Chapter 2 - Ikalawang Yugto

Start from the beginning
                                    

"Sizzling spicy shrimp, your favorite!" malambing nitong sabi.

She is off the attire again. No bra, and only a lace black T-back under the see-through dress. Pinaglalaban pa rin nito hanggang ngayon na matutukso siya.

"Get a proper clothes, Xiellou. I don't want my son to see you sporting that daring outfit."

Tumawa ito ng malamyos. "Lagi mong ginagawang excuse ang bata. Aminin mo na kasi, sakit sa puson itong hitsura ko."

"Alam mo naman pala, go and get a cover!" he slapped her butt.

Tumili ito ng malandi. "I like that, lover boy." Kumindat ito at natatawang iniwan siya roon sa kitchen.

Binuksan niya ang fridge at kumuha ng malamig na root beer in can. Nakailang lagok pa lang siya nang tumunog ang door chime.

It must be Roanne.

Binitbit niya ang lata ng inumin at pinuntahan ang pinto. Binuksan pero hindi niya hinayaang pumasok ang dalaga. He pushed her back to the porch, and shut the door behind him. He anticipated an argument, and he can't have his son saw them.

"Nasaan si Aki? Sinundo mo na pala bakit hindi mo ako isinama at bakit dito mo inuwi ang bata?" sita ni Roanne, bakas sa namumulang mga pisngi ang inis at panggigigil.

"Aren't you busy with that guy?" malamig niyang bwelta at lumagok ng beer.

"Sinong guy? Si Rex?"

He did not answer. Naiiritang iniwas niya ang paningin.

"What is wrong with you?"

"No, what is wrong with you! Akala ko malinaw ang usapan natin kanina. Maghihintay ka sa akin. Bakit ka sumama sa lalaking iyon?" Does it sound reasonable? Who cares anyway? Hell is hell!

Saglit na natigilan ang dalaga at dumaan ang takot sa mga mata. Ngunit pilit nitong pinatitigas ang expression upang tapatan siya.

"Hindi ka kasi agad nakabalik. Inisip kong baka umuwi ka na rito sa bahay mo. Dumating si Rex at nag-alok na ihatid ako roon sa police station. May masama ba kung sinamahan niya ako? Nagmagandang-loob lang iyong tao."

"Really? Nagmagandang-loob lang?" Tumawa siya ng pagak. Hindi na magawang ubusin ang inumin. Lukot ang latang hinambalos niya iyon sa pader.

"Ano bang gusto mong palabasin? Kilala ng Auntie si Rex, mabait siyang-"

"Mabait sa magandang babaeng tulad mo! How naive can you be, Roanne? That guy is a cheat womanizer! Where that damn intuition of yours gone? Bullshit! Aki is not going home with you! Dito lang siya." Tiim ang mga bagang na deklarasyon niya. His temper exploded unbelievably.

"Sumusobra ka na!" Pinalo siya ni Roanne sa braso. "Anong karapatan mong umastang ganyan ha? Ano ba kita? Ilabas mo ang anak ko! Nasaan si Aki?"

Gigil na dinampot niya ang dalaga, pinasan sa kanyang balikat habang nagpupumiglas at dinala sa loob ng bahay. Tuluy-tuloy sa kanyang kuwarto.

"Mama!" tumakbo papunta sa kanila si Aki na nagtataka.

Ibinagsak niya si Roanne sa kama. "You're not going back to that house, you and my son, do you hear me?"

"Papa?"

Binalingan niya ang anak. "You, and Mama will be transferring here starting today. Do you like that, Papa's boy?"

"Really? We will live here? Yes, Papa! I like to live here with you, and Mama." Yumapos sa kanya ang bata.

***
Her shock was evident. It's all over her face like a spelled letters in uppercase. Nakikita niya ang sarili sa salamin ng dresser. Tameme. Hindi makagalaw. She was too afraid to react. Baka mamaya mas malala pa ang sasapitin niya.

Ilang minuto na siyang naiwan doon sa loob ng kuwarto. Lumabas sina Javier at Aki. Mahigpit niyang kinuyom ang mga kamao at gigil na sinuntok-suntok ang unan. Bakit ba hindi siya makaalpas kay Javier.

Ang kapal ng lalaking iyon. Kung umasta'y parang may karapatan sa kanya. Anong pakialam nito kung kasama niya si Rex kanina? Tapos dito siya patitirahin gayong may ibang babae itong kasama? Magmumukha siyang desparate freeloader dito? At ano bang drama ng sira-ulong Architect na iyon? Bakit galit na galit?

"Mama, come here! It's dinner time." Tawag ni Aki na nakasilip sa pintuan.

Napilitan siyang bumaba ng kama at lumabas ng kuwarto. Kinaladkad siya ng anak patungong kusina at hindi makaangal nang ipag-urong siya ni Javier ng silya. Naupo siya kahit naiilang. Magkatabi sila ni Xiellou na ngumiti sa kanya ng tipid. She can't a fake a smile, she knew her face was distorted. Tinanguan na lang niya ang babae.

Aki led the prayer before meal.

"Why don't you tell Mama about the five stars?" Javier nudged their son while they were eating.

Masayang tumawa si Aki, tuwang-tuwa. "I got five stars from the teacher, Mama! And Papa took me to the rides in the mall. We eat ice cream after, and I'm having so much fun."

Tumango lang siya. Hindi mapigil na sulyapan si Xiellou na pinaghihimay ng hipon si Javier. Walang pakialam ang babaeng ito na nandito sila ng anak niya at nakatingin. Kung lambingin si Javier, lantaran.

Hindi tuloy siya nabusog dahil umaapaw sa dibdib niya ang poot at bumaba hanggang sa kanyang sikmura.

"Hindi mo kami pwedeng pilitin ni Aki na tumira rito. May bahay kami!" Muli niyang sita sa binata nang maiwan sila sa loob ng kusina.

Si Aki ay nasa sala at nanonood ng tv habang si Xiellou ay lumabas ng terrace para sagutin ang tawag sa cellphone.

"I don't have to force my son, Roanne. Do I have to force you?" matigas nitong pakli.

Nalaglag ang mga balikat niya.

BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHMENT ✔Where stories live. Discover now