Kung hindi ka kuntento sa sagot ko, uminom ka ng pabango at umutot , itapat sa electric fan para naman libre na ang freshner mo.

*****

Uso na rin nga pala ngayon ang mga superhero na kinukuha ang pangalan sa mga hayop gaya na lang ni SPIDERman, BATman, at ni CATwoman. Pero kung ipapasok ko ang mga ideya ko sa mga direktor ng mga pelikula, iimbentuhin ko si ELEPHANTman, T-REXman, at , GIRAFFEman para naman may katulong na si Hulk at si Thing. Maging si PEKSman ay ipapalabas ko na rin para matapos na ang lahat.

Minsan na akong naasar sa mga superhero na misteryoso daw kahit nakamaskara lang naman sila. Halimbawa na lang si Lastik Man na halata namang si Vic Sotto pero nanatiling siyang misteryo. Pero hindi natatapos ang pelikula ng walang nakakaalam kung sino ba talaga ang misteryosong superhero.

Superhero ka man o Maging kalahi ng Pokemon isa lang ang masasabi ko..

Marami ka ring tanong na hindi masagot-sagot.

"One's first step in wisdom is to question everything - and one's last is to come to terms with everything." ~Georg Christoph Lichtenberg

 

Siopao, Siomai, Suman. Nakakabulol nga nu? Pero kapag binigkas mo ng maramihan, lalabas ang mga karakter gaya ni SOPAO, SOMAI, at ang malupit na si SHUMAN.

Nakakapagpabagabag man isipin na mahirap basahin 'to, huwag ka ng magtaka. Eh kamusta naman si nakakapagpabagabab na pagkakasambit mo sa unang salita ng talatang ito?

Sa mga nagtatanong kung bakit ang hirap bigkasin ang mga apelyido ng mga sikat na scientist gaya nina Anton van Leewenhoek at Gustav Kirchhoff,  abay hindi ko rin alam. Pinagtataka ko rin sa buong buhay ko ay ang hindi matigil-tigil na pagsasalita ng mga Pilipino ng mga katagang -"shong shang kwing kwang" , "hey wazzup wazzup" , at "heng barabuchiri" kapag may dadaan na dayuhan sa harap nila?

Ayon sa aming napag-aralan (kahit hindi naman talaga), nag-umpisa daw ang paggamit ng apelyido sa Pilipinas nang tayo ay sakupin ng dayuhang Kastila. Ngunit kung papipiliin ako ng apelyido, syempre, Schwarzennger. Pero kung tatanungin mo kung mag-aanak ako, wag na lang kawawa naman kasi siya kapag pinasulat sa kanya ang apelyido niya.Anumang paniniwala kung saan nanggaling ang apelyido, wala na kong magagawa. Isa lang naman ang natitiyak ko e - na wala akong apelyido.

iJuanDer.Saan nga ba nagsimula ang apelyido?

    Para naman matapos na ang kontrobersyal na katanungan sa pagbigkas ng shong shang kwing kwang, hey wazzup wazzup, at heng barabutchiri  eto na ang sagot:

ANG PINAGMULAN NG MABABAHONG APELYIDO [ BOW ]

             Pinasimulan ang paglikha at nabuhay si Eba at Adan. Napatalsik sa Eden at nakabuo ng maraming henerasyon. Nang biglang namuhay ang mga taong tabon sa Pilipinas:

TABON 1: AHOO! LULU..

TABON 2: BRR. TSK . TSK.

Researcher: Ahm. Ano pangalan niyo?

TABON 1: HUHU! ALPUNGKA!

TABON 2: BARA! BARADO!

Researcher: ALIN ANG BARADO?

~ THE END~

Dahil uso naman ang indi films, pinutol ko na at kayo ng mag-isip ng katapusan . At ngayong nakilala niyo na si Huhu Alpungka at Bara Barado.. Siguro alam niyo na.  Siguro, alam niyo na rin kung bakit may "TSK" sa text ng mga badtrip na tao.

Apelyido mo man ay Sy lang o di naman kaya'y Ong lang , wag kang mag-aalala dahil hindi ka naman nahirapan gaya ni schwarzenneger at nebuchadnezzar na hanggang ngayo'y repeater pa ng Grade One.

~

Kontrobersyal ba kamo? Isa pa diyan ay ang tanong na , Ano ang mas malaki? ang bulsa ni Doraemon? o  ang bag ni Dora?

Dahil kasya ang cabinet at bahay sa bulsa ni Doraemon, panalo siya. Pero dahil naman sa kagagala  ni Dora at kapupulot niya ng mga bagay gaya ng balat ng kendi, iba na ata ang usapan dito.

MGA TANONG:

*Gumagala din naman si Doraemon diba? E ano ba talaga siya? Pusa o Angry Ball na blue? Pakipatunayan naman kung alam mo.

*Si Dora? Lagi nga bang kumakati ang paa niya kaya siya galaera? Ba't hindi na lang niya ipakamot sa mga kaibigan niya? Kung sang-ayon ka, kaibigan ka naman niya diba? Kumamot ka na lang din.

Lahat ay nagmumukha ng baliw sa tanong na ito. Minsan, naisip ko na ang tanong ba ang problema o ang utak ng tao?

Eh ano ba ang relasyon na namamagitan kina Diego at Dora? Oy! Luma-love life ang negra. 

Puso, ito daw ang nagdidikta ng emosyon sa tao. Pero ano ba ang nagdidigta dito? ang utak. Ang hypothalamus. Sabi ni Webster , si Hypothalamus daw ang naglalabas ng emosyon na ating nararamdaman. Eh saan naman nag-umpisa ang pagiging manhid? Sa kalyo ba? 

BOY: I LOVE YOU AT THE BOTTOM OF MY HYPOTHALAMUS. 

Oh diba? Dinaig pa niya ang mala-romansang lenggwahe ng France. Hindi pa kasama diyan ang " chug-chug" na ritmo ng puso niya ( na talaga namang mapapa-oo ka).

Isa pa sa kinagawian ng mga lalaking Pilipino ay ang pagkamot ng ulo kapag may hawak na bulaklak habang nanliligaw sa mga babae. Kusa na ba talagang tumutubo ang balakubak kapag kinikilig sila? Eh yung pagyuko ng mga babae? Nakita ba nila ang nalaglag na balakubak mula sa anit ng mga lalaki? Kayo na ang maghusga.

TANONG:

1. Nakakain ka ba ng polvoron ng hindi nadudurog?

2. Bakit nauuna ang brief ng mga lalaking superhero?

3. Nakakain ka na ba ng mabahong adidas?

"Question everything. Every stripe, every star, every word spoken. Everything."                                                                ~ Ernest Gaines   

iJuanDer ( mga tanong na hindi mabigyan ng kasagutan)Where stories live. Discover now