25

38.8K 1K 184
                                    

AGNELLA TELESE


Siguro ay bukas na lang ako hihingi ng sorry sa kanya. Nagdadalawang-isip pa ako kung pupunta ba ako ngayon sa kusina o huwag na lang muna akong tumuloy. Pero 'yung tiyan ko, gutom na gutom na ako.

Pinasadahan ko ulit ng tingin si Ales Nakatutok lang ang dalawa niyang mata sa TV at medyo may kadiliman sa sala kaya hindi naman siguro niya ako mapapansin kung sakaling dumaan ako sa likuran niya.

Nakaupo kasi siya sa pang-isahang sofa at nakatalikod siya sa hagdanan. Wala na akong ibang choice, gutom na talaga ako.

Humugot muna ako ng isang malalim na buntong hininga bago ako tahimik at maingat na naglakad pababa sa hagdanan. Kulang na lang pati paghinga ko ay pigilan ko na rin, basta huwag lang niya akong mapansin.

Nakababa na ako nang hindi niya napapansin ang presensya ko kaya tumalikod na ako at humakbang na papuntang kusina. Pakiramdam ko ay dinaig ko ang magnanakaw nito.

"Are you hungry?" isang bruskong boses ang biglang aking narinig kaya muntik na akong mapatalon sa gulat.

Nilingon ko naman agad si Alessandro na nakatingin na pala sa akin. Tumayo ako ng tuwid at napakamot sa batok habang nahihiyang tumingin sa mapungay niyang mata.

"S...Sabi mo kasi ay bumaba lang ako kapag nagugutom ako," nahihiya kong sabi sa kanya.

Uminit ang magkabila kong pisngi nang mahina siyang tumawa. Buti na lang ay medyo madilim dito sa parte ng kinatatayuan ko kaya hindi niya nakikita kung paano ako pamulahan ng mukha.

Tumayo siya at nilapitan ako. Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak para paupuin sa sofa.

"Stay here. Ako na ang kukuha ng makakain mo sa kusina," presinta niya.

Hindi na ako nakasagot dahil mabilis siyang naglakad papasok sa kusina. Hinayaan ko na lang siya. Umayos agad ako ng upo nang makabalik si Ales. Nilapag lang niya sa center table ang mga pagkain.

Natakam ako nang malanghap ko ang mabango nitong amoy. Crispy Kare Kare ang ulam na niluto niya kaya mas lalong kumalam ang tiyan ko sa sobrang gutom.

"Kumain ka na. Ang tigas kasi ng ulo mo," natatawa pa niyang sabi at bahagyang ginulo ang buhok ko bago siya naupo sa tabi ko.

"Salamat," tangi kong sagot.

Kahit nakakaramdam ako ng pagkailang ay mas pinili ko na lang ituon ang atensyon ko sa pagkain at agad ko na itong nilantakan.

Walang nagsasalita sa amin at minsan ay napapatingin ako sa TV. Hindi ko alam kung anong movie ang pinapanood niya kahit na medyo pamilyar sa akin 'yon.

Hindi ko lang matandaan kung saan o kailan ko na ba 'to napanood. Pansin ko pa sa peripheral view ko na nakatitig lang si Ales sa akin ng mariin kaya nilingon ko siya habang nginunguya ko ang kinakain ko.

Ni hindi man lang siya nagtangkang kumurap kahit na harap-harapan ko na siyang nahuli na nakatitig sa akin.

"Bakit? May marumi ba sa mukha ko?"

Mas lalong bumilis ang puso ko nang gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang labi. Nilunok ko muna ang kinakain ko at napasinghap na lamang ako nang lumapit siya sa akin para yakapin ako mula sa aking likuran.

"I can't take my eyes off you because you're beautiful, Agnella. Sobrang ganda mo talaga," malumanay niyang sagot.

Bigla akong nabilaukan dahil sa sinabi niya. Feeling ko ay bumalik sa bibig ko ang mga nilunok kong pagkain kaya napamura si Ales. Hinanap ko ang tubig sa center table pero wala akong nakitang kahit na isang basong tubig man lang.

IDLE DESIRE 2: HIS SEDUCTRESS [SOON TO BE PUBLISHED] Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz