainga niya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ko basta isusuko si Javier sa iyo. Mahal ko siya at kung nagpaubaya ako noon kay Yve ngayon ay dadaan ka muna sa butas ng karayom bago mo ako matalo."

Tumigas ang mukha niya at nakipagsukatan sa babae. "Kung kay Rheeva noon pumasok ako ng kulungan para lang ipaglaban ang nararamdaman ko, kay Javier ngayon papasukan ko kahit hukay ng sementeryo. Huwag mo akong tatakutin!" Hinawi niya ito paalis ng kanyang daraanan.

"He's not over yet with his past, Roanne. Subukan mong i-check ang cellphone niya. Hanggang ngayon ay iniingatan pa rin niya ang mga babaeng nagpatibok ng kanyang puso. Can you deal with that?"

Hindi siya nakahuma. Kung totoo ang sinabi ni Xiellou, handa ba ang puso niyang makita ang larawan ni Anne Marie sa cellphone ni Javier?

BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHMENT ✔Where stories live. Discover now